Chapter 6

241 7 7
                                    

Eto na. May demanding kasi e. CHAR! :)) Love you swirlybitch. :*

Chapter 6

“Claire, may sasabihin ako sa’yo,” seryosong sabi niya. Bigla naman akong kinabahan dahil nagbago yung light mood kanina. Dala na rin siguro sa kaba, napatingin ako sa basketball court.

0______0

“Simon! Si Rachel yun diba?” Niyugyog ko si Simon sa tabi ko, parang may mali kasi dun sa nangyayari sa court, napapalibutan siya nung mga girls na bully sa school namin. Plastics, yun ang tawag namin sa kanila. Tumigil na nga rin sa paglalaro yung mga nagbabasketball at lumalapit na rin sa kanila.

Tumayo na ko at tumakbo palapit dun, nakasunod na rin naman si Simon.

“You’re so pathetic. Akala mo may gusto talaga sa’yo si Dave?” Nagsalita yung pinaka-leader nila. “Dream on nerd!” Sabay tinulak pa niya si Rachel kaya naman napaupo sa sahig yung best friend ko.

Lalapit na sana ako kaso biglang hinarang ni Simon yung katawan niya at siya na ang lumapit kay Rachel.

Itinayo niya ‘to tsaka siya humarap dun sa mga plastics.

“Don’t ever hurt her again. If you do, you’ll all answer to me.”

“Simon Diaz?” Halalala. Kilala siya ni head plastic? Parang inanalyze niya yung mukha nung bully na yun, tapos nagkaron ng recognition sa mukha niya.

“Leila?” Binanggit niya yung pangalan nung babaeng ewan.

“You’re already back!” Ngiting-ngiti na sabi ni Leila. “Liligawan mo na ba ko?” Ngumiti siya na akala mo nang-aakit, eew, nakakasuka kaya. >_<

“Leila, what did you say?” Tumabi na si Dave kay head plastic at inilagay ang kamay niya sa bewang nito.

“Nothing honey. Inaasar ko lang ‘to si Simon.” Ayan na naman po yung nakakasuka niyang ngiti.

“Oh Rachel, andito ka pala.” Binati ni Dave si Rachel. “Have you met my girlfriend?” At talagang may gana pa siyang ngumiti kay Rachel ah!

“Gi--girl friend?” Nanginginig na tanong niya kay Dave.

“Yeah, guess you didn’t figure it out eh? Akala ko pa naman matalino ka, nerd. Tsk, tsk. Bored lang si honey nung mga time na yun and so was I, we tried to be with other people. Ewan ko ba dito kay Dave kung bakit ikaw ang napili. Why nga ba honey?” Hindi na ko tumingin sa kanila kundi itinuon ko yung pansin ko kay Rachel, anytime now, babagsak na yung mga luha niya. At sa tingin ko napansin na rin yun ni Simon.

“Alam ko kung bakit si Rachel ang pinili niya.” Nagsalita na si Lemon, tumingin siya sa’kin pagkatapos kay Rachel ulit. “She’s the most wonderful girl I’ve ever met, tumitigil yung mundo kapag nakita ko na siya, when she smiles, everything feels right in the world at kapag nagsasalita siya parang lahat ng tao tumatahimik para makinig sa kanya kaya nga mahal na mahal ko siya e.” Inakbayan pa niya si Rachel. Lahat ng sinabi niya kapani-paniwala talaga. Kung di ko talaga alam na kailan lang sila nagkakilala, maniniwala ako sa mga sinabi ni Simon. Para bang galing sa puso yung mga sinabi niya. Naisip ko tuloy, baka nga totoo yun. Dahil dun, para tuloy akong nakaramdam ng selos kay Rachel, aminado ako na selosa ako pagdating kay Simon, selfish kasi ako pagdating sa kanya. Katulad nga ng sinabi niya dati, siya lang talaga ang pinakaclose at pinakamatagal ko ng kaibigan.

Naglakad na sila palapit sa’kin, akay-akay pa rin ni Simon si Rachel.

“Lika na Claire,” pagyaya niya sa’kin. Lumayo na kami sa mga taong yun.

Naunang naglakad yung dalawa habang ako nakasunod lang sa kanila. Naiinis ako. Sobrang lapit ni Simon kay Rachel. Gusto kong pumagitna sa kanila, kaso naisip ko, nag-aalala lang din siguro si Simon sa kanya. Ang sama naman kasi nung mga taong yun, tsk, eto na nga ba sinasabi ko e. Pero di ko kayang sabihin ang I-told-you-so kay Rachel, alam kong nasasaktan siya ngayon. Best friend ko pa rin siya and I do care for her.

Nung nandun na kami sa harap ng bahay nila Rachel, papasok na sana siya kaso pinigilan ko.

“Rach, if ever kailangan mo ko ha? You know where to find me.” I smiled at her. Ganyan kasi yan. You can never force your company to her. Mas lalong hindi niya malalabas yung nararamdaman niya, she needs space.

“Okay Claire,” matamlay niyang sagot.

“Love you Rach.” Niyakap ko siya bago siya pumasok sa bahay nila.

Naglakad na kami pauwi ni Simon. Mag-gagabi na rin pala. Palubog na yung araw e.

“Thanks Simon,” sabi ko habang nakangiti sa kanya.

“Wala yun. Kakasabi mo nga lang na mahal mo si Rachel so I also need to take care of her,” sagot pa niya sa’kin. “Ayokong nasasaktan ka.”

“Yeah. For that, you’ve earned the best-est friend ever!” I shouted at him. He gave me a smile in return.

“As long as you need me Claire bear, I’m here.”

**

“Anong gusto mong gawin natin sa mga yun ha? Padala natin sa Mars? Ipatapon natin sa arena ng Hunger Games at ipapatay kay Cato? Ano Rach? Kahit gano kaimposible magagawa ko para sa’yo!”

After 2 days of being with her bed, Rachel finally called me at sinabing pumunta ako sa kanila. Mukha namang kahit papano, nakatulong yung pagkukulong niya ng dalawang araw, naexhaust na ata niya lahat ng body fluids niya e. Maganda na rin ang aura niya.

“Loka. Hayaan mo na yung mga yun. Para namang di mo alam na crush ko lang naman yun si Dave tsaka ayoko na sanang palakihin pa yung problema.”

“Sigurado ka bang ayaw mo talaga? Kasi alam mo namang willing akong maging accessory to the crime mo.” I gave her my most evil smile.

“Haynako. Kung si Peter magpapari Claire, ikaw, pwede ka ng drug dealer,” natatawa niyang sagot. Loka-loka. >0<

“Rachel, may bisita ka,” sabi ni tita. Pumasok siya sa kwarto.

“Sige mama, papuntahin mo na lang ulit dun sa terrace,” sagot naman ni Rachel. Lumabas na si tita sa kwarto.

“I smell something fishy.” Itinaas ko pa yung kilay ko habang nakatingin kay Rachel.

“Di mo naman kasi ako pinagsalita kanina, niratrat mo agad ako. May bago na kong special friend,” pagpapaliwanag ni Rachel. Mukha pang nagba-blush siya. Hoho.  May bago ng inspiration ang best friend ko? *___* Kaya naman pala masaya na ulit siya. Dahil dun, masaya na ko para sa kanya. Sana lang this time, hindi na katulad ni Dave.

“Ipakilala mo naman sa’kin.”

“Di na kailangan, kilala mo na yun.” Ngumiti pa siya. “Lika na. Baka naghihintay na si Simon sa labas.” Nauna na siyang lumabas ng pinto.

0__________0

Tama ba ko ng rinig? Simon ba talaga sinabi niya? As in THE SIMON? Simon na best friend ko, yung tinulungan si Rachel laban kay Dave? Special friends na sila ngayon ni Rachel? Bakit parang nung naisip ko yun, di na ko makagalaw? Ang bigat ng buong katawan ko pero yung bigat nandun sa itaas na parte, sa puso ko to be exact. Parang tumigil yung mundo at di ko na kayang sumunod pa dun sa terrace nila Rachel dahil sigurado akong pag nalaman kong siya nga yun, kapalit nun ay matinding sakit. Siguradong-sigurado ako.

**

SIMON, WHY SO HOT? :"""")

Kung ganyang mukha ba ang bubungad sa'yo pagpunta mo sa terrace Claire, why not? HAHAHAHA. :)) 

Can I Get Him Back From God?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon