Chapter 9
“Mama …” Narinig ko ang sarili kong boses na halong nagmamakaawa at humihingi ng attention. Nadatnan ko kasi siya sa office niya na nakaharap sa laptop, nakasuot ang eye glasses at tila seryosong-seryoso sa pag-iisip. Inangat niya yung mukha niya at tumingin na sa’kin. Her expression changed abruptly to the concerned-mother-look.
“Anong problema baby?” she asked. Her voice etched with concern.
“Totoo bang wala na sina Simon?” I forced the words out of my mouth. Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga sinabi sa’kin ni Peter kanina.
Bago pa man sumagot si mama, nabasa ko na sa mukha niya na humihiling siya na sana iba ang maging sagot niya sa’kin.
“Kagabi pa sila umalis anak and by now, nakarating na yun sa Davao,” malungkot niyang sagot.
“Hindi na ba sila babalik dito?” punong-puno ng pag-asa ang boses ko.
Iling na lang ang naging sagot sa’kin ni mama. I could tell that she doesn’t want me to experience more pain. Lumapit siya sa’kin at niyakap ako. Dahil lang sa simpleng bagay na yun, nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
“Kagabi, gusto sana ni Simon na ngayon na lang umalis para man lang daw makapagpaalam siya ng maayos sa’yo pero urgent daw talaga na bumalik na sila dun kasi ang huling bilin ata nung daddy niya, gusto nito na ang pamilya niya ang umasikaso ng libing niya.”
Nakaramdam na naman ako ng karagdagang lungkot. Alam kong kung papipiliin, hindi na rin gusto pa ni Simon na bumalik sa Davao. May naikwento kasi siya nun sa’kin, isang kahilingan ng mga kamag-anak niya sa kanya na talagang ayaw niyang gawin.
“Hindi pa po ba sila tumatawag?” tanong ko.
“Busy pa siguro sila anak. Madami pang inaasikaso yung mga yun.”
“Mama, sumunod na lang tayo sa kanila. Pwede po ba?” tanong ko sa kanya.
“Importante ba talaga na magkausap kayo ni Simon?”
“Oo mama. Kailangan niyang malaman na mahal ko siya.” Pagkatapos ko magsalita, magkahalong gulat at saya ang naging reaksyon niya.
“Buti naman at nakapili ka na rin dun sa dalawa. Anong sabi ni Peter?”
“Masaya po siya na makakapag-pari na siya.” Yun na lang ang tanging nasagot ko. Di na kailangan pang malaman ni mama ang mga specifics ng pag-uusap namin ni Peter.
“Ready your things, magpapa-book na ko,” she said with a smile.
**
“Ma’am may naghahanap po sa inyo. Nasa sala na po sila.” Narinig naming sabi nung kasambahay na nagpapasok sa’min. Buti na lang at di na kami nag-aksaya pa ng oras kundi baka di na namin naabutan sina tita sa bahay nila. Mukha kasing papaalis na sila dahil may kotse na sa labas. Hoooo! Ang yaman talaga nila Simon. Ang laki ng bahay nila, sa pagkakatanda ko pa nga, may swimming pool dito. Minsan na rin kasi kaming napunta dito nung mga bata pa kami, buti nga tanda pa ni mama ang papunta dito e.
Narinig ko na ang mga yapak ni tita galing dun sa kitchen na papalapit na sa’min.
Pagkakita niya sa akin at kay mama, bumilog ang mga mata niya. Gulat na gulat talaga siya. Tumakbo siya palapit sa’min, si mama naman tumayo, nagyakap sila.
“Bakit hindi man lang kayo nagsabi na pupunta pala kayo dito?” tanong niya.
“We didn’t had the chance, pagkadating kasi namin sa airport, 30 mins. na lang bago umalis yung eroplano, nagpa-emergency booking kami e. Nung nakarating naman kami dito, inaantok na kami kaya hindi na kami nakapagpasabi,” pagpapaliwanag ni mama.
BINABASA MO ANG
Can I Get Him Back From God?
RomanceMagawa kaya ni Claire na mabago ang isip ni Peter?