Sinumbong kita kay Kristoff friend, meron ka na daw palang Lee Min Ho. :)))))
Chapter 5
Umalis kaninang umaga sina Simon, mag-eexam na siya for college. Dun nga rin siya papasok sa papasukan kong university e. Ang saya lang! Magkasama kami ni Lemon Simon sa school, parang nung elementary lang. At kung pagpapalain pa ko, pag di natuloy si Peter sa pagpapari, dun ko din siya papasukin, para mas masaya. *0*
Pumunta na lang ako kina Peter, siya na lang muna guguluhin ko. Hehe.
“Yohoo! Anybody home?” Sigaw ko nung nakapasok na ko sa kanila, ganun naman e, tuloy-tuloy talaga ko pag papasok dito, pag hindi nga lang naka-lock yung pinto.
“Ate Claire!” Sumigaw si Rafael, galing dun sa kitchen nila. Naglakad na ko palapit dun.
“Raf-Raf! Kamusta ang little brother ko?” Tumabi na ko sa kanya habang kinakain niya yung cereal niya.
“Ate naman, big boy na kaya ako. Grade 5 na nga ko next year e.”
“Biro lang, eto naman. Nasan si kuya?”
“Nasa taas. Tulog pa. Inabot siya ng umaga kaka-pray e.”
“Talaga? Pwede ba kong pumunta dun?”
“Sige ate.”
“Salamat! Sige, kain ka na ulit. Papanhik na ko sa taas.” Ngumiti pa ko sa kanya. Tsk tsk. Parang may kutob ako kung bakit napuyat si Peter kagabi.
Tulog pa nga siya pagkarating ko sa kwarto niya. Pansin mo nga na puyat siya. Claire, ano ‘tong ginawa mo kay Peter?
Umupo ako dun sa gilid ng kama niya, hinawi ko yung buhok niya, napaka-peaceful ng mukha niya, parang nakakaantok din tuloy. Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya naman tumabi na rin ako sa kanya, humiga din ako.
Pinagmasdan ko lang yung mukha niya, hay, napaka-perfect talaga. Perfect para sa’kin, bagay na bagay talaga kami.
“Peter, mahal kita,” bulong ko pa. Naipikit ko yung mga mata ko habang may ngiti sa labi ko.
**
Pagkagising ko, bumungad sa’kin ang fresh na fresh na mukha ni Peter. Ang sarap lang gumising. *0*
“Good morning Claire bear or happy lunch.” Ngumiti pa siya.
“Tanghalian na?” Tanong ko pa. Ang tagal naman ng tulog ko.
“Oo kaya, nauna na nga silang kumain e. Inaantay lang kitang magising para tayo na lang sabay.”
“Talaga? Hehe. Sorry, inantok e. Sarap kasi ng tulog mo, nainggit ako.” Ngumiti pa ko sa kanya.
“Okay lang, kanina nga dumaan din si Simon dito, pagmulat ko nung mata ko, andun siya sa pinto nung kwarto e.”
“Ano sinabi?” I curiously asked.
“Ang cute daw natin tignan, tapos umalis na rin. Ang lungkot nga niya e.”
“Hala? Baka di siya nakapasa dun sa entrance exam. Kawawa naman si Lemon.” Malungkot kong sabi. Ganun kasi dun sa university, pagkatapos mo mag-exam, malalaman mo agad yung resulta.
“Mamaya tanong natin siya. Kain muna tayo sa baba.” Ngumiti si Peter, hay, kaygandang paggising talaga. Feeling ko tuloy mag-asawa na kami. :””)
Pagkatapos namin kumain, pinuntahan namin si Simon sa bahay nila, ang kaso, wala siya e. Umalis daw at di sinabi kung saan pupunta, ayun na rin kay tita. Anyare kay Simon? T____T
Tumambay na lang kami ulit dun sa likod-bahay nila Peter, dun pa rin syempre sa hammock nila habang kumakain ng cookies.
“Claire bear, alam mo ba kahapon, nagkagulo dun sa search-in namin?” Pagsisimula niya sa pagkwento. Syempre ako naman patay-malisya.
“Talaga? Paanong gulo?” I’m wearing my best curious face.
“May nagsalita,” sabi niya.
“Yun lang nagkagulo na agad? Grabe naman, ganun ka-bawal magsalita sa loob ng semenaryo?” Tatawa-tawang sagot ko sa kanya.
“Hindi. He spoke,” dahan-dahan niyang sabi habang nakatingin sa mukha ko, siguro inaabangan niya ang kung ano mang magiging reaction ko.
“As in,” tumuro ako sa taas. He nodded. “Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan, Peter.” Siniko ko pa siya pero syempre mahina lang.
“Hindi pinagbibiruan ang ganung bagay,” seryosong sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng sakit dahil sa mga sinabi niyang yun, feeling ko kasi seryoso na talaga siya sa balak niyang pagpapari. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala na talaga kaming pag-asa. Naramdaman kong patulo na yung mga luha ko kaya naman tumayo na ko.
“Ano Peter, naalala ko na may pinapagawa pala sa’kin yung mama ko, sige ha? Tsaka na tayo magkwentuhan.” Tumakbo na ko palayo. Bakit ba kasi ipinipilit ko pa ang sarili ko sa kanya? Nakakainis.
Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa bahay nila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ko ba kasi minahal yung bestfriend ko at ang malala pa, magpapari siya. T___T
“Ouch,” may lalaki akong nabangga. Napakapit tuloy ako sa noo ko. Ang sakit. >_<
“Claire bear, bakit ka umiiyak?” Inangat ko yung ulo ko, si Simon pala yung nabangga ko. Niyakap ko siya agad-agad. “Hindi ko alam yung dahilan kung bakit ka umiiyak pero kung ano man yun, alam kong lilipas din yung sakit. Maniwala ka sa’kin,” sabi niya habang hinahagod yung buhok ko.
“Simon,” yun lang ang nasagot ko sa kanya. Nung nakita ko kasi siya parang kinuha niya lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. Pati pagtulo ng luha ko, tumigil na rin.
“Tara. May nagtitinda ng halo-halo sa park. Libre ko,” sabi niya.
**
“Ang konti nung leche flan nung akin,” pagrereklamo ko sa kanya nung nakabili na kami ng halo-halo. Kinuha niya yung kapit ko at ipinagpalit dun sa kapit niya. “Yey! Thank you Lemon Simon!” Ngiti lang ang isinagot niya sa’kin.
Tahimik lang kaming kumain habang pinagmamasdan yung mga tao sa basketball court. Nakaka-irita nga e. Andun si Dave, naglalaro ng basketball. Nakakainis, parang ang lakas tuloy ng hangin ngayon, dala siguro ng aura ng kayabangan niya.
“Lemon, nanggaling ka daw kanina kina Peter, malungkot ka nga daw e, ano bang nangyari sa results nung exam mo?”
“Pasado ako, actually nga gagawin daw nila kong scholar. Na-perfect ko ata yung math.”
“Wow!” *0* “Ang galing-galing mo naman Lemon Simon! Ikaw na!” Ngiting-ngiti kong sabi sa kanya. “Dapat i-treat mo ko!”
“Ano tawag mo sa halo-halo na kapit mo ngayon?”
“Hello. Halo-halo. Kakasabi mo lang e,” ngiti ulit ng bongga.
“Claire, may sasabihin ako sa’yo,” seryosong sabi niya.
**
Kunyari halo-halo yung kapit ni Claire. Hahahaha. :)) Wala naman kasing halo-halo (ata) sa Korea.
BINABASA MO ANG
Can I Get Him Back From God?
RomanceMagawa kaya ni Claire na mabago ang isip ni Peter?