Chapter 4

261 8 8
                                    

Chapter 4

Natapos na yung graduation namin. Hindi ko na idedetalye pa, wala rin namang espesyal na nangyari. Si Simon pala hindi na nagmartsa, kinuha na lang niya yung diploma niya. Naayos na rin yung bahay nila, tulong-tulong kaming lahat. Nag-kulitan kaming tatlo habang naglilinis nun, katulad ng dati. Si Rachel? Wala pa ring pansinan. Hindi pa rin ako nirereplyan. T_T Sabi ni Peter sa’kin, palamigin ko daw muna yung ulo niya. Wala naman akong ginagawang masama. T_T

“Lemon Simon!” Sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog ko siyang gumising, yun ang tawag ko sa kanya simula pa bata kami. Close na ulit kami, tutulungan niya nga kong pigilan si Peter na magpari diba?

“Umagang-umaga Claire!” Bulyaw niya sa’kin. Haynako ‘to.

“Gumising ka na dali! Search-in ni Peter ngayon! Guluhin natin silaaaaa!” Tumalon pa ko papunta sa kama niya at tinabihan siya, humarap na ko sa kanya. “Simon, Simon, Simon.” Nag-chant pa ko.

Nung dinilat niya yung mata niya, mukhang gulat na gulat siya dahil na rin siguro sa kalapitan ko sa mukha niya pero ngumiti din siya agad.

“Kung ganyan ba naman ang bubungad sayo araw-araw, ang sarap lang gumising.”

“Aga-aga nambobola ka na naman. Tayo ka na diyan. Maligo ka na! Bilisan mo!” Pag-udyok ko pa sa kanya.

“Oo na. Tsk. Bakit ko ba sinabing tutulungan kita?” Sabay kamot niya pa sa ulo.

“Mamaya na reklamo. Maligo ka na!” Binato ko pa siya ng unan.

5 minutes pagkatapos umalis ni Simon, pumasok si Tita Beth sa kwarto.

“San ba punta niyo Claire?” Tanong niya, umupo pa siya sa kama ni Simon, napa-upo na rin ako.

“Uhm, sa park lang tita.” Ngumiti pa ko sa kanya. Nagsinungaling na naman ako. T_T

“Kumain ka na ba?”

“Ah hindi pa tita pero sabi ni mama dun na daw po tayo magbreakfast sa bahay, niyaya nga din po niya sina Peter kaso umalis sila e.” At susunod kami ni Simon dun. Mehehehe.

“Okay. Waffles niluto ng mama mo no?” Tanong niya with a smile. Kung meron mang super minana ni Simon sa mama niya, yun ay yung mga ngiti niya. Parang pag sila ang ngumiti sayo, wala ka ng hihilingin pa.

“Yes tita. Tumulong pa po ako.”

“Pwede ka na pa lang mag-asawa Claire, di bale sasabihin ko yan kay Simon.”

“Tita naman talaga, lagi na lang akong inaasar.”

Ngumiti na lang si tita sa’kin pagkatapos nun.

“Sige tita, punta ka na sa bahay. Ako na magliligpit nitong kwarto ni Lemon.” Ngumiti ako sa kanya.

“Okay.” Tumayo na siya at lumabas ng kwarto, pero bago pa man siya nakababa ng hagdanan, may sinigaw siya, “Claire, wag mong pagsamantalahan yung anak ko ha? Alam kong gwapo yan pero bata pa kayo,” tapos tumawa siya. Ang loko lang ni tita. Tsk.

Tumayo na nga ako at niligpit yung kama ni Lemon Simon. Nung pinagpag ko yung unan niya, may nahulog galing sa loob nun. Pagpulot ko, grad pic ko? 0___0 Anong ginagawa nito dito? Di kaya ipinapakulam niya ko? Halalala. Mangkukulam si Simon? Tsk.

Bigla-bigla namang pumasok si Simon sa kwarto niya na nakatapis lang, napatakip tuloy ako sa mata ko kasi nakita ko ang katawan niyang basang-basa. *0*

“Hoy! Bakit ba bigla ka na lang pumapasok dito?” Sigaw ko pa sa kanya.

“Kasi ano …” Narinig kong sabi niya tapos hinablot niya yung kapit ko, yun ngang grad pic ko. “Bakit mo tinitignan ‘to?” Tanong niya sa’kin.

Can I Get Him Back From God?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon