Chapter 7

30 3 1
                                    

Save's POV

"Ba't ka umalis?" Nagtatakang tanong ni Ridge pagpasok ko sa kwarto ko dito sa apartment ni Tita Emme.

"Bakit mo ako sinundan? Gusto kong magpahinga!" Singhal ko sa kanya. Kibit-balikat lang ang sagot niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at agad akong humiga sa kama ko. Ipinatong ko sa noo ko ang likod ng kamay ko bago pumikit. Wala na akong narinig na salita mula pa sa kanya pero rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa niya, naglilibot siya sa kwarto ko. Akala ko tatahimik na siya pero mali ako.

"Bro, iba-balot ko na itong linuto mong special na carbonara, ha?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot. "Ibibigay ko kay Hevn. Sasabihin ko niluto ko para ma-fall siya sa akin." Binuksan ko ang mata ko at tiningnan siya. Kinuha niya ang tinidor na nasa tabi at tinikman ang carbonara na luto ko kanina pero hindi ko nagalaw. Bwisit na bratinela, e! Kesyo male-late na daw kami.

"Huwag nalang pala, bro! Narinig kong busog pala si Hevn kanina kaya kakainin ko na lang ito. Alam mo na, sayang. Huwag dapat mag-aksaya ng pagkain kasi sabi ni mama, maraming nagugutom." Sabi niya habang kumakain. Hindi ba siya tinuruan ni Tita Regine ng manners? "Ang labo ni mama, bro! Marami daw nagugutom kaya kainin ko daw lahat 'yung nandon sa plato ko. Bakit kapag kinain ko ba lahat, mabubusog yung mga nagugutom? Bahala siya." Pagpapatuloy niya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa kanya.

"Did you hear the loud gun shot, a while ago?" Nag-uusisang tanong ko kay Ridge. I stared at the ceiling.

"Yes. May tenga kaya ako!" he answered. I acted na parang a-ambahan ko siya ng suntok. "Eto naman, hindi mabiro. Oo nga! At saka imposibleng hindi marinig ng buong university iyon, 'no! Ang lakas kaya! Feeling ko nga lumabas ang kaluluwa ko sa sobrang gulat tapos iyong kikay naman kanina, ano nga ba ulit ang pangalan noon? Bahala na. Akala ko masisira ang lalamunan niya kanina dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Ikaw? Ano sa tingin mo ang nangyayari?" Sabi ni Ridge habang kumakain parin.

"Masama ang kutob ko sa putok na 'yon." Seryosong sabi ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si Ridge. Pero dahil siya si Ridge, nagkibit-balikat lang siya at bumalik ulit siya sa ginagawa niya kanina.

I heaved a deep sigh. Masama talaga ang kutob ko doon. Nababahala rin ako sa kutsilyo na hindi ko alam kung saan, kanino nanggaling iyon. At kung paanong napunta ang kutsilyo doon, e wala pa naman kanina bago narinig ang mga putok.

Kinapa ko sa bulsa ko ang maliit na papel. Kinuha ko ito at muling binasa ang nakasulat doon. Tumingin ako kay Ridge at napansin ko ang seryosong tingin niya sa akin.

"Ano iyan?" Nguso niya sa bagay na hawak ko. Kita mo 'to, ang tsismoso talaga. Ngumiti ako nang pilit sa kanya at humiga ulit ako sa kama ko.

"Wala 'to. Love letter ng isang nagkakandarapang tao sa akin. Alis ka na nga! Istorbo ka, e. I want a good sleep!" I said and then closed my eyes. Narinig ko pang minura niya ako bago siya naglakad sa pintuan at malakas na sinara ang pinto ko.

Minulat ko ulit ang mata ko at tumitig sa ceiling ng kwarto ko. Ang totoo, iniisip ko ang nakasulat sa papel na iyon. Damn! I'm curious. Kanino nanggaling iyon? Was this some kind of sick joke? I silently smirked. I need to know who's behind this.

You will encounter darkness and desperation soon. I want your demise. You're invited to your own death grave,

Away.

Haaaa! Tama, isang love letter ng isang taong nagkakandarapang patayin ako. Let's see who will dug his own death grave. It's probably not going to be me. There's always a right time to discover things. Hindi ko kailangang magmadali kung gusto kong makakuha ng magandang resulta.

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon