Chapter 3

301 17 4
                                    

Dedicated to ksheriemarreyy for she is the first one who voted this story. Thanks! 😉

Enjoy reading!

"Bakit parang ikaw naman yata ang mas excited sa ating dalawa diyan?" Sita ni Precy sa kaibigan ng nasa sasakyan na sila.

"Ano bang sinasabi mo?" Kunot-noong tanong ni Dawn.

"Eh bakit ka may pabalikat diyan? At tsaka, ngayon ko lang nakita yang damit mo na yan ah. 'Wag mong sabihing nagshopping kapa kahapon?" Isinuot niya kasi yung light blue na off-shoulder na dress na nakita niya kahapon, tinernohan lang niya iyon nang white na sapatos. Pinakulot lang niya ang dulo ng kanyang buhok at light make-up naman sa mukha.

"Excited lang akong mabasa yung script." Pagdadahilan niya.

"Yun nga lang ba?" Pangtutukso pa ni Vivs sa kaibigan.

"Ewan ko sa'yo." Inilabas na lang niya ang cellphone at tsaka kunwari'y may tinitingnan doon.

Nang makarating sila sa Abc-def ay agad na rin silang nagtungo sa Conference room 102 kung saan gaganapin ang meeting.

"Nagtext si Sophia , andito na daw sila." Bulong ni Vivs sa kanya. Nang marinig iyon ay tila bigla yatang bumilis ang tibok ng puso niya. Kung narito na si Sophia, malamang ay narito na rin si Richard. Siguro ay kagabi pa bumiyahe si Richard paMaynila para makaabot sa meeting.

Napatingin siya sa salamin na kanilang nadaanan. Tiningnan niya kung maayos pa ba ang kanyang buhok at make-up, baka kasi nagulo na iyon sa biyahe nila.

"Don't worry, ayos pa ang buhok mo pati make-up. Maganda ka pa rin." Nakangiting saad sa kanya ni Vivs. Napansin kasi ng kaibigan ang pagsipat niya sa salamin.

"Are you sure?" Alangan na tanong ni Dawn habang inaayos pa rin ang buhok.

"Yan ba ang hindi excited?" Natatawang sita ni Vivs kay Dawn. Inirapan lang naman siya ng huli.

Tatawa-tawa naman si Vivs habang papasok sa conference room samantalang si Dawn ay tipid lang na ngumingiti.

Nang magbukas ang pinto ay sumalubong agad sa kanila ang nakangiting si Direk Nuel.

"Hi Vivs." Salubong nito kay Vivs na nauna sa kanya ng konti. Nang magbaling naman ng tingin sa kanya si Direk Nuel ay agad naman siya nitkng nilapitan.

"Hi there, beautiful Dawn." Nang makipag beso ito sa kanya ay mahigpit siya nitong niyakap.

"Hi Direk. It's been a long time. How are you Direk?" Nakangiting tanong ni Dawn.

"Oo nga e. I'm fine. Ikaw? Lalo kang gumaganda ha. Hiyang ka sa bakasiyon." Nagtanungan pa sila habang hinihila ni Direk Nuel si Dawn papunta sa mahabang lamesa kung saan naroon ang iba pang casts at managers. Palihim niyang iginala ang paningin niya. Nakita na niya si Sophia na kausap na ngayon so Vivs at ang iba pang manager ngunit hindi pa noya nakikita ang taong dahilan ng pagsusuot niya ng off-shoulder. Akala ba niya ay narito na ito. Nandito na kasi ang manager nitong si Sophia pero ito ay wala pa doon.

Nag umpisa na sila ngunit hindi pa rin dumadating si Richard. Nagserve na rin nang pagkain para sa lunch nila pero wala pa rin ito. Gusto niya sanang itext ito kaya lamang ay pinangungunahan siya ng hiya.

"Gusto ko sanang si Dawn at si Richard ang maging bida nitong storya kung mamarapatin." Napatigil siya sa pagtingin sa kanyang cellphone ng marinig iyon kay Direk Nuel.

"A-asan ba si Richard, Direk?" Lakas loob niyang tanong. Agad naman siyang naging tampulan ng tukso doon. Narinig niya ang pagsigaw ng "ayiiieeeh" ng mga kasamahan nila. Napakagat labi naman siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Nangunguna-nguna sa pantutukso sa kanya si Melissa Ricks na nakatarbaho na rin niya sa Walang Hanggan.

Dapat talaga, hindi ko na lang tinanong kung nasaan si Richard. Dapat hinayaan ko na lang na iba ang magtanong.

Pagkausap niya sa sarili.

"Hinihintay ko lang na tanungin mo iyan eh. " Nakangising sabi ni Direk Nuel. Nasundan na naman iyon ng mga tuksuhan.

"Si Ms. Dawn, miss na ang kanyang leading man. Yieeehh." Natatawang sabi ni Melissa. Natawa na rin ang iba maging siya dahil sa para itong inaasnang bulate sa upo. Naramdaman niya ang pagsiko ni Vivs sa may kanan niya. Tiningnan siya nito ng makahulugan pero hindi na niya ito pinansin.

"Kaya bakante iyang kaliwang part mo, diyan dapat si Goma kaya lang hindi siya makakarating dahil may local meeting rin siya doon sa Ormoc. Hindi ba nagtetext o tumatawag sa iyo?" Mapang asar na tanong sa kanya nj Direk Nuel. Nasundan na naman iyon ng pangangantiyaw ng iba.

"Direk talaga." Naiiling pero natatawa na lang niyang reaksiyon.

"Yun, nadiscuss ko na ito kay Goma kagabi thru skype and he agreed. Ipapadala ko na lang sa kanya ang script. Dawn, natatandaan mo pa ba yung interview niyo na pagnanalo si Richard bilang mayor, dadalhin ka daw niya sa Ormoc at doon kayo gagawa ng teleserye?" Nakangiting tanong ni Direk Nuel. Namula naman siya ng maalala ang pangyayaring iyon. Sa harap ba naman ng mga reporter iyon iannounce ni Goma na pinagtuksuhan din sila.

"Anong connect nun dito Direk?" Kunot nokng tanong niya. Ngumiti ito sa kanya.

"Balak ko sanang totohanin yung sinabi ni Richard. Na sa Ormoc na lang tayo magtetaping since hindi pwedeng malayo ng matagal si Richard sa Ormoc tayo na lang ang lalapit kay Goma. Ganoon siya kaimportante sa project na ito. Balak ko sana, teleserye katulad ng sinabi niya sa interview kaya lang masyadong mahaba. Kaya movie na lang ang gagawin natin, Ormoc din ang title. " Natatawang pagkukwento ni Direk, naalala malamang ang sinabi noon ni Richard sa interview.

"Tamang-tama nga itong movie natin kasi, sabi ni Goma, october daw ang anniversary ng Ormoc so, ang target date ng showing natin ay October. At tsaka magi-stay tayo ng ilang buwan sa Ormoc kasi ifi-feature natin sa movie yung magagandang lugar doon, maging ang kulutura nila. Basahin niyo yung script, si Richard pinatapon ng magulang sa liblib na lugar ng Ormoc para matuto sa buhay, parang parusa na yun ng magulang niya kasi babaero siya diyan, walang pakialam kung marami ng nagagastos na pera, typical rich man. Tapos si Dawn, probinsiyana girl, masungit, mataray.  Kung may suggestions kayo, you all are free to suggest." Tila nalula yata siya sa haba ng sinabi ni Direk Nuel. Pero ang tumatak lamang sa kaniya ay kailangan nilang mag stay sa Ormoc ng ilang buwan.

Nagdiscuss pa si Direk Nuel nang maraming bagay pero ang isip ni Dawn ay wether tatanggapin ang project o ano. Nabasa niya kasi ang script at maganda ang storya noon. Siguro ay magpapa alam na lang muna siya kay Andrew.

Matapos ng lunch meeting ay nagpahuling lumabas si Dawn at si Vivs. Kinausap niya si Direk tungkol sa pagi-stay nila sa Ormoc at sa project.

"Okay lang naman Dawn. Basta, itext mo na lang ako kung anong magiging resulta ng pag-uusap niyo ni Andrew ha. First day of march pa naman tayo magsisimula ng taping, sana ikaw na nga ang maging leading lady ni Goma dahil talaga namang ikaw ang first choice ko dito. Hindi na nga ako nag-isip nang ipapalit sayo kung hindi mo man tanggapin ito dahil para sa iyo talaga itong project." Wika ni Direk habang palabas na sila ng conference room.

"Direk naman nangongonsensiya pa." Nakangiting saad ni Dawn. Paano ba naman siya hihindi sa movie na ito kung sa kanya na pala talaga inilaan ang movie. Ang sabi nga nito, wala man lang itong nireserve kung umayaw siya. Gusto talaga niya ang movie kaya lamang ay tatanungin niya muna ang asawa niya bago gumawa ng desisyon.

Yay! Hopia ba? Haha busy kasi si Mayor. 😂✌✌

Btw, ang cityhood  po ng Ormoc ay sa June 21, pa  ginawa ko lang pong October dito para mas matagal ang taping. 😉😉😉

Much love
Camilaaaj

CharDawn: OrmocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon