Chapter 7

208 6 14
                                    

Chapter 7

“Oy Claire, lika na.” Pumasok ulit si Rachel dun sa kwarto at hinila ako palabas. Ayoko. Ayokong makita siya. Please.

“Claire, si Simon,” sabi ni Rachel. Ako naman bago pa kami makarating nung terrace, ipinikit ko na yung mata ko. Ayoko talagang makita na siya nga ang special friend ni Rachel. “Claire, para kang tanga. Bakit ka nakapikit diyan?” tanong niya.

“Ayoko. No!” sigaw ko. Ayokong makaramdam na naman ng sakit. Tama na. Please.

“Weird ka pala Claire ah,” may nagsalita. Lalaki, pamilyar nga e. Parang narinig ko somewhere. Isa lang ang sigurado, hindi kay Simon Diaz ang boses na yun. Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko. Nakaupo sa harap ko si Simon Paul Litonjua, ang class valedictorian namin. Paul naman kasi tawag ko sa kanya e. >_< How should I know?

“Paul?” paninigurado ko.

“Pagpasensyahan mo na ‘yang best friend ko ha? Di ko napaalala sa kanya yung gamot niya.” Ngumiti pa si Rachel sa kanya. Suma-something na silang dalawa ah.

“Ah oo. Sorry Paul ah. Di bale, pauwi na rin naman ako. Makaka-inom na ko.” I flashed him my widest smile. “Bye Rach, balik na lang ako bukas. Maiwan ko na kayong dalawa. Enjoy!” Nagpaalam na ko. Ang gaan bigla ng pakiramdam ko, para akong nabunutan ng tinik. Ganun ko ba kaayaw na makita si Simon na may kasama at masaya sa ibang babae? Selfish Claire. Kawawa si Lemon Simon sa’yo. >_<

Naglakad na ko pabalik sa bahay namin. Itutulog ko na lang ‘tong guilt feeling ko. Kasama na rin yung uneasiness dala ng pag-iisip na sooner or later, magkakaron din ng girlfriend si Simon. T___T Pag nangyari yun, I’m sure. Ako na ang pinakamalungkot na nawalan ng best friend ever.

“Oh Claire bear, san ka galing?” tanong ni Peter nung napadaan na ko sa kanila. Naka-silip siya sa bintana.

“Kina Rachel lang,” sagot ko sa kanya.

“May sakit ka ba? Ang tamlay mo kasi e.”

“Ha? Wala ‘to.”

“Hmm. Panhik ka dito, bukas ‘yang pinto.”

“Ayoko diyan sa taas. Dun na lang tayo sa likod-bahay niyo,” pag-aya ko. Feeling ko kasi masisikipan ako kung sa kwarto ni Peter, na parang ayaw na ng katawan ko dun. Mas gusto niya yung mga maluwag sa ngayon.

“Okay. Race you there.” Ngumiti pa siya.

Pumasok na ko, not bothering to race him. Mabigat pa rin yung pakiramdam ko, naisip ko na naman kasi si Simon. T_T

“Kilala mo ba si Oscar the grouch?” Nag-appear out of nowhere si Peter sa harap ko.

“Diba yun yung sa Sessame Street?” sagot ko sa kanya.

“Hindi. Yun yung kaharap ko ngayon. What’s the problem Claire bear?” tanong niya.

“Wala. Nagugutom lang siguro ako.”

“I’m your best friend since we were kids Claire. Kilala na kita, I know when something’s bothering you. Please, open up to me. Malay mo makatulong ako sa’yo.” He concernedly said to me.

Naglakad ako papunta sa hammock at umupo dun. I tapped it para tumabi sa’kin si Peter. Lumakad naman siya palapit sa’kin.

“Ayoko ng nararamdaman ko, Peter,” pagsisimula ko. “Di kasi ako nakaramdam ng ganitong takot sa’yo. Magpapari ka kasi e. Pero si Simon, I dread the day I get to see him with another girl, calling her nicknames and giving special attention to her.”

Nakatingin lang sa’kin si Peter, as if analyzing me.

“Anong problema mo? Stop staring,” sabi ko sa kanya. Grabe naman kasi yung titig niya, nakakatunaw.

“I dreaded this day too, Claire,” seryosong sabi niya.

“Halalalala? Ayaw mo ring magka-girlfriend si Simon?” gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

“Ano ba yang pinagsasasabi mo Claire? Hindi yun!” Pagkatapos niyang magsalita, yumuko siya. “I dreaded the day that I finally get to see you in love.”

0_______0

“Ako? In love? Kanino?” naguguluhan kong tanong.

“Kay Simon. Kanino pa ba?” Nakayuko pa rin siya.

0_______0

“In love ako kay Simon? San naman nanggaling yun?”

“Please don’t deny it Claire. The evidence is sitting beside me.” Tumingin siya sa malayo before speaking again. “You will lose the childish sparkle in your eyes, your wild ideas, your boisterous laugh and great curiosity for things. In short, I’m going to lose, my Claire bear.”

“I’m still here Peter. I’m still me. Besides, what gave you the idea that I’m in love with him?” Pinigilan ko yung sarili ko para hindi siya yugyugin, I want him to escape this emotional stupor. Baka sakaling he’ll stop saying nonsense.

“But since I already chose my path, it’s only fair that you choose yours too. Mahirap mang sabihin, we all need to grow up,” pagpapatuloy niya. It’s as if wala lang yung sinabi ko and I didn’t interrupted him. “I’m going to miss my little Claire bear.” Tumingin na ulit siya sa’kin.

“Stop saying nonsense Peter!” Tumayo na ko. “Uuwi na ko. Call me when you stop being emotional.” Naglakad na ko ulit papasok sa bahay nila pero bago pa ko makapasok sa pinto, I shouted. “Peter Lim! I’m still me. I’m still the Claire Alcantara that you grew up with.”

Pagpasok ko sa bahay namin, nakita ko si mama na nakaupo sa sala. I saw her office door open. Dito niya minamanage yung business na naiwan ni daddy para daw maalagaan pa niya ko.

“Nag-away kayo ni Peter?” tanong niya. Narinig siguro niya yung sigaw ko kanina.

“Hindi po mama. Misunderstanding lang po. Kung ano-ano kasi pinagsasasabi e.” I explained.

“Do you want to talk about it?” Concern etched on her face. I sighed. Oras na rin siguro para malaman niya yung totoo. Tumabi ako sa kanya sa sofa.

“He’s insisting that I’m in love with Simon when the fact is obvious that I’m in love with him.” Nakayuko kong sabi sa kanya.

“Hay. Dalaga na pala ang anak ko. Why do I keep on forgetting that? I still see the little kid running around here.” She smiled. “Claire, ano bang sinasabi ng puso mo?”

“Di ko alam mama. Nalilito na ko.”

“Well, i-analyze mo yung mga nararamdaman mo. Imagine yourself na isa lang sa kanila yung pwede mong makasama. Who would you choose? Pagkatapos, kapag nakapili ka na, tell me. Mag-iisip tayo ng pwedeng gawin.” She smiled at me encouragingly. “Baby, kailan pa yung sinasabi mong feelings para kay Peter?” tanong niya pagkatapos.

“Prom night, junior year,” sagot ko.

“I see.”

“Bakit?”

“Wala naman. Sige. Pahinga ka muna sa taas, magluluto na ko ng dinner.”

And so I did but I still can’t take a rest, naguguluhan pa rin ako. T_T

Can I Get Him Back From God?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon