Third week ng January nang bumalik si Dawn sa Manila nang makatanggap siya ng text galing sa kanyang manager/bestfriend na si Precy Vivas o mas kilala sa palayaw na Vivs na nagmula sa apelyido nito. Sinabi nito sa kanya na aattend daw ito ng meeting kasama ang Star Production -isang kilalang taga gawa ng mga teleserye at movie sa industriya. Tinanong niya ito kung para saan ngunit hindi na nagreply ang kaibigan. Marahil ay nasa meeting na ito, thirty minutes na kasi ang nakakalipas ng mabasa niya ang text kaya paniguradong busy na ngayon ang kaibigan.Ibinaba na muna niya ang kanyang cellphone sa lamesa at tsaka siya nagpatuloy sa pagco-cross stitch. Siya lang kasi ang tao sa bahay dahil nasa school ang kanyang dalawang anak na sina Amielle at Jake. Five years old na si Amielle at eight years old naman si Jake. Wala rin ang kanyang asawa dahil nagpaiwan muna ito sa Davao dahil kinakailangan ang presensiya nito sa isa nilang farm doon.
Nang maghahapon na ay itinigil na muna niya ang pagco-cross stitch para sundiin ang mga anak.
Nagtext sa kanya si Vivs na katatapos lang daw ng meeting nito kaya inaya na rin niya itong magdinner sa kanila. After nilang kumain ng hapunan ay tinulungan muna nila ni Vivs si Amielle at Jake na gumawa ng home works bago patulugin ang mga ito.
Napabuntong hininga si Precy. Napansin naman iyon ni Dawn.
"Ang lalim ah?" Puna ni Dawn.
"Eh kasi nga, may bagong project ang Star Production."
"Oh, e bakit parang problemado ka ata? At tsaka, iyon nga pala ang itatanong ko sa'yo. Anyare kanina?" Excited na pang-uusisa ni Dawn sa manager.
"Andun sina Direk Nuel e . Grabe, andaming projects ng Star Production. Tapos andami na ring mga bagong batang artista, mapasayawan,kantahan acting-an andaming bago. Going back kay Direk Nuel, may isinubmit siyang script sa Star Production at kayo ni Goma ang napipisil na bida." Tila nagbago na ang mood ni Precy nang magkwento na ito. Napalitan ng excitement ang boses nito na kanina lamang ay parang nag aalangan.
"K-kami ni Goma?" Naitanong ni Dawn. Para kasing iyon lang ang nagsink-in sa utak niya sa lahat ng mahabang sinabi ni Precy.
The thought of him and her making another project again after a year, excites her.
"Uhuh! Andoon nga din si Sophia Ocampo, ang manager ni Goma. Katulad mo, hindi pa rin inform dito si Goma dahil kanina lang din in-announce ni Direk Nuel na kayo nga ang gusto niya para sa next project niya. Ang sabi naman ni Sophia, maluwag naman daw ang schedule ni Goma hanggang may, kaya lang ay tatanungin pa rin naman niya si Goma tungkol sa napag-usapan namin kanina." Nakatitig lang si Dawn sa kaibigan na ngayon ay nakatungo na sa IPad nito.
"But, Richard is busy reigning Ormoc. What will happen to this project?" May pagtataka sa boses ni Dawn.
Kasi diba, kung tatanggapin ni Richard ang project siguradong mahihirapan ito dahil kasisimula pa lamang nitong mamahala sa Ormoc. Hindi pa nga ito nakakaisang taon e.
"I told you, maluwag ang schedule ni Goma. At tsaka, teka! Kukunin mo ba itong project?" Nag angat ng tingin sa kanya si Precy.
"I don't know. Hindi ko pa naman nababasa ang script at tsaka tatanungin ko pa si Andrew tungkol dito." Matapat niyang sagot sa kaibigan.
"Okay. Tatanungin ko rin si Sophia kung anong naging desisyon ni Goma. Bueno, uuwi na ako. Mag na-nine o'clock na rin pala." Paalam ni Precy at tsaka inayos ang kanyang gamit at tumayo. Tumayo na rin naman si Dawn at tsaka niya inihatid ang kaibigan hanggang sa makasakay ito sa sarili nitong sasakyan.
BINABASA MO ANG
CharDawn: Ormoc
RomancePurposely holding your feelings back because you know it's for ths best. Camilaaaj