I love you sis! Thanks sa never-ending na support! <3
Chapter 2
“Sigurado ka na ba talaga?” Tanong ko na naman sa kanya for the nth time. For sure, nakukulitan na ‘to sa’kin.
“Claire bear kulit.” Ginulo niya yung buhok ko. “Kailan mo kaya seseryosohin yung sagot ko sayo na oo?”
“Paano kung may umamin sayo na babae na may gusto siya sayo for one year na, magbaback-out ka ba?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa gwapo niyang mukha.
“Depende sa nagtatanong, kung ikaw ba yun, oo!” Seryoso niyang sagot sa’kin. Ako naman bigla na lang natulala. May gusto rin siya sa’kin?
Pero tumawa din siya bigla. >_<
“Biro lang Claire. Mamaya seryosohin mo. For the nth time, wala ng makakapigil sa’kin.” Ngumiti pa siya ng ubod ng lapad na tila inaasar ako. Akala ko naman totoo na, aamin na talaga ko ng walang sabi-sabi. T_T
“Sige, ganito na lang, manghingi tayo ng sign kay Lord kung gusto ba talaga niya para sa’yo yang pinaplano mo.”
“Hmm. It’s a good idea. Tara. Punta tayo dun sa chapel.” Pagyaya niya sa’kin, buti na lang may chapel yung school namin. Naglakad na kami papunta dun.
Lumuhod na kami para magdasal nung dumating kami dun.
Tumingin na ko dun sa cross na nakalagay sa gitna nung altar.
Lord, minsan lang po ako hihiling sa inyo. Sana po ibalato niyo na lang po sa’kin ‘to si Peter. Alam niyo naman po kung gaano siya kahalaga sa’kin diba?
“Teka lang Claire bear, ano yung sign na hihingin natin?” Bulong niya sa’kin.
Hmm. Ano nga ba? Yung tipong imposible! :)) Ah! Naalala ko na naman yung taong mahilig tumawag sa’kin ng Claire bear.
“Ganito, kung talagang gusto ni God na maging servant ka niya, kailangan makagawa siya ng miracle, kailangang makita natin bukas si Simon dun sa duyan sa garden niyo.” Bulong ko sa kanya, talagang specified yan para walang lusot.
“Ang hirap naman nun pero with God nothing’s impossible.” Ngumiti na naman siya, revealing his white and straight teeth. Nadazzle na naman tuloy ako. *_____*
Tumingin na ulit siya dun sa altar at nagsimulang magdasal. Dahil doon, nagkaroon ako ng chance na matitigan siya na madalang mangyari dahil unlike Rachel, hindi siya antukin. I looked at his profile, nakapikit yung mga mata niya but when he’s smiling, it’s twinkling like the stars in the sky tapos yung eyelashes niya, super manly. Wala pa siyang eye bag dahil wala rin naman siyang hilig sa computer games, sa pagbabasa pa, yun naman ang pagkakapareho nila ni Rachel. Actually siya ang nagrecommend sa’kin na basahin yung Hunger Games. Ako naman, binasa ko. Para madagdagan pa ang pagkekwentuhan namin. Okay, balik sa pagtitig, yung ilong niyang matangos at syempre ang labi niyang oh-so-kissable. Hay. Sana talaga hindi kayo meant to be ni Lord, tayo na lang Peter.
Napatingin tuloy ako sa altar.
Lord, patawarin niyo ko sa mga pinag-iisip ko this past few days pero hindi ko po talaga mapigilan e. Ganun ko po kasi kamahal si Peter. Sobra-sobra po. Alam niyo naman po yun diba? Kaya sana po pagbigyan niyo po ako na ipaglaban siya, papatunayan ko po na mas karapat-dapat po siya sa piling ko dahil alam kong aalagaan ko po siya. Sorry po talaga.
**
“Claire, ang tahimik mo naman.” Pagpuna sa’kin ni Peter nung kumakain kami ng lunch, kasabay namin si Rachel, naiparinig na daw niya sa head teacher yung salutatory address niya, pumasa na daw, wala na siyang masyadong poproblemahin.
BINABASA MO ANG
Can I Get Him Back From God?
RomanceMagawa kaya ni Claire na mabago ang isip ni Peter?