Dito ko na lang isheshare kasi ang haba masyado kung sa fb .Napanaginipan ko kasi Ayisha. First time!
Kasama kasi ni Mama si Ayisha at Jacobo, tapos nakita daw ako ni Ayisha. Nagpaalam siya kay Mama Dawn na magpapabraid daw siya sakin.
"Ate Camille!" Tawag sa akin ni Ayisha tapos nagpunta kami sa may upuan at tsaka ko siya sinuklayan. Mayamaya, nakita ko yung hikaw ni Ayisha hindi niya iyon suot. Kulay gold! Nung tinanong ko sabi ni Ayisha galing daw kay Mama Dawn yun kaya naman pinicture-an ko. Tapos bigla na lang naiba yung lugar, nasa loob na daw kami ng building ni Ayisha. (Naka experience na rin ba kayo sa panaginip, yung tipong nasa school ang setting tapos pagpasok mo ng banyo, banyo ng bahay niyo ang lalabas. Haha Weird! 😂)
May nagwawala daw na monsters sa labas ng building tapos may hinahanap daw yun. Nung mapatingin samin ni Ayisha ang monster, nagising na ako noon.
Time check 2:19 am
January 21, 2017Noong nakatulog ulit ako, nanaginip ulit ako. Tungkol naman sa CharDawn.
Nasa isang game show daw ang CharDawn. Nakatayo si mama tapos may parang dalawang kamay na ipupulupot si papa sa kanya at tsaka siya paiikutin. Yung parang kamay inilagay ni papa sa may bewang papuntang palilkat, tapos ganun din yung isa. Pagkaikot niya kay mama, yung kamay naman ni mama ang ipinaikot niya papunta sa likod ng ulo, biglang natawa si mama tsaka sabi niya "para tayong baliw". Tapos, nung magtawanan silang dalawa, iniyakap ni papa ang mga braso niya sa bewang ni mama eh si papa ay nasa likod. Backhug silang dalawa!!! Nung nagpalakpakan ag mga tao, nagising na ako. Ang ingay kasi. Hmp😒
Grabe, ang weird din minsan ng panaginip ano? Haha naexperience niyo rin ba minsan? 😂😂😂
Salamat sa mga nag aksaya ng oras sa pagbabasa nito. 😘😘
Much love♥
Camilaaaj
BINABASA MO ANG
CharDawn: Ormoc
RomancePurposely holding your feelings back because you know it's for ths best. Camilaaaj