Chapter 4

23 8 3
                                        

Stevenson's POV

Medyo gabi na rin kami natapos manood ng Movie. Ang OA pala nito ni Josh manood ng Romantic story,medyo nawe-weirduhan na nga kami sa kanya eh. Tatawa tapos iiyak siya pa talaga ito.

Hahahah joke lang.

Mga 7 na kami natapos manood.

Andito na pala sila Mom at Dad. Bihira kasi umuwi dito eh.

"Dad, mom andito na pala kayo" sabi ko.

"Yes nak. May tinignan lang kami dito sa Pilipinas eh" sagot ni Mommy.

"Ah. Ok po."sabi ko.

"Andyan ba mga kaibigan mo?" Tanong ni Daddy.

"Opo dad"

"Pakainin muna sila" sabi ni mom

"Okay po. Teka po asan po ba si Gem?" Tanong ko.

"Nandun sa mall kumain sila ng mga kaibigan niya"

Nandito pala ang mga kaibigan ni Gem.

Hindi ko namalayan

"Nak, diba nanjan yung mga kaibigan mo?"tanong ni mom

"Opo. Bakit po?"

"Pababain mo na sila para kakain kayo ng hapunan" sabi ni mom

"Okay po."sagot ko at pumunta na sa kwarto para ibalita na nanjan na si Mom at Dad

-Kwarto-

"Guys anjan na si Mom at Dad" sabi ko sa

"May pasalubong ba kami" sabi ni John

"Ewan ko for sure kung may pasalubong sila mom wala ka na dun siguro" sabi ko.

"Harsh niyo po"

Bahala na nga sila

"Baba na kayo."sabi ko

Sumunod naman sila sa akin.

Pagbaba namin binigyan ni mom ng mga pasalubong sina Josh at John

Ang laking smile naman ni John

Binigay kasi ni mom kay John is sapatos

Kay Josh sapatos din na pang basketball

Ako? Nevermind. Ayaw ko sabihin. Ayaw ko eh.

Kumain na kami nang biglang dumating si Gem kasama mga kaibigan niya

"Mom ba't di niyo sinabi na umuwi kayo" sabi ni Gem

"Surprise nga dear" sabi ni Gem

"Mom naman eh"

"Hi po tita"sabi ni Frianche

Sumunod naman yung isa nilang kaibigan. Gabrielle ata name nun

"Mga iha ito mga pasalubong niyo" sabi ni mom

Nakangiti naman si Frianche.

Ang ganda naman ng ngiti niya.

Ay teka bakit ko ba siya iniisip. Ugh.

Bahala na nga.

Ayaw ko na sana siyang iisipin pero hindi ko kaya eh.

Simula nung naghiwalay kami ng EX ko.

Siya na kasi palagi kong nakikita kasi palaging papuntahin ni Gem si Frianche palagi eh.

Kasi sawi din siya noon

"Ang ganda naman po tita" sabi ni Gabrielle(kaibigan nila Gem)

"Oo nga po eh" sabi rin ni Frianche

True Love Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon