Chapter 2
Ilang oras din ang itinagal bago ako nakaluwas patungong Holt. Dahil sa sobrang bigat ng daloy ng traffic at sobrang bagal ng pag-usad ng mga sasakyan.
Linibot ko ang buong paningin ko sa bayan ng Holt. Ang pinaka sentro ng Holt. Hindi ko alam kung saklaw parin ito ng Maynila. Hindi ko rin alam kung probinsya na ito o kung ano ba.
Ignorante!
Magta-trabaho ka dito nang walang ka-alam alam!?
Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko pero sa huli ay natatawa nalang ako sa pagiging ignorante ko.
Ang unang mapapansin mo sa siyudad na 'to ay walang masyadong gusaling nagpapaunahan sa taas at imbes na gusali ay mga puno ang nagsisitaasan dito.
Berdeng-berde ang mga dahon at kapansin-pansin din ang mga bulaklak na parang krayola ang mga kulay. Napakaaliwalas ng paligid. Damang-dama ko rin ang preskong hangin na tumatangay pa sa mahabang buhok ko at humahampas sa pale skin ko.
Natawa ako sa mga kwinento sa amin ni Head. Mukhang napakalayo sa kwinento niya na may mga nangyayaring krimen na nagaganap dito. Mukhang napaka payapa ng paligid.
But looks can be deceiving. Right?
Huminto ang kotse ko sa tapat ng isang apartment na may anim na palapag. Tinulungan ako ng driver ko na kunin ang mga gamit ko at dinala iyon sa tabi ng kulay asul na gate. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang driver ko at umalis.
Pagkapindot ko sa doorbell, bumukas ang gate at bumungad sa akin ang isang babaeng nasa kwarenta anyos pataas. Nakapusod ang kanyang buhok at may wrinkles sa noo, marahil dulot ng katandaan pero hindi parin maikakaila ang ganda nitong taglay. Siya si Emme Foster-Sebestian, kapatid ni Head. Siya ang may-ari ng apartment na titirhan namin sa susunod na mga buwan.
"Hevn, kanina pa kita hinihintay. Dali! Pumasok ka na." Nakangiting sabi niya sa akin. I gave her a timid smile. Binitbit ko ang maletang dala ko habang tinulungan niya akong buhatin ang isang bag ko. Nauna siyang pumasok at sinundan ko lamang siya habang linilibot parin ang paningin sa buong paligid.
May malawak na bakuran si Tita Emme, kasama na ang garden. May swing rin sa ilalim ng punong golden shower. Napakaganda!
"Kamusta na si Louise, Hevn? Matagal na siyang hindi napaparito at madalang nalang kung siya'y tumawag. Sa pagkakatanda ko, last week pa siya tumawag at hindi na iyon nasundan pa. Iyon 'yung sinabi niyang may misyon kayo rito kasama ang aming pamangkin at dito muna kayo tutuloy hanggang sa matapos niyo ito." Binaling niya ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Damn! Namiss ko tuloy si mommy. "Matagal na rin pala noong ikaw ay umalis sa trabaho. Ano't napapayag ka niya?" mahinhin na tanong ni Tita Emme. Napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Opo. Tama nga po iyon. Siya po'y nasa mabuting kalagayan naman pero syempre, hindi parin matanggal-tanggal ang pagkakaroon niya nang maikling pasensiya at pagiging istrikto." Ngumiti ako sa kanya at binalik ko ulit ang tingin ko sa paligid.
"Wala naman po kasing akong gagawin at saka isa pa po ikinirarangal ko pong magtrabaho sa kanya ulit. Malaki po ang utang na loob ko kay Tito Louise, gagawin ko po ang nais niya. Huli po, namimiss ko na rin po ang trabaho kong ito. Parte na ata ng katawan ko ito." sagot ko at natatawa pa habang iniisip ko si Head na naka kunot ang kanyang noo at nakatingin sa akin ng mariin pero kahit ganoon siya ay mahal ko iyon sapagkat siya na ang tumatayong pangalawa kong ama.
Oo, na-miss ko ang magtrabaho dito. This work is a part of me. Hindi na siguro matatanggal pa.
Napatawa nalang si Tita Emme sa sagot ko at nagkwento pa siya pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin sapagkat abala ako sa pagmamasid ng paligid ko.
BINABASA MO ANG
Chased Away
General Fiction"Death walks among us." Join Hevn and Save on their journey to Holt. Join them in their journey in facing their trials in life, overcoming the shadows of their pasts, and finally finding love and happiness.