Chapter 1

1.3K 16 14
                                    

Just because I love her. :")

Can I Get Him Back From God?

Chapter 1

Eto na talaga ang araw na aamin ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ‘tong nararamdaman ko pero siguro sa tantya ko, last junior prom namin, dahil simula nun di na siya mawala sa isip ko, kung dati kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, ngayon iba na. He’s been my best friend since we were kids. Kababata kumbaga. Magkapitbahay kami and palagi naming tambayan yung garden nila dahil may malaki silang hammock dun at tuwang-tuwa kaming nagduduyan dun habang nakahiga kami, tulad ngayon.

“Kayo talagang dalawa, ang lalaki niyo na hindi pa rin kayo nagsasawa diyan.” Pambungad ng mama niya habang may dalang meryenda para sa’ming dalawa.

“Old habits die hard kasi tita.” Sagot ko naman. “Ano po yan?”

“Obvious ba Claire bear? Edi gulaman at palitaw.” Sagot naman nung katabi ko, ang taong never ng nawala sa isip ko sa loob ng isang taon. Gagraduate na nga pala kami next week kaya para na rin kaming nagbabakasyon dahil petiks na lang talaga.

“Sige. Iwan ko muna kayo diyan at manonood pa ko ng tv.” Pagpapaalam ni tita. Ganyan yan pag hapon na, teleserye talaga. O diba? Kilala ko na agad ang future biyenan ko at siguradong magkakasundo kami. Mwahahaha. Biyenan agad? Sigurado na ba kong pareho kami ng nararamdaman nito ni Peter?

“Claire bear say ahhh.” Ngumanga naman ako habang sinubuan niya ko ng palitaw, hangsweet lang namin. *0* And yeah, term of endearment niya sa’kin yun, actually ginaya niya lang si Simon e, yung isa pa naming kababata, ang kaso lang nasa Davao na siya ngayon, umalis nung magha-high school na kami. Sa left side naman nung bahay namin nakatira dati yun, bale napapagitnaan nila yung bahay namin, dahil sa right side naman, eto ngang bahay nila Peter.

“Hay. Ang saya naman ngayon, walang homework na poproblemahin.” Sabi pa ni Peter.

“You got that right.” Humarap ako sa kanya at ngumiti. Paano ko ba sisimulan ‘to? >_<

“May sasabihin ako sa’yo.” Sabay pa kaming nagsalita kaya natawa kami pareho.

“Sige, mauna ka.” Sabi ko sa kanya, kinakabahan na talaga ko kaya siya muna.

“Kasi diba naalala mo nung nakaraang buwan nagbakasyon kami sa Zambales?” Tanong niya. Oo, halos isang buwan nga sila dun e. Sobrang namiss ko siya, binisita daw nila yung kapatid nung lolo niya na nagpari na dun naasign. Kasama nila yung daddy niya na seaman, nasa opisina yun ngayon at dun muna daw para andito siya sa graduation namin. Buti na lang dalawang buwan yung inallocate na time para sa practice namin sa graduation kaya nakaalis si Peter ng walang pinoproblema.

“Oo. Nakakamiss ka kaya nun. Walang nanlilibre sa’kin sa school.” Pero ang totoo, namiss ko talaga siya nun. Period. Natawa naman siya sa sagot ko.

“Eto na nga talaga, I’ve decided to follow Lolo Tony’s footsteps. Gusto ko ring mag-pari.”

Can I Get Him Back From God?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon