Chapter 5

332 15 1
                                    


Dedicated to dawnchard6765

Enjoy reading!!!

Nakangiting sinalubong nina Richard at nang kanyang asawa na si Lucille  ang team nina Direk Nuel. Naunang naglalakad sina Direk kasama ang mga editor-in-chief ng kanilang pelikula. Sa huli naman ay si Dawn kasabay sina Melissa Ricks at si Neggi na kasama rin pala sa kanilang gagawing pelikula. Noong pasakay na sila sa eroplano lang niya nalaman dahil wala naman ito noong nagmeeting sila. Madali lang niyang nakagaanan ng loob si Neggi dahil sa buong byahe yata itong nagpatawa na lang ng nagpatawa.

Isa-isang nakipagkamay at nakipagbeso ang mga bagong dating sa mag-asawang Gomez. Nang malapit na sina Dawn kina Richard ay excited namang naglakad si Melissa kay Richard.

"Kuya Gomz!" Natatawang bati ni Melissa kay Richard at tsaka ito niyakap. "Hi Ms. Lucille." Naramdaman naman ni Dawn ang pagsiko sa kanya ni Neggi. Napatingin siya sa bagong kaibigan at nginitian siya nito ng may kahulugan. Napa iling na lang siya at tsaka siya lumapit kay Lucille. Civil naman kasi sila sa isa't-isa.

"Dawn! Wow! You're so beautiful." Agad na lumapit si Lucille sa kanya at nakipag beso-beso. Nginitian naman niya ito pabalik.

"Hi. Kamusta?" Nakangiti niyang tanong.

"Eto, okay lang. Ikaw? Grabe, lalo ka yatang sumesexy." Tiningnan siya ni Lucille mula ulo hanggang paa at parang isa siyang aparisyon kung tingnan. Natawa naman siya sa reaksyon nito.

"Oy, hindi naman. Tumaba pa nga ako kasi, you know nagdaan na naman ang holidays." Nagtawanan silang dalawa.

"Ehem!" Napatingin naman silang dalawa ng marinig nilang may tumikhim sa kanilang gilid... si Richard. Nakangiti ito sa kanila habang nakataas ang kilay.

"Nagpapapansin na sa'yo ang leading man mo, Dawn." Natatawang biro ni Lucille. Natawa rin naman si Dawn at tsaka lumapit kay Richard. Naglakad rin namang palapit si Richard sa kanya at tsaka siya nito sinalubong nang yakap. Ramdam niya ang higpit noon ngunit agad rin naman silang bumitaw dahil narinig nila ang pag-irit ni Melissa at pagtawa ng kanilang mga kasamahan. Nang magawi ang tingin niya sa mga ito ay nakita niyang kinukunan sila ng picture ng mga ito, si Lucille naman ay nakangiti sa kanilang dalawa.

Inimbitahan sila nina Richard at Lucille na sa bahay na lang nila maglunch ang mga ito na agad namang sinang ayunan nila.

Habang naglalunch ay pinag-usapan na rin nila ang mga gagawin sa movie. Balak na rin nilang tumungo sa Alegria kung saan sila magtetaping para sa kanilang movie. Doon na rin sila mag istay dahil may isang maliit na compound doon na pagmamay-ari ng kaibigan ni Direk Nuel. Doon nila napili dahil angkop iyon para sa movie nila, dahil sa malayo iyon sa bayan at may sampung pamilya laang daw roon ang nakatira. Kaya nga lamang ay aabutin ng tatlong oras mula sa bayan ang byahe papunta roon.

"Why don't you just stay here for tonight? Para bukas na lang kayo ng umaga bumiyahe papuntang Alegria, aabutin kayo ng dilim sa daan eh?" Suhestiyon ni Lucille. Napakagat labi naman si Dawn. She and her Ex together with his wife will sleep under the samw roof. Tapos sa bahay pa talaga ng mga ito? Parang pinanlamigan ata siya sa suggestikn na iyon ni Lucille. Oo nga at may kasama silang iba at tsaka matagal na namang issue yung kanila ni Richard, pero ano na lang ang iisipin ng kanyang asawa at ng ibang tao pag nalaman nila na natulog siya sa bahay ng Ex niya.

Napataas ang tingin niya ng magsalita si Direk Nuel.

"Thank you Lucille  sa pag invite kaya lang ay inaantay na rin kasi kami ng mga nauna doong staff. At tsaka para mafamiliarized na rin kami doon." Magalang na tanggi ni Direk. Para naman siyang nabunitan ng tinik sa naging sagot ni Direk Nuel.

"Ganoon ba Direk? Okay lang po. May tutuluyan na po ba kayo doon?" Tanong pa ni Lucille.

"Oo. May pagmamay-ari doon ang kaibigan ko na maliit na compound, isinaggest niya na habang nagtetaping ay doon muna kami tumuloy, kesa nga naman sa uupa pa kami sa bayan e ilang oras din ang biyahe diba?"

Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa inabot na sila nang alas dos. Nagpasalamat sila sa mag-asawang Gomez at tsaka sila nagtunggo na sa Alegria.

Alas singko na nang hapon sila nakarating sa Alegria. Ang gandang tingnan ng papalubog ng araw sa may burol, she took a picture of it.. pang post ba sa IG. Napansin rin niya ang isang maliit na bahay-kubo sa may baba ng burol.

"Iyang ang magiging bahay mo sa movie natin." Napalingon siya ng marinig ang boses ni Direk Nuel.

"Wow! Ang ganda Direk dito. Presko ang hangin, tapos ang tahimik pa." Nakangiti siyang tumingala at tsaka pumikit. Pinakiramdaman niya ang hangin na humahampas sa mukha niya at lumilipad sa kanyang buhok. Hindi niya alam na kinuhanan siya ni Direk Nuel nang picture.

Inayos na nila ang kanilang tutuluyan. May labing dalawang bahay ang nakatayo doon na magkakalapit. Kalahati nito ay semento at ang kalahati naman ay gawa sa kawayan. Sa isang bahay ay may tatlong maliliit na kwarto, magkasama sila ni Precy sa bahay at ang kanyang team. Sa kabilang bahay naman ay sina Melissa at ang team nito pati si Neggi ay kashare din. Halos dalawang dipa lang naman ang layo ng mga bahay doon.

Nang maghahapunan na ay doon sila sa malaking open space na kubo na nasa gitna sila kumain. Naggawa rin ng bonfire ang mga kalalakihan at matapos pa ang ilang kwentuhan ay natulog na rin sila.

Thank you po sa 200+ na reads.💜💜

Much love♥
Camilaaaj

CharDawn: OrmocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon