Chapter 1

59 3 0
                                    

Chapter 1

I'm in the middle of this eerie street right now. Gabi na. Madilim at ang tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw. May narinig akong kaluskos na nanggagaling sa likuran ko.

Noong una, hindi ko ito pinapansin dahil baka guniguni ko lamang iyon, pero habang tumatagal, lalong lumalapit ang mga presensya na kanina ko pa nararamdaman.

I let out a deep sigh.

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa likuran ko. Hindi nga ako nagkakamali, someone's following me. Hindi ko nalang ulit ito pinansin, at nagpatuloy sa paglalakad.

Instead of fear or what, I just grinned. They're following the wrong person. They're messing up with the wrong person.

"Move out assholes!" Madiing sabi ko. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga yapak galing sa likod ko. I smirk.

"Hi Miss Beautiful." One of them said, while grinning at me.

There are three of them. They look like a goons. Mukhang nakatikim din sila nang pinagbabawal na gamot. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang silang tatlo ay titig na titig sa akin. Gradually, they come to me.

"Oy, bata! Ganda mo ah! Mayaman ka 'no?," sabi nang isa sa kanila. I just tsked. "Ibigay mo gamit mo sa amin kung ayaw mong masaktan." He warned. I shrugged my shoulders at tumalikod na sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala silang mapapala sa akin at wala akong mapapala sa kanila.

"Matapang ka ha!" sabi pa nung isa. I rolled my eyes heavenward. Mga stupido! Mukhang gusto nilang maospital.

Natigil ako sa paglalakad when someone grabbed me onto my arm. I huffed. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ako nang mga taong hindi ko naman kilala. Damn!

"Let. Me. Go." Madiin at marahang bigkas ko sa kanila ngunit pinagtawanan lamang nila ako. Bwisit! Sinasayang nila ang oras ko.

"Ilalabas mo ang mga gamit mo o pasasabugin ko itong ulo mo." I tsked in annoyance at marahas kong binawi ang braso ko.

"Akin na 'yang bag mo!" One of them yelled. I groaned. Humikab pa ako para mas lalo silang maasar. And yes, naasar nga sila. Ilang sandali lang, lumapit sa akin ang isa sa kanila at itunutok sa akin ang baril na hawak niya. Baril? Tsk.

"Mahirap kang kausap ha!? Akin na ang bag mo, kung gusto mo pang mabuhay." They warned again. Natawa naman ako ng pagak.

Seriously? Paulit-ulit?

Mabilis kong naramdaman na parang kakabigin na niya ang gantilyo ng baril niya kaya't mabilis pa sa kisap mata na gumawa ako ng paraan para makawala sa bingit ng kamatayan.

Sa isang iglap, mukhang natigilan silang lahat at napatulala dahil hawak hawak ko na ang baril na kanina lamang ay nakatutok sa akin.

Ngumisi ako. "Ay? Bakit nasa akin na ito?," pang aasar ko sa kanila. Tumingin ako sa lalaking nantutok sa akin ng baril kanina. "Gusto mong i-try ko sayo?" I teased. Naramdaman ko na nabato siya sa kinatatayuan niya.

Nanginginig na itinutok ng isa sa kanila sa akin yung baril. Tsk. He's going to pull the trigger pero naunahan ko na siya. Agad kong sinipa ang baril sa kamay niya kaya tumalbog pataas ang baril niya. Tinantya ko kung saan mahuhulog ang baril at agad ko itong sinalo gamit ang isang kamay ko. Napangiti na lang ako.

Nagitla na lang ako nung bigla na lang akong may naramdaman na matulis na bagay sa leeg ko.

Woah! Great move and note the sarcasm please.

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon