FRIANCHE'S POV
Pagbalik ko sinabi ko lahat-lahat nila Gem.
Makulit kasi sila eh kaya no choice ako.
---
Kringggggg Kringggggg.
Nag ring na yung bell kanya-kanya na kaming pumunta sa room namin.
"Frianche grabe pala yan si Cristina nuh?"Pat
"Huh? Ba't naman?"sabi ko
"Eh kasi naman gusto niya kayong paghiwalayin ni Steven dba?"sabi ni Pat
"Eh? Ano naman ngayon? Itry niya ulit iyon makakatikim talaga yun sakin"angas na sabi ko.
"Nung una parang takot na takot ka tapos ngayon angas kana? Anyare sayo?"tanong ni Pat.
"Di ba pwedeng natuto lang?"sabi ko.
Tapos tumawa nalang kami.
Biglang dumating yung prof.
"Class,ngayon wala tayong klase kasi busy ang mga prof ngayon kasi mag-recruit muna kami sa kung sino ang sasali sa mga sports ngayon. kasi next month ay may competition. So kailangan niyo lang gawin ngayon ay kung sino ang sasali sa sports ay dapat mag-palista kayo sa president niyo. At kung sino man ang sasali sa sports natin ay may dagdag na points sa grado. And mamayang 3-5 pm ang practice sa gym. Yun lang. You may dismissed."sabi ng prof.
Ano kaya ang pwedeng salihan?
"Frianche anong sasalihan mo?"tanong ni Pat. Ano nga ba ang sasalihin ko nalilito na ako.
"May namention ba si sir kung anong sports ang meron?"sabi ko.
"Mukhang wala pero may binigay siya sa president natin na papel baka mayroon siyang copy nun"sabi ni Pat
Tumango nalang ako at lumapit na kami sa president namin
"Julia may copy ka ba sa mga sports na dapat salihin namin?"tanong ko dun sa president namin.
"Oo. Eto oh"sabay bigay niya samin yung papel
Ito yung nasa listahan:
•Basketball
•Volleyball
•Table Tennis
•Softball
•Soccer
•Baseball
•Badminton
At kung ano-ano pa hindi ko na binasa ang lahat.At tsaka hindi mawawala ang cheering dance.
"Frianche sali ka nalang sa volleyball for sure magaling ka dun"proud na sabi ni Pat, sakin.
Eh paano niya nalaman? Eh hindi ko naman sinasabi sa kanya.
"Sinabi nila Gem sakin kaya wag ka nang magtaka"sabi niya.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Wow ha mind reader pa talaga ito.
"Oo na ikaw anong salihan mo?"tanong ko sa kanya.
Eh hindi kasi siya magshe-share about sa hobbies niya eh. Kung mag-share man yan,bihira siguro.
"Volleyball din kaya no worries kana sabay na tayo pumunta"sabay kindat niya sakin.
Kaya binigay ko na kay Julia yung copy at sinabi nalang namin na sasali kami sa volleyball. At since wala na kaming klase.
2:15 pm pa pala.
Isa lang ang subject namin sa hapon kaya ayun tambay ulit kami.
"Pat saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya.
"Sa cafeteria nalang"sagot naman ni Pat.
Ayun pumunta kami sa cafeteria tapos pumunta sa garden.

BINABASA MO ANG
True Love Can Wait
Teen FictionIf you love someone, you should wait someone to come back again.