Sorry po kung andaming typo sa last chapter, wala kasi yung proofreading e. 😊😊✌
Enjoy reading!!!
Engross na engross si Dawn sa bagong laro na itinuturo sa kanya ni Richard kaya hindi nila namamalayan ang paglubog nang araw. Natigil lang sila sa pagcecellphone ng may kumatok sa kanilang pintuan. Nang lingunin nila iyon ay si Neggi ang naroon sa may pinto.
"Excuse me, lovebirds. Kain na po tayo?" Nakanigiti nitong anyaya sa kanila.
Nagtawanan naman ang dalawa.
"Mamaya na ulit. Baka malampasan mo pa ako ng level e." Natatawang biro ni Richard kay Dawn. Nang makaalis si Neggi ay tumayo na rin silang dalawa at tsaka tinungo ang pintuan. Naunang naglakad si Richard para ipagbukas ng pintuan si Dawn.
"Thank you." Saad ni Dawn ng makalapit siya kay Richard. Nang ihahakbang na niya ang kanang paa palabas ay pinigilan naman siya ni Richard sa kanang braso.
"Hmm?" Nagtatakang tiningnan ni Dawn si Richard.
"Malamig na sa labas. Hindi ka ba magjajacket? Or kahit shawl man lang." Mababakas ang pag-aalaga sa boses ni Richard.
"Ay. Kuha lang ako." Wika ni Dawn. Binitiwan naman ni Richard ang braso niya at tsaka siya nagtungo sa kanyang kwarto. Habang hinahanap ang kanyang cardigan ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa sweetness na ipinapakita ni Goma sa kanya. Noon pa man kasi ay maalaga na ito sa kanya. Yung tipong pag nagpapaalam siya na aalis siya ay tatanungin muna siya nito kung may dalang payong daw dahil mainit sa balat ang araw at baka daw siya abutan ng ulan. Ilan lang naman iyon sa mga kasweetan ni Richard na madalas niyang maalala sa tuwing aalis siya.
Nang makita niya ang cardigan niya ay nagtungo na siya palabas. Naroon pa rin si Goma sa may pinto at nagcecellphone pero nang makita siya nito ay agad siya nitong nginitian at tsaka ibinulsa ang kanyang cellphone.
Nang makarating sila sa kubo ay halos naroon na ang lahat. Katulad ng kagabi ay may mahabang lamesa na nasa kabilang gilid kung saan naroroon ag hahapunanin nila. Nakabuffet kasi sila.
"Anong gusto mong kainin ikukuha na kita?" Tiningala niya si Richard na nakatungo naman sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot. Tumingin siya sa buffet table at tsaka napakagat sa labi. Para kasing ansarap lahat! Nasa isip niya.
Nang masabi niya ang gusto niyang kainin ay pinapunta na siya ni Richard sa lamesa para umupo.
"Hindi kapa ba kakain?" Tanong sa kanya ni Vivs ng makaupo siya. Nasa tabi ito ni Sophia na pinaggigitnaan naman nila.
"Ikukuha na lang daw ako ni Goma eh." Sagot niya sa kaibigan.
"Naks! Boyfriend duties lang ang peg ni Goma ah!" Tukso ni Ms. Sharmaine na tatayong ina ni Dawn sa pelikula ng matanaw si Richard na dala-dala ang dalawang plato sa magkabilang kamay.
Napalingon naman ang iba pang nasa lamesa kay Richard at tsaka sila inulan na naman ng tukso.
Napailing na lang si Dawn. Napatawa na lang si Richard habang ibinababa ang mga plato nila sa lamesa.
"Hello po." Napatingin si Dawn sa kanyang likuran ng makarinig siya ng maliit na boses na nagmumula sa may likod niya. Nang humarap siya ay nakita niya ang isang batang babae na nakaheadband na kulay pink at nakasuot na ng kulay pink rin na pajama.
Napansin niyang kumaway ito kay Goma kaya tiningnan rin niya ang huli.
"Xia, this is your tita Dawn. Dawn, Xia." Lumapit sa kanya si Goma at tsaka ito bumulong sa kanya. "I told her that you are good in british accent." Natatawang bulong sa kanya ni Goma. Napasinghap naman siya at tsaka marahang hinampas si Richard sa kaliwang braso nito.
BINABASA MO ANG
CharDawn: Ormoc
RomancePurposely holding your feelings back because you know it's for ths best. Camilaaaj