Chapter 8

281 11 7
                                    

Thanks for waiting sa update. Sorry late na ah. :)

Chapter 8

Sa dinami-dami ng nangyari, babalik din pala ko sa pag-iisip kung paano sasabihin kay Peter ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Si Simon? Sa tingin ko kaya lang ako naguguluhan dahil bumalik yung dating kinasanayan ko, yung palagi kaming magkasama. Natural lang na ganito ang maramdaman ko, di rin kasi ako sanay na meron siyang ibang babaeng binibigyan ng atensyon. In my selfish mind, I’m the only one deserving of Simon’s attention because I’m the one who knows him the most, I know someday that might change especially when his right girl comes along.

Palakad-lakad lang ako sa kwarto ko, feeling ko nga kung may nakatingin sa’kin, hilong-hilo na yun panigurado. Hay Claire, THINK! Paganahin mo na yang slightly used brain mooooo!

Hmm. Simpleng tao lang si Peter. Simple lang din dapat ang gagawin ko. Letter na lang kaya? Ayoko. Gusto kong makita ang reaction niya at marinig agad yung isasagot niya. So harapan na lang ba? Kaya ko ba yun?

Natigil ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pinto.

“Claire?”

Simon? Anong ginagawa niya dito? Tsaka may sakit ba siya? Iba boses niya e.

“Claire?” tawag ulit niya.

Nag-panic ako bigla. Feeling ko kasi di pa ko handang makita siya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.

Dali-dali akong humiga sa kama at pumikit. Sakto lang dahil biglang bumukas yung pinto.

“Hay. Sabi ko na nga ba e. Tulog ka na. Bakit ba palagi na lang akong minamalas pagdating sa’yo? Lagi na lang huli ang lahat.” Narinig kong sabi niya. Huli ang lahat? Anong ibig sabihin nun?

“Claire, wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Wag mong hayaan na saktan ka ni Peter.” Naramdaman kong hinawi niya yung buhok na nakatabing sa mukha ko. “Hindi bagay sa’yo ang maging malungkot, mas maganda ka kapag nakangiti, pero palagi ka namang maganda. Kahit ano pa expression mo.”

Narinig ko siyang suminghot. Umiiyak siya? 0____0

‘Simon, anong problema mo?’ Gusto ko sanang itanong kaso nagtutulog-tulugan nga pala ko e pero ayokong nagkakaganito siya. Waaaaa. T____T

“Claire bear, sorry I can’t say a proper good bye. Lalayo ako sa’yo na di ko man lang nasasabi yung totoo.” Lalayo siya sa’kin? Bakit? Tsaka totoo? Anong totoo? Ang dami kong tanong na di ko naman pwedeng i-voice out. Bakit ba ko nagpanggap na natutulog?

“One last selfish wish na lang, Claire bear. Please dream of me, tonight. Don’t ever forget to remember me.” Naramdaman ko na lang na may malambot sa noo ko. He kissed my forehead. *0*

Binuksan niya yung pinto, may narinig akong nagsalita. Galing siguro sa baba ng hagdan namin.

“Kuya, may taxi ng nakuha mommy mo.” Mama ko yun ah. Taxi? Bakit kailangan ng taxi?

“J’adore,” pahabol pa niya bago ko narinig na sumara yung pinto. Naputol na naman tuloy ang pag-iisip ko tungkol dun sa taxi.

Napadilat ako, ano yung sinabi niya? Jador daw? Yun ang narinig ko e. Ano naman yun? Inikot ko yung tingin ko sa kwarto ko. Wala naman akong nakita na may nakalagay na Jador? Anubayun? Alien talk? Asarrr! Di ako makakatulog nito e.

“Mag-ingat kayong dalawa dun ah. Tumawag ka palagi dito.” Narinig kong sabi ng nanay ko. Mukhang nasa labas siya. Tumanaw ako sa bintana na nasa tapat nung bahay namin. Nakita ko si mama na kumakaway sa isang papalayong taxi. Sila Simon ba yun? San sila pupunta?

Can I Get Him Back From God?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon