Malaki ang utang na loob ng buong BSA 2-*d sa'yo. Hahaha. :)) Sa uulitin. CHAROT! :))))))
Chapter 3
“Anong ginagawa niyo diyan?” Narinig naming tanong nung mama ni Peter. Napatayo naman kami bigla. Whew, akala ko talaga si Simon na. Tsk.
“Wala ma, nagkukulitan lang.” Pagdadahilan ni Peter, oh well, totoo naman.
“Hmm. Sige, ihatid mo na yan si Claire sa kanila, naririnig ko na kanina pa si Isabella na pinapauwi na yan.” Yung Isabella, yung mama ko. ^^v
“Ma, favor naman oh, please. Kausapin mo muna si tita Bella for just 30 minutes. Please?” Pinagdikit pa ni Peter yung dalawang palad niya.
“Sige na nga. Pero 30 minutes lang ah.” Anubayan? T_T Bakit pumayag si tita? Nalulungkot naman ako. Hay, bakit ang lakas ni Peter sa nanay niya?
Naglakad na nga si tita papasok sa bahay, lalabas na yun papunta sa bahay namin. T___T Ididistract niya yung nanay ko.
“Tsk tsk, kapag kasi pinapapasok na, dapat pumasok na.”
0___________0
Huwaaaaaaaay? My life is ruined! T_________T
“Simon? Ikaw ba yan?” Sabi ni Peter, di pa rin siya tumatayo. Inaaninag namin yung taong papalapit sa’min. Nung tumama sa kanya yung ilaw na nakasabit sa puno nila Peter, gumuho na ang mundo ko. Nakita kong tumingin si Peter sa orasan niya, he mouthed the time to me, 11:37pm. Mukhang masayang-masaya pa siya. Perk.
“Kamusta ang mga chikiting?” Nakapamulsa pa siya nung lumalapit sa’min.
“Okay na okay. Bakit ka nga pala bumalik dito?” Si Peter pa rin. I still can’t get over the fact na talagang nandito na si Simon.
“A very long story. Tell you what, sama tayong tatlo magsimba bukas tapos kain tayo. Treat ko. Tsaka ko ikekwento sa inyong dalawa.”
“Sure, okay lang ba sa’yo yun Claire bear?” Tanong sa’kin ni Peter as he gives me his most dazzling smile.
“Claire bear, applicable pa rin pala sa kanya yun.” Napatingin ako kay Simon, nagbinata na siya. May hawig na nga siya sa mama niya e. Yung mama pa naman niya, dating commercial model.
“Ewan sa inyong dalawa. Sige na uuwi na ko.” Nag-pout pa ko. Tsk naman talaga oh. Bakit ba dumating yang Simon na yan? T_T
“Teka lang, hatid na kita.” Sabi ni Peter.
“Hindi, wag na. Matatanaw naman ako nila mama. For sure sa labas lang yun nagkwentuhan.”
“Nasa labas nga sila. Nandun din mama ko e.” Bakit parang may hint ng sakit dun sa sinabi ni Simon na yun? “Di bale Peter, ako na lang bahala. Ako na maghahatid sa kanya.”
“Sige. Alagaan mo ah.” Sabi ni Peter, waaaaa. Bakit parang ibinibigay na niya ko kay Simon? T_T
Naglakad na ko papasok sa bahay nila Peter, nakasunod naman yung dalawa. Nung palabas na ko ng pinto, binuksan ni Simon yung pinto para sa’kin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Bye Peter!” Sigaw ko pa dahil papanhik na siya sa hagdanan.
“Good night Claire!” Wala man lang good night kiss? Mehehehe. :)) Claire baliw!
“May problema ka ba sa’kin?” Tanong bigla nitong Simon na ‘to.
“Bakit ba kasi ngayon ka bumalik dito? Pwede namang bukas ah.” Pagtataray ko sa kanya.
“Anong problema kung ngayon ako bumalik?” Inosente niyang tanong.
“Aish. Wala. Tsk.”
Naglakad na ko pabalik sa bahay namin habang siya nakasunod lang.
BINABASA MO ANG
Can I Get Him Back From God?
RomanceMagawa kaya ni Claire na mabago ang isip ni Peter?