Five

99 1 0
                                    

"1 more subject na laaaannngggg!" sigaw ng isang kaklase ni Sam

"ha ha ha! YEAH! SUMMER NA!" sigaw ni Quintell

"WOOOOOOOOOOO!" hiyawan ng mga magkaklase sa classroom.

Ngunit biglang naputol ang kasiyahan nang dumating ang kanilang teacher upang ibigay ang huli nilang test. Pinasa nila ang test papers. Habang nagtetest ay hindi mawala ang mga ngiti nila dahil sobrang sabik ng umuwi at magready for summer.

"Ok, Finish or not finish pass your papers" sabi ng teacher nila. Lalong na-excite ang mga estudyante at pinipigilan na lang humiyaw. Pinasa nila ang mga test papers at nang magpaalam na ang teacher ay nilabas na nila ang cameras, cellphones, at nagpicturan na silang lahat bilang remembrance.

"Sammy, san tayo gagala?" tanong ni Quintell kay Sam

"Hmm, san mo gusto?" tugon naman ni Sam

"Restau na l;ang tayo!"

"Tara! Gutom na rin ako eh."

Kumain sila sa isang restaurant.

"Oh, kamusta na kayo ni Harry?" tanung ni Sam sabay subo ng tinidor na may pasta

"Hmm.. Okay na okay kami. Kaso minsan nano-nosebleed talaga ako, puro english kase."

Natawa si Sam sa inamin ni Quintell at sabi "Okay lang yan! Masasanay ka rin!"

"Sana nga.... Eh kayo? Im sure lagi kayong nagsisilipan sa bintana!"sabi ni Quintell

"ha ha ha! Oo"

"Kaingget ka tulugu!!"

"Ha ha ha! Sorry ka! Swertehan, joke lang" sabi ni Sam at biglang nagbeep ang phone nya

          Ate Jen calling........

"Hello? Ate?" sabi ni Sam sa phone

"Sam, medyo nagkakaproblema tayo...." sinimulang kabahan si Sam sa sinabi ng ate niya

"Bakit ate? Ano yun?"

"Inatake na naman ng sakit si daddy......"

"Huh? Pano yun? Susunod ba tayo dun sa America?"

"Sabi ni Mommy, hindi na daw kailangan, ok na daw sya ngayon pero....."

"Pero ano?" halos mapasigaw na si Sam

"Gagastos sina mommy ng malaking pera para mawala na nang tuluyan yung sakit ni daddy and unfortunately, kailangan nating i-give up yung unit natin sa condo..."

"huh? My god. Pano yan? Anong gagawin naten? San tayo titira?" alalang tanong ni Sam sa kanyang ate

"Yun nga ang di ko alam, sabi ni mommy kena tita Anna na lang daw tayo, eh alam mo namang hindi maganda yung pakikitungo nila sating magkapatid diba..."

"Sh*t! nasa bahay ka ba ate?"

"Oo, andito ako. Nililigpit ko na nga yung mga gamit natin."

"O sige, papunta na ako diyan!"sabi ni Sam at binaba na niya ang cellphone

"Ahm, Quintell, Kailangan ko nang umuwi. Emergency eh...." sabi niya kay Quintell at kinuha na ang bag

"A-ahm, sige. Gusto mo samahan kita?" alalang tanong ni Quintell

"Hindi, hindi. Wag na!"

"O sige..... bye"

"Sige bye!" tugon ni Sam at tuluyan nang lumiban

---

"Ate!" sabi ni Sam at binuksan ang steal door ng kanilang unit. Nang makapasok si Sam ay nakita niya ang kanyang ate at si Trisha: ang ate ni Harry. "Uy, ate Trisha!" at nakipagbeso kay Trisha

"Hello Sam!" tugon ni Trisha habang nakikipagbeso at hinimas ang likod upang kumalma si Sam. Umupo si Sam sa sofa katabi ni Trisha.

"Ate, ano nang gagawin naten?"

"Oo nga eh, sabi ko kay mommy na ayokong dun tayo kela tita Anna because of some reasons at sabi naman ni mommy kung saan tayo tutuloy kaso wala pa eh..." pagpapaliwanag ni Jen

Nanatiling tahimik si Sam, walang maisip kung saan tutuloy...

"Teka...." sabi ni Trisha at may nais sabihin

"Ano yon Trish?" tanong ni Jen

"What if.... tumira kayo sa amin? Tutal kaming dalawa lang ni Harry ang nakatira don."

Ang nakayukong ulo ni Sam ay napalingon kay Trisha dahil sa sinabi niyang iyon.

What? Kung doon kami titira ni ate kela Trisha.... makakasama ko si Harry sa iisang bubong. OHMYGOSH! sabi ni Sam sa isip niya

"Ayy, hindi, hindi Trisha. Ayoko namang makisama sa inyo sa bahay. kailangan niyo ng kaunting privacy." pagtanggi ni Jen.

"Oo nga ate Trisha" pagsang-ayon ni Sam sa sinabi ng kanyang ate kahit na may parte sa kanyang gusto mag-oo.

"Hindi ah!" sabi ni Trisha at pinatong niya ang kanang kamay sa lap ni Jen. "At tsaka para na rin tayong magkapatid Jen, dahil sa closeness natin. Kaya wag niyong aayawan tong inooffer ko kundi magtatampo talaga ako... ha ha ha ha!" dagdag ni Trisha at waring nagbiro pa. Napatakip tuloy ng mukha si Jen at napangiti ng bahagya at tinanong niya muli si Trisha "Okay lang ba talaga sayo?" 

"OKAY NA OKAY!" sigaw ni Trisha.

Napangiti na lang sina Sam at Jen sa offer ni Trisha.

Sinimulan na ni Jen, Sam at Trisha ang pagligpit ng mga gamit, nilagay nila sa mga box. Ang mga damit nila ay nasa maleta na. 

"Ate pano tong unit natin?" tanong ni Sam habang nilalalagay ang ibang gamit sa isang box

"Ipaparent na lang natin toh. Sinabi ko na sa admin at hinahanapan na nila kung sino ang pwedeng tumira" sagot ng kanyang ate

Natapos silang mag-impake, buhat ng box doon, buhat ng maleta dito hanggang mailipat na nila ang mga mahahalaga nilang gamit sa unit nila Trisha. ang natira na lang sa bahay nila Sam ay ang mga furnitures.

"hayy, nakakapagod din infairness!" sabi ni Trisha

"kase naman ikaw Trish sabi ko kami na ni Sam. ang kulit mo talaga!"sabi ni Jen.

"Ha ha ha! okay lang naman eh.."

"malaki pala 'tong unit niyo noh ate Trisha, 4 rooms." sabi ni Sam habang naglilibot sa unit

"Ah oo kaso sabi ko nga kami lang ni Harry ang nakatira dito kaya may dalawang extra room. and buti na lang meron ng gagamit. ha ha ha!" sabi ni Trisha

"Teka, teka! Trisha, asan nga pala yung brother mo?" biglaang tanong ni Jen at napatigil si Sam sa paglibot ng unit at napatingin sa kanyang ate

"Ay, umalis yon. Nakipagbonding sa mga barkada niya siguro..."

"Ah.." sabi ni Jen at nakangiti ito kay Sam na tila inaasar siya. Nilakihan naman ni Sam ng mata ang kanyang ate.

"A-ahm, ate Trisha, san ba yung magiging kwarto ko dito?" biglang tanong ni Sam kay trisha

Tumayo si Trisha at lumapit sa isang kwarto at sinambit "Dito ka, sa tabi ng kwarto ni Harry. Meron na diyang airacon, dont worry."

"Ah ok. Thank you ate trisha ah. Aayusin ko na yung mga gamit ko."

Sinara ni Sam ang pinto. Sinandal niya ang likod sa pinto.

Titira ako sa isang bahay kasama si Harry. Ang lalaking crush ko. Gosh, is this really happening? Ano kayang mangyayari? Alam kong magiging close kami dahil sa pagtira ko dito.... pero may iba pa kayang mangyayari?

Inayos na niya ang mga gamit niya. Nang matapos ito ay umupo sa kanyang magiging kama. Hinimas-himas ang malambot na unan pati ang comforter. At kinuha niya ang isa niyang magandang box. Binuksan niya ito... nandito nakalagay ang kanyang mga pangarap, may notebook siya kung saan nakalagay ang mga kantang kanyang ginawa, mga plano sa buhay.

Pinatong niya ang kanyang malaking salamin at pinatong ito sa side table. Inipitan ang kanyang buhok at nagpulbos. Kinuha niya rin ang kanyan iPod nilagay niya ang earphone sa kanyang tenga at lumabas ng kwarto.

Sa kanyang paglabas, di niya akalaing makikita na niya si Harry. Kakauwi lang ni Harry galing sa gala.

Its Through Our Voices (Summer with Harry & Niall - Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon