Frianche's POV
Marami-rami na din yung mga binili namin.
Ang mga binili namin ay mga pam-paganda gaya ng lotion,powder,cream,at etc.
Si Gem lang naman ang mahilig sa mga pag-paganda.
Si Gabrielle naman ay mahilig sa mga clothes. Kahit anong fashion binili na niya parang halos lahat nalang ata. Updated kasi yun kapag fashion na ang topic eh.
Sakin naman mahilig ako sa books kahit anong aklat bibilhin ko. For the sake of books.
Diba sabi ko kanina marami-rami? Oo nga marami kasi ng dahil sa mga favorites kasi namin eh.
Gusto ko naman ng fashion at ang mga pam-paganda kaso nga lang parang nabo-bored ako lagi eh. Kaya mas gustuhin ko pang magbasa.
"Hey, kain muna tayo?"sabi ni Gabrielle
"Saan naman tayo kakain?" tanong ko. Eh kasi naman marami kasing pwedeng puntahan para kumain. Mukhang halos lahat nandito na.
"Punta nalang kaya tayo sa Greenwich" sabi ni Gem
"Ikaw Lesha saan mo gustong kumain?"tanong ni Gabrielle
"Kahit saan hindi naman ako mapili kung saan tayo kumain eh."sagot ko sa kanila. Tama naman ako diba. Basta pagkain na ang topic namin hindi ko yan pwedeng takbuhan nuh.
"Sige punta nalang tayo sa Greenwich."sabi ni Gabrielle
Habang nasa Greenwich na kami
"Anong order niyo? Libre ko" sabi ni Gem. Ganyan yan eh kapag pagdating sa pagkain siya palagi yung mag-li-libre samin. Pero pagdating sa mga favorites namin. Kanya-kanya na.
"Ikaw na bahala"sabi ko
"Ako din ikaw na bahala." Sabi ni Gabrielle
"Maghanap muna kayo na pwede nating pag-uupuan." Sabi ni Gem
"Okay"sagot ko
Ayun pumunta na kami sa vacant seat.
Yun sa dulo nakita na namin.
Yung pinag-uupuan namin is malapit sa may aircon kaya ok lang. Sanay naman kami na kapag pumunta kami sa mga fastfood ay malapit kami sa aircon para daw may hangin.
After ng ilang minutes. Nandito na si Gem
Yung in-order niya is
3 Lasagna
3 Carbonara
3 Coke.
Tapos may pizza pa. Ang dami naman sunod bibili din kami ng ice cream."Gem pwede bumili tayo ng ice cream pagkatapos nito?" tanong ko baka hindi niya feel kumain ng ice cream kaya tatanungin ko.
"Ok basta ikaw na naman mag treat." Na naman. Ganito kasi sa amin eh kapag ikaw naka isip ikaw ang mag treat. Mas mabuti pa hindi ko na lang sinabi sa kanya.
"Sige na nga. No choice na ako sa inyo"sabi ko.
"Ikaw Gabrielle wala kang plano ano ang bibilhin mo?"tanong ni Gem kay Gabrielle

BINABASA MO ANG
True Love Can Wait
Teen FictionIf you love someone, you should wait someone to come back again.