Dedicated to tcf15peypot ♡Enjoy Reading!!
Maaga pa lamang ay gising na agad ang mga staff. Busy ang mga ito sa pag-aayos sa kubo kung saan sila mag-aagahan. Nang mapatingin si Dawn sa may bandang kanan naman ay nakita niya sina Melissa at ang magiging kapartner nito sa movie na si Jake Castillo. Dating magkarelasyon ngunit magkaibigan na rin daw ngayon. Kasama ng mga ito si Neggi at siguro'y yung dalawang babae ay ang make-up artist ni Melissa.
Naligo muna si Dawn at tsaka nagbihis ng isang kulay beige na dress. Tinernohan lang niya iyon ng flat sandals na kulay brown and white. Pinacurl lang niya ang dulo ng kanyang buhok at tsaka siya nagpalagay ng manipis lang na make-up. Nang matapos ay hinayan na niya ang kanyang team na lumabas. Nasa labas na rin si Vivs kanina dahil tutulong din daw ito sa paghahanda ng pagkain. Tinext na muna niya ang asawa bago siya lumabas.
"Ms. Dawn, kain na daw po tayo." Tawag sa kanya ng isa sa mga staff. Nginitian niya ito at tsaka nagsabi ng 'salamat'.
Nang lumapit siya sa may lamesa ay agad naman ang mga itong nagsibatian sa kanya na binati naman niya pabalik. Tumabi siya kay Precy at sa kanan naman niya ay si Bryan Veneracion.
"Good morning." Nakangiting bati sa kanya ni Bryan. Tiningnan niya ito at tsaka sinuklian ang ngiti nito.
"Good morning. Gwapo natin ha." Natawa naman si Bryan sa kanyang sinabi.
"Ikaw din, maganda ka." She chuckled on ehat he said.
"Akala ko sasabihin mong gwapo rin ako e." Nagtawanan silang dalawa sa sinabi ni Dawn. Napalingon naman sila ng biglang may tumikhim. Napatingin sila at si Direk Nuel iyon, nang tingnan niya ang iba ay nakangiti at nakatingin ang mga ito sa kanila ni Bryan.
"Bakit?" Nakangiti niyang tanong sa mga ito.
"Bagay kayo ni Sir Bryan." Sagot ni Neggi at tsaka lalong nangngitian ang iba. Nagkatinginan na lang sila ni Bryan at nagsimula na rin silang kumain.
Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay nagsalita si Direk.
"Nakausap mamin ni Fidel ang script writer natin si Goma, ang suggestion ni Goma, si Bryan na lang daw yung from Manila kasi maputi tapos siya na lang daw ang kaibigan, pero siya pa rin daw ang makakatuluyan dito ni Dawn ha." Natatawang wika ni Direk. "Pinanlalakihan ako ng mata ni Goma nung sinabi niya ito kahapon e, parang tinatakot ako." Nagtawanan naman sila sa sinabing iyon ni Direk. Sa narinig ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Goma, talaga! Nasa isip na lang niya.
Napakislot naman siya ng maramdaman ang kurot ni Precy sa kanyang gilid.
"Vivs!" Saway niya sa kaibigan.
"Kilig ka na naman diyan." Hindi iyon patanong. Agad naman niya itong inirapan.
"Hindi kaya." At tsaka siya nagpatuloy sa pagkain.
"Intayin na lang natin ang pagdating ni Goma at tsaka ni Baby Xia. Sa ngayon, maglilibot muna tayo dito para naman mafamiliarize kayo sa lugar. Tsaka may mga naiwan pang gamit sa Manila, ipinadadala pa namin dito. Bukas na ang simula ng taping natin ha." Agad naman silang nagtanguan sa sinabi ni Direk. Nang matapos silang kumain ay nagpunta na ulit sila sa mga cottages na tinutuluyan nila.
Samantalang habang nagseset-up na ng mga gamit ang staff ay may dalawang magkasunod na sasakyan naman ang dumating. Naunang bumaba sa SUV ay ang isang batang babae na akay-akay ng kanyang ina... si Xia.
"Hi po." Masayang bati nito sa mga staff na binati rin naman siya pabalik. Bigla namang lumabas si Direk at tsaka niya sinalubong sina Xia.
"Hi Xia." Niyakap ito ni Direk. Pati na rin ang kanyang ina.
"Hello po Direk." Nakangiti pa rin si Xia. Halata ang excitement sa mga mata nito. Nang dumating sina Melissa at Neggi ay masaya ring nakipag-usap ang dalawa kay Xia, samantalang iginaya naman ng isang staff ang ina ni Xia sa isang cottage kung saan sila tutuloy.
Nagkukwentuhan sina Melissa, Direk, Neggi, Xia sa may upuang pabilog sa ilalim ng puno ng mangga nang may dumating namang kotse. Napatayo sila doon ng lumabas mula sa kotse si Richard na naka Brown na long sleeves na itinupi hanggang siko, nakatuck-in ito sa pantalon, naka brown leather belt at tsaka itim namang leather shoes.
Agad naman itong lumapit sa kanila at isa isa silang bineso. Binati nila ito isa-isa.
"Kuya Gomz!" Yakap dito ni Melissa.
"Parang kahapon lang tayo nagkita, ah. Namiss mo agad ang kagwapuhan ko." Nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Goma.
"Bakit nalate ka ata?" Usisa ni Direk.
"May pinermahan pa ako Direk sa munisipyo e." Nagpalinga-linga si Richard na parang may hinahanap.
"Si Dawn?" Napalingon naman agad siya kay Melissa nang marinig niya itong sumigaw habang natatawa. Napakunot ang noo niya. Nakangiti rin sina Neggi at Direk, si Xia naman ay nakatingin lang sa kanila.
"Sorry, kuya Gomz. Kinikilig lang." Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Melissa. Napailing na lang si Richard.
"Parang kahapon lang kayo nagkita ah. Namiss mo na agad si Ms. Dawn?" Lumakas naman ang tawa nina Melissa at Direk Nuel sa sinabing iyon ni Neggi. Napangiti na lang siya sa kalokohan ng mga ito.
"Parang line 'yan ni Goma kanina?" Udyok pa ni Direk.
"Masama bang hanapin ang leading lady?" Nakataas niyang kilay. Hindi siya sinagot nang mga ito bagkus ay tinawanan lang siya. Nang mapatingin si Richard kay Xia ay nginitian siya ng bata.
"Hello po." All smile pa ring bati nito habang kumakaway. Yumuko naman si Goma para magpantay sila ng bata. Nginitian niya ito.
"Hi, what's your name?"
"I'm Xia Vigor po. Ikaw po, what's your name?" British accent nitong tanong sa kanya. Nagpakilala naman siya dito. At binati niya ang accent nito.
"I like your accent. I knew someone who is also good in british accent."
"Really? What is her or his name, then?" Interesadong tanong ni Xia.
"Si Dawn." Natatawa niyang sagot. Tinawanan rin siya nina Melissa. Nagbibritish accent din naman si Dawn, kaya lang ay pagnagbibiruan lang sila. Naiisip pa lang niya ang reaksiyon ni Dawn pag ikinuwento niya dito ang sinabi niya kay Xia ay natatawa na agad siya.
"Oh. The one you are looking for?" Inosente nitong tanong. Humagalpak na naman ng tawa ang mga kasama nila doon. Tinignan niya ang mga ito at napailing na lang siya.
"Ahm, yeah. Hindi ko naman siya hinahanap, tinatanong ko lang siya kasi hindi ko sya nakitang kasama niyo." Paliwanag niya sa bata.
"Eh, same lang naman po yun eh." Kunot noong sagot sa kanya ni Xia. Napakamot na lang siya sa ulo at tsaka natawa. Wew!
Comment na lang po kayo kung gusto niyong magpadedication.♡
Much love♥
Camilaaaj
BINABASA MO ANG
CharDawn: Ormoc
RomancePurposely holding your feelings back because you know it's for ths best. Camilaaaj