Life or Death?

16 2 0
                                    


"Hah?" Bakas sa muka ko ang pagtataka sa narinig ko sa diyos na ito.

"Pakiulit nga ulit?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ikaw ay magiging parte ng liwanag. Ang Aspect of Light."

Sa sobrang pagtataka ay napatawa ako. Ng napakalakas. At kahit napakaliwanag, alam kong nagtataka na rin ang diyos na ito.

Matapos tumawa ay inayos ko ang sarili ko. Ramdam ko kasi na kaya akong patalsikin dito ng diyos na to sa isang iglap lang.

"Seryoso ka ba?" Simple ngunit mabigat na tanong ko.

"Oo." Walang buhay naman na sagot nya.

Bakit ako? Di ba nya alam na ayaw ko sa kanila? Na ayaw ko sa mga uri nila? Na sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon? Kung bakit ko ginawa ito?

"Kung ako sa'yo, iwanan mo na ako. Kaya kong gumawa ng paraan para sa sarili ko." Simpleng sagot ko.

"Paraan? Sa oras na lumabas ka sa liwanag na ito ay kakainin ka na ng kadiliman habam-buhay."

Di ko talaga maiwasan ang inis ko sa diyos na to. Napakalalim.

"Ideretso mo."

"Mamamatay ka." Tipid na sagot nito

Mamamatay? Ako? Oo nga pala. Pinapatay pala ako kanina ng sundalong anak ng tagasingil ng buwis.

Pero kahit mamamatay ako, mas maganda ito kaysa sa kaharap ko ngayon.

"Pake ko? Aalis ako dito, kahit anong mangyari sakin sa labas."

Naglalakad ako papuntang kadiliman habang nakatakip ang mata. Ngunit palapit ng palapit ay nawawala na ang silaw ng liwanag.

Mamamatay pala ako kapag umapak ako sa kadilimang ito.
Gagawin ko ba? Oo naman! Mas mabuti nang mamatay kaysa mabuhay ng katulad ng mga tao sa Dives.

Isang apak na lang at makakalabas na ako. Nakakapagtaka talaga kasi bakit ako? Basta. Mukang di ko na malalaman.

Sa isang iglap lang ay napatigil ako. Nakaramdam ako ng parang kuryente na kumiliti sa akin. Ito ang nagpanginig sa tuhod ko. At pinagpawisan ng malagkit. Kaninang nasa labas ako ay ganto rin ang naramdaman ko. Bakit pa naman ngayon?

"Takot." Bigla namang may nagsalita sa likod ko. Ang diyos ng liwanag pala yun.

"Takot ang nararamdaman mo Luceo." Dagdag nito.

Sandali, kilala nya ako? Paano?

"Kilala mo ako?" Simpleng tanong ko. Hindi ko man nakikita ang muka nya ay alam kong napangiti sya.

"Isa kang binatang nabulag ng responsibilidad. Gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng pamilya nito. At higit sa lahat, itinakwil ang kayamanan at biyaya ng diyos dahilan sa mga kauri nitong nagpakabulag sa kapangyarihan." Mahabang sagot nya sa tanong ko. Hindi ko maipagkakaala na tama sya. Sa sobrang tama ay nainis ako.

"Ngayon ka lang nakaramdam ng takot?" Tanong nya na may halong pangangasar sakin. Ako matatakot? Matagal na akong nakakakita ng mga ganitong pangyayari, ilang beses na akong nakakakita ng taong mahina na pinapatay, at yun ay ang mga tao ng Oblitia. Bakit ako matatakot?

"Ginawa ko ito para sa kanila. Buo na ang isip ko para gawin to. Bakit ako matatakot?" Nagtitimping tanong ko. Parang naaasar na ako sa mga sinasabi nya. Hindi ako natatakot.

"Nanginginig ang katawan mo, pinagpapawisan ka. Sabihin nating kaya ng isipan mo, ngunit ang katawan mo ay hindi."

"Natatakot ka dahil mahina ka. Luceo, dahil mag-aalala ang bayan ng Oblitia sa'yo. Natatakot ka dahil nagsinungaling ka sa kapatid mo na babalik ka. Natatakot ka dahil alam mong mamamatay ka na."
Dagdag na sagot nito.

The Aspect of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon