Chapter 3

49 3 0
                                    

Chapter 3

Naalimpungutan ako sa aking pagtulog ng may sinag ng araw na sumasalag sa aking mukha kaya marahan kong iminulat ang aking mga mata at nag-unat, sumulyap ako sa orasan at alas-syete na pala ng umaga, 'di bale alas nuwebe ang oras ng aking klase.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para isagawa ang aking pang-umagahang ritwal.

Monday na naman. At tulad ng iba pang mga Lunes na nagdaan sa mga nakalipas na mga linggo, wala itong pinagkaiba. Muli na naman akong maghahanda para sa buong linggong pakikipagsapalaran sa piling ng mahigit libo-libong estudyante sa Holt University.

Sinuot ko ang uniform ko... yeah? Right! Their uniform. Isang kulay gray na A-line skirt na above the knee ang length, white long sleeve with a gray necktie and of course a gray blazer or coat na may logo ng school. Gray is perfection!

I'm now here infront of my school, little bit tired dahil naglakad lang ako from our dorm to here. Medyo malapit lang naman but still napagod ako. Inayos ko ang mahaba at straight kong buhok bago pumasok sa malaking gate ng unibersidad. As I expected, pinagtitinginan ulit nila ako.

Like ugh!

Two weeks na akong pumapasok dito yet ganyan parin sila kung makatingin.

Ang akward, real talk.

Parang tinitingnan nila ang bawat kilos ko at kung magkamali lamang ata ako ay katapusan ko na. Weird pero parang ganoon na nga. Kasing weird nung kasama ko sa apartment.

Wearing my famous smirk, I walk proudly. Pinatunog ko pa ang four inches black heels ko at dumiretso sa cafeteria.

"Wala pa ba si Noe?"

"Wala pa daw eh."

"O my god! Anong nangyari sa kanya?"

"I heard he's been abducted."

"O my go-"

"Womans, I'm in the middle of eating here so do you mind if you won't be nosy?!"

Nang dumating ako sa cafeteria ay 'yan ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa nakikita kong reaksyon ng mga napagsabihang grupo nang mga kababaihan. They're openmouthed at bahagyang nakatulala. What's with them? Mistulang kinikilig ang mga gaga dahil kinausap sila nang isang Save Foster.

Like duh! Oh, edi siya na ang Campus Heartthrob!

Pero hindi naman 'yon nakapagtataka pa dahil malayo palang kita na ang ebidensya.

Sinulyapan ko si Save, he was reading something while eating alone. If I'm not mistaken he's reading The A.B.C Murderers by Agatha Christie.

O my! Agatha Christie book!

Linibot ko ang buong paningin ko sa buong cafeteria. I let out a deep sigh. Buti nalang wala iyong mga kablock ko na sobrang kulit. Yes, ayon sa transcript namin, we're both third year college ni Save. We're both taking business administration.

Honestly, architecture in real life DAW si Save and have his own firm and mas take note, may family business pa sila. Well, not sure kung ano ang ipinapatakbo nila. But I heard from Head na isang airline. Wow! Rich.

At ako? Ang maganda si Ako naman ay soon-to-be-CEO ng Classic Curves Corporation. Hays. Nag-aaral palang ako kung paano patakbuhin ang kompanya.

'Yon ang dahilan kung bakit ako umalis sa pagta-trabaho kay Head.

I need to settle myself.

My parents runs this big company. Gusto nilang tahakin ko ang daan na tinahak nila. Pinaghirapan 'to nang mga parents ko at hindi ko ito hahayaang pumalpak.

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon