Enjoy reading!!!"Andaya, may dala siya kay Ms. Dawn." Napalingon siya kay Neggi nang marinig niya itong magsalita. Naglalakad na kaso siya papunta sa cottage nina Dawn habang dala ang iba't-ibang delicacies ng Ormoc, nakalagay iyon sa tatlong paper bag.
"Meron din naman kayo. Ayun oh, dala na ng mga staffs sa kubo." Turo ni Richard kay Neggi sa dalawang lalaki na galing sa kanyang kotse na may dalang mga paper bags, ang isa naman ay nahuhuli na may dalang isang malaking bilao ng pansit. Napailing na lang siya ng magtatakbo si Neggi sa may kubo para samahan sina Melissa at Direk na naroon na.
Nang makarating siya sa may pinto ay agad siya doong kumatok. Hindi rin naman nagtagal ay pinagbuksan na siya ng isang babae na sa tanda niya ay ang taga dala ng mga damit ni Dawn, nginitian niya ito.
"Hi. Andiyan ba si Dawn?" Pansin niya ang pagpipigil nito ng ngiti, lumingon ito at tsaka sinabi na naroon siya.
"Si Sir Richard po." Nakangiti nitong binuksan ng malaki ang pinto at tsaka niya nakita si Precy Vivas na biglang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Goma!" Lumapit naman siya dito at nakipagbeso.
"Vivs." Nginitian niya ito at tsaka niya iniabot ang isang paper bag.
"Oy, may pasalubong. Thank you! Halika, upo ka muna dito. Kelan ka pa dumating? Wala man lang nasabi si Sophia na darating ka a."
"She doesn't know. Hindi ko rin sinabi sa kanya." Nagtawanan ang dalawa. Natigil naman sila ng marinig ang pagbukas ng pinto.
"Vivs, sino bang---" tila ba nagslow motion ang lahat pati na rin ang paglingon ni Richard sa nagsalita. Maging si Dawn ay napatigil din sa pagsasalita at para itong natuklaw ng ahas sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang narito na agad si Richard, oo nga at sinabi ni Direk na ngayong araw ito darating pero hindi naman niya inaasahang dito sa loob ng cottage nila ito una niyang makikita.
"Ang gwapo ko ba?" Tila naman nabalik siya sa mundo ng tumayo si Goma at lumapit sa kanya. Nginitian siya nito at tinaasan lang naman niya ito ng kilay. Maliit lang naman ang cottage pero bakit parang antagal naman yatang makalapit sa kanya ni Goma?
"Baka naman magkatunawan kayong dalawa diyan?" Natatawang sita ni Vivs ng mapansing hindi nag aalis ang dalawa ng tingin sa isa't-isa. Lumingon sa kanya si Dawn ngunit si Richard ay nakatingin pa rin kay Dawn na nakangiti pa rin.
Nang tingnan ni Dawn si Richard ay nakatigil na ito ng ilang dipa sa kanya. Nalukot ang ilong niya at tsaka siya na ang naglakad papunta rito.
"Goma!" Nang makalapit siya kay Richard ay mahina niya itong hinampas sa dibdib at tsaka humawak sa mga braso ni Goma at tsaka siya humalik sa pisngi nito. Normal na iyon sa kanilang dalawa sa tuwing magkikita sila. Naramdaman niya ang pagtakip ni Goma sa kanyang likod. Nang maghiwalay sila sa yakap ay nagkatawanan sila. Nang tignan niya ito ay naka-angat ang kanay nito na may dalang dalawang paper bag.
"Pasalubong." Agad namang tinanggap iyon ni Dawn at tsaka muling niyakap si Goma. "Salamat."
Hinawakan ni Richard sa likod si Dawn tsaka ito inalalayang maupo sa upuang gawa sa kawayan.
"Kelan kapa dumating? Nakita kana ba nina Direk?" Tiningala ni Dawn si Richard dahil nakatayo pa rin ito sa tabi niya. Tinanguan naman siya nito. Umisod siya ng kaunti para makaupo si Goma sa tabi niya.
"Ngayon lang. Pagdating ko nasa may mangga sina Direk at Melissa kaya agad nila akong nakita." Napatango naman si Dawn at tsaka niya binuksan ang pasalubong ni Goma. Mahinang tumili naman si Dawn ng makita ang hinihingi niya noon kay Richard. Kakanin iyon na kulay Violet tsaka orange na may sinangag na niyog sa ibabaw. Meron din siyang nakitang dalawang cup ng ice cream, chocolate and strawberry flavor. Nilingon ni Dawn si Richard na tuwang-tuwa sa reaksiyon niya. Noon pa man talaga ay mababaw na ang kaligayahan ni Dawn, kahit ata ice cream na nasa cone lang ang dala niya dito ay masaya pa rin ito.
"Wow. Thanks, Gomz." Abot tenga ang ngiti ni Dawn nang abutan siya ng kutsilyo ni Vivs at tsaka tinidor.
"Andaya, bakit si Dawn may ice cream? Kakanin lang ang samin a." Kunwari'y nagtatampong saad ni Vivs. Natawa naman ang dalawa.
''Matagal ng iniuungot sakin yan ni Dawn, and I promised her na pag napadpad siya dito sa Ormoc, bibigyan ko siya ng mga delicacies dito tsaka ice cream na dito din gawa." Paliwanag ni Richard. Napatingin naman silang dalawa ni Vivs kay Dawn ng makitang susubo na ito ng sapin-sapin (hindi ko po alam kung sapin-sapin nga ang tawag dun sa kulay violet at orange na magkapatong. Haha , sorry✌✌).
Nagpeace sign naman si Dawn.
"Sorry, natakam lang ako. Kain kayo?" Nakangiting alok sa kanila ni Dawn. Para itong bata na pinasalubungan ng happy meal sa sobrang cute at ganang kumain.
Nang matapos kainin ni Dawn ang pasalubong ni Richard ay kinain naman nila ang dala nitong ice cream, inalok niya kay Vivs ang isa ngunit tinanggihan lang nito. Kaya silang dalawa na lang ni Goma ang kumain noon, kanya ang chocolate flavor at kay Goma naman ang strawberry.
"Masarap ba?" Sunod-sunod namang tumango si Dawn. Napangiti naman si Goma. Nag scoop ulit si Dawn ng ice cream gamit ang kanyang kutsara at tsaka niya ito iniambang kay Richard.
"Try this. Masarap." Natatawang saad ni Dawn. Natawa naman si Richard at tsaka tiningnan muna ang ice cream bago iyon isinubo.
"Masarap nga." Nakangiting wika ni Richard. Hindi man lang nila pansing dalawa na nagshare na sila ng kutsara. Indirect kiss oy!!!
"Told you." sabi ni Dawn tsaka nilantakan ulit ang ice cream. Paminsan-minsan nama'y humihingi sa kanya si Richard. Nang ginamit ni Richard ang sariling kutsara para kumuha ng ice cream ni Dawn ay agad na umangal sa kanya si Dawn.
"Andaya! Andami mong kinuha. Wala na ako." Natawa naman si Richard sa reaksiyon ni Dawn. Iniambang niya sa bibig ni Dawn ang kutsara.
"Oh, bawasan mo. Baka makaiyak kapa diyan." Natatawang biro niya dito. Inirapan lang naman siya ni Dawn at tsaka hinawakan niya ang kamay ni Goma na may hawak ng kutsara at tsaka isinubo lahat ang laman noon.
"Oy, sabi ko bawasan mo lang, kinain mo naman lahat." Angal ni Richard. Dinilaan lang naman siya ni Dawn na ikinatawa lang niya.
Napansin ni Richard na nakatingin sa kanya si Dawn kaya nilingon niya ito. Nakababa na sa lamesang gawa rin sa kahoy ang cup ng ice cream nito ngunit hawak pa din ang kutsara. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Inubos mo ang ice cream ko, pahingi ako niyang sa'yo." Ungot nito at tsaka lumapit sa kanya. Hinawakan rin nito ang kanyang cup, ngunit sa kamay naman niyang nakahawak sa cup pumatong ang kamay nito dahil halos sakop na ng mga daliri niya ang cup , tila hindi iyon pansin ni Dawn dahil agad itong nagscoop sa ice cream niya. Napapikit pa ito at pagmulat ay tumingin ito sa kanya.
"Parang mas masarap ang strawberry sa chocolates." Wika nito. Natawa lang si Richard dahil alam niya ang ibig sabihin noon. Gusto nitong hingiin na lang ang ice cream. Pinisil niya ang ilong nito.
"Bawal ang maraming ice cream, baka magkatonsillitis ka." Saway niya rito. Ngumuso lang naman si Dawn.
"Sige ka. Bukas sa taping masakit ang lalamunan mo." Dagdag pa niya.
"Last na lang." Ungot pa nito sa kanya at tsaka sumubo ulit ng ice cream. Si Dawn na rin ang naka ubos ng ice cream niya ngunit okay lang naman dahil kitang-kita niya kung gaano ito kasaya ng maubos ang ice cream.
Little did they know, na kinukuhanan pala sila ni Vivs ng picture, na tahimik lang sa gilid at pinaanood sila.
Much love♥
Camilaaj
BINABASA MO ANG
CharDawn: Ormoc
RomancePurposely holding your feelings back because you know it's for ths best. Camilaaaj