Chapter 2

307 16 0
                                    

Napublished ko na to 4days ago pero wala palang lumabas sa inyo? Ini-unpublish ko 'to tapos publish ulit. 😂😂😂

Dedicated to all my new followers 💜💜💜 thanks Pengs! 5+ ata ang nadagdag sa mga followers ko.💜 This chapter is for you Pengs🐧🐧🐧


No proofreading!
Enjoy reading😘

Makalipas nga lamang ang ilang araw ay may dumating na mensahe sa e-mail ni Dawn mula sa Star Production. Nakasaad doon na napili ngang karakter si Dawn sa isang proyekto na dinedirek ni Direk Nuel. Iniimbitahan rin siyang umattend sa isang meeting kung saan imbitado rin ang kanyang leading man na si Goma at ang ilan pang mga karakter.

Nang mabasa iyon ni Dawn ay agad niyang tinawagan ang kanyang manager na si Precy.

"Mars! Did you received the message from Star Production?" Agad niyang tanong sa kaibigan.

"Wala man lang 'hello'?" Reply naman sa kanya ni Precy.

"Vivs! Ano nga?" Medyo inis ang boses niya. Tinatanong naman kasi ng maayos tapos ayaw sasagutin ng ayos din. Nakakairita ang ganoin diba?

"Ganun ka ka-excited?" Natatawa pang biro ni Precy kay Dawn. Tuwang-tuwa siyang inisin ang kaibigan dahil madalas uminit ang ulo nito sa mga banat niya dito.

"Urggh. Ewan ko sa'yo Vivs." At tsaka niya pinatay ang kanyang cellphone.

Nakasimangot si Dawn ng makitang tumatawag naman sa kanya si Vivs. Sa kabilang banda naman ay tumatawa naman si Vivs habang hinihintay na sagutin ni Dawn ang kanyang tawag. Ilang sandali nga lamang ay sinagot na rin ni Dawn ang tawag niya.

"What?" She said irritated.

"Meron ka siguro ngayon." Natatawang simula ni Vivs. "Oo na, kababasa ko nga lang noong tumawag ka. Nagtext nga sa akin si Direk Nuel na bukas na daw ang meeting." Pagbibigay imporma ni Vivs.

"B-bukas? Bukas na agad?" Gulat na sagot ni Dawn. Paano ba naman ay kababasa nga lang ng mensahe tapos bukas na rin pala agad ang pagkikita nila.

After a year ay magkikita na ulit sila ni Goma. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, kinakabahan, mae-excite. Halo-halong emosiyon ang lumukob sa kanya.

Sino kaya ang unang babati sa kanilang dalawa? Should she greet him first or the other way around? Natigil ang pag-iisip niya ng marinig ang boses ni Vivs sa kabilang linya.

"Hello, Dawn? Are you still there?"

"Ahm, yeah."

"So, daanan na lang kita diyan tomorrow morning?"

"Tomorrow morning? Ano bang oras ng meeting?" Napaka aga naman ata ng meeting.

"Eleven thirty. Lunch meeting yun, pero pupunta na ako diyan ng umaga para makapag ayos pa tayo." Magiliw na sagot sa kanya ng kaibigan.

"Vivas ha. Lunch meeting lang yun, bakit kailangang mag ayos pa ng bongga?" Sita niya sa kaibigan.

"Ano ka ba? Andoon din kaya ang mga co-cast mo." Excited na saad ni Vivs.

Naiimagine na niya ang itsura ng kaibigan sa kabilang linya. Matanda lang kasi ng limang taon sa kanya si Vivs at wala pa itong asawa, pero may hint siya na nagkakagusto ito sa isang makakasama nila sa proyekto. Si Mr. Phoenix McLinton. Halos kaedarin din ito ni Vivs, may anak na ito at hiwalay na sa asawa na dating isang sikat na singer.

Nang makapag paalam sa kaibigan ay nakita na lang niya ang sariling nasa kanyang walk-in closet para pumili ng isusuot bukas. Hindi man niya aminin sa sarili ay kagaya rin siya ni Precy na naeexcite para bukas.

Halos maisipan na ni Dawn na magshopping ng wala siyang magustuhan sa mga damit niya. Gusto niya sanang itext si Goma kung anong isusuot nito bukas kaya ng nakagawian nila tuwing may guestings sila o pupuntahan na magkasama. Magtetext sila sa isa't-isa kung anong kulay ang isusuot nila para magkaterno silang dalawa. Napakagat-labi siya. Simula ata ng malaman niya ang tungkol dito sa project na ito ay madalas na niyang isipin si Goma. Walang oras yata itong hindi sumagi sa isip niya.

Nang mapatingin siya sa dress na nakahanger sa may bandang dulo ay kinuha niya iyon. Kulay light blue iyon na off-shoulder na hanggang tuhod lang niya. Hindi pa niya iyon naiisuot kaya iyon ang kinuha niya at napagpasyahang suotin para bukas.

Nang magtutungo na siya para kumuha ng sandals ay napatigil siya.

Alas tres pa lang ng hapon pero bakit ba siya naghahanda na agad ng isusuot?

Sa isipang iyon ay nagtungo na siya palabas. Mamayang gabi o bukas na lang ng umaga siya maghahanap ng ipapartner sa napili niyang dress.

She's excited!

Pero iwinaglit muna niya iyon sa kanyang isipan at tsaka nagtungo sa kusina para magbake ng cookies.

Luhh. Sorry kung maikli lang. Naexcite lang ako mag-update kasi nadagdagan ang mga followers ko.😊😂

Excited na si Mama Peng na mameet ulit si Papa Peng though ayaw niyang aminin pero parang inamin na niya kanina a? Yay! Basta excited na si mama. Kayo ba? Hahaha

Abangan😉

Much love❤
Camilaaaj

CharDawn: OrmocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon