Three

104 2 1
                                    

Bumalik na sina Quintell at Sam sa condominium mula sa isang fast food chain. Di pa rin maka get over si Quintell kay Harry. Deads na deads agad siya. Nagstay ng matagal si Quintell sa bahay ni Sam, nanood ng t.v., naginternet, at nag-usap (as usual si Harry pa rin ang topic).

"Sammy, uwi na ako ah! Tinawagan ako ni mama... aalis daw kame" sambit ni Sam

"Ah, o sige!"

"Sayang, di ko na makikita ulit si Harry, kabanas!"

"Ha ha ha ha! Jusko, madami pang chance teh!"

"Ha ha ha! Tama nga naman! Sige, alis na ako!"

"O sige, Bye!"

"Bye!" pagpapaalam ni Sam at umalis na si Quintell

After ng mga 10 minutes na pag-alis ni Quintell ay bigla itong tumawag sa cell phone ni Sam.

"Hello Quintell? May naiwan ka ba?" pag sagot ng tawag ng phone ni Sam]

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH! SAAAAAAAAMMMMMMMMMYYYYYY!" hiyaw na malakas ni Quintell sa phone

Nilayo ni Sam ng bahagya ang phone sa kanyang tenga "Ano ba? Ok ka lang? Anong nangyare sayo Quintell?"

"SAMYYY!, Nakita ko ulit siya sa elevator, nahingi ko na yung number niyyyaaaaaaaa!" hiyaw niyang muli

Nanahimik ng bahagya si Sam na nakaramdam ng kaunting inggit kay Quintell dahil nakuha niya ang number nito samantalang siya ang naunang nakakita kay Harry ngunit wala pa rin siya contact number nito. "Wow, nice naman! Cge, text text lang kayo..."

"Ha ha ha! O sige na. Bye, sakay na ko ng jeep."

"O sige, bye!" at binaba na ni Sam ang kanyang phone

"Hay, nakakainggit naman! Im sure na magiging close sila nun dahil sa text. Nahihiya naman akong hingiin yung number ni harry sa kanya kasi alam kong ipagdadamot niya sa akin yun, mapapahiya lang ako. Madamot naman talaga yun pag dating sa mga boys. HAAAAY!" sambit ni Sam sa kanyang sarili at pasulyap-sulyap sa bintana, inaasahan niyang makikita muli si Harry.

Ngunit nag-iba ang sentro ng kanyang isipan.. "Ang lalim ng boses niya, foreigner pala siya pero malayuan parang hindi naman, ang ganda ng mga mata... Arrrggghhhh! kaso.... si Quintell......"

Dumating ang ate niya.

"Ate, napagabi ka ah! Malapit na mag 9 ng gabi" bungad na tanong ni Sam kay Jen

"Nagbonding kami ni Trisha!"

"Sinong Trsiha, ate?"

"Siya yung bagong assistant sa office ng school, tapos diyan pala siya nakatira sa tapat natin!"

"Talaga? What a coincidence!"

"Oo nga eh. Coincidence talaga!" sabi ng ate niya at pumasok na ng kwarto upang magbihis.

Napatingin  si Sam sa bintana sa katapat nilang unit at may nakita siyang babaeng pumasok sa loob ng unit na iyon at naisip niya na siya ang Trisha na tinutukoy ng kanyang ate.

"So, kung siya si Trisha it means na kakilala niya si Harry! OMG!" sabi niya sa kanyang sarili at bahagyang napangiti

Ngunit naramdaman niya muli ang pagkainngit kay Quintell ..

Pero alam ko magkatext na yung dalawang 'yon ngayon. Ano na kayang pinag-uusapan nila? Hayy, bat ba ako naiinggit. Di ko kasi siya kinausap kanina nung nasa elevator kami, pinaral ko yung pagkamahiyain ko. tssss. Pero ayoko naman na ako ang unang gagawa ng first move diba? Hindi katulad ni Quintell, masyado kasing malakas nag loob niya hindi ko siya katulad. Hay!Ano bang gagawin ko?

Inantok na si Sam. Si Harry pa rin ang nasa isip. Hanggang sa antukin at makatulog.

8:05 - Sunday

Nagising na si Sam. Mukhang nakalimutan ang lahat ng kanyang iniisip kagabi. hindi muna siya bumangon. Nagmasid masid. Nag-inat. Humikab ng ilang ulit. Hanggang sa kinuha na niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table. 6 messages. May isang unknown number ang nagtext sa kanya at ang laman ng message ay  "Save my number Sam! :)" nireplayan ito ni Sam ng "Who are you?" at may isang text si Quintell...

        "Goodnight to all! Grabe 1:00 na ng madaling araw and Im still awake. Thanks to my new text

         mate, Harry. Ang sarap niyang ka-text at new friend ko. hihi (share lungs) Okay, tulog na ako.

            - group_message"

Yan ang laman ng GM ni Sam. Umusbong na naman ang inggit ni Sam sa kanyang bestfriend. 

"Tama ba na pinakilala ko siya sa kanya? Argh. Pano din kami magiging close ni Harry kung papairalin ko ang conservative side ko. Ayy, bahala na!"

Kamot sa ulo. kamot ng mata, halatang-halatang naiirita siya at nagseselos kina Quintell at Harry. Buntong-hininga dito, buntong-hininga doon.

Sunday ngayon kaya nagsimba sina Sam at ang kanyang ate. Problemado pa rin si Sam kaya isinaman na niya sa kanyang dasal si Harry, hiniling niya na bigyan siya ng lakas ng loob namakipagkilala kay Harry at iwasan na ang pagseselos sa kanyang best friend na si Quintell.

"Ate, aalis ka ba?" tanung ni Sam sa ate niya habang palabas na ng simbahan

"Oo, niyaya ako ni Trisha. Sama ka!"

"Ayoko ate, ang sakit ng ulo ko eh.."

"Ok ka lang? Gusto mo samahan kita pauwi."

"Hindi, ok lang. kaya ko na umuwi. Una na ako ah!" sabi ni Sam sa kanyang ate at sumakay na ng FX papunta sa tinitirhang condominium.

Napakatahimik ni Sam sa FX..

Grabve, 2 days ko pa lang atang nakikilala tong si Harry tapos ganito na agad yung nararamdaman ko. bat sobrang affected ako. Grabe naman! Dahil ba si Quintell yung naging ka-close niya agad. Napakaselosa ko talaga! Hayy.

Nakadating siya sa tinitirhang condominium. Nakadating sa kanilang unit. Sinara niya ang pinto, umupo sa sofa at hindi napatingin sa bintana. Nagmasid-masid muna siya at napagisipang pumunta na lang ng kwarto, ni-lock niya ang pinto bago siya pumasok ng kanyang bedroom. Nagpalit siya ng damit, binuksan ang aircon.  At humiga sa kama niya, tulala. Biglang tumunog ang phone niya.

1 Message.

"Its Harry!" sabi sa text. Tulala siya ng buksan ang phone ngunit ng mabasa ang salitang Harry ay nanlaki ang mata at biglang nabangon.

"Huh? Anong pinagsasabi nito?" sabi ni Sam sa kanyang sarili. Kaya tinignan niya ang conversation sa messages. Tsaka niya lang nalaman na si Harry pala ang nagtext sa kanya kanina ng "Save my number! :)" 

Napalitan ang lungkot ni Sam sa isang malaking ngiti.

All of my loneliness just disappeared. Changed into better.

Its Through Our Voices (Summer with Harry & Niall - Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon