Chapter 4

30 3 0
                                    

The next day, the whole university know about what happened to Noe Faraday. Nakita nila ang kalunos-lunos na itsura ng aming schoolmate. Matapos idinala sa clinic ay binigyan siya ng paunang lunas pero para mas makasigurado ay idinala siya sa ospital. Kinailangan muna niyang manatili sa ospital nang ilang araw para matingnan ng mga doktor ang kalagayan niya. Nalipasan na nga siya ng gutom at na-dehydrate ay dumagdag pa ang mataas na lagnat at ubo niya. I hope he'll be fine soon.

Naglalakad ako papunta sa may cafeteria nang may makabangga ako at sa lahat lahat pa ay isang Ridge Morgan pa. Really? Ano bang kasalanan ko lately at ito ang parusa? Naku! Kailangan ko na sigurong tanungin si Save o si Tita Emme kung nasaan ang pinakamalapit na simbahan dito at mangungumpisal na ako.

"Oh, what a pleasant morning! Hi future girlfriend. Where are you going?" Tiningnan ko lang siya at inirapan sa huli. He chuckled. "Can I come? Oh! Nagtanong pa ako 'no? Kasi whether you like it or not, I'm going with you."

See! Damn!

Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad. Talak naman siya nang talak sa tabi ko. Ni isa sa mga sinasabi niya ay wala pa akong naintindihan. Sinasabayan pa niya ng malakas na tawa niya. Jeez! He look so stupid! At bawat madaanan namin na mga estudyante, napapatingin sa amin. I wonder kung ano ang nakakakuha ng atensyon nila. Sa kaistupidohan ba ni Ridge? Sa nakaka-laglag bayag ba na kagandahan ko o sa nakaka-lagla na obaryo na kagwapuhan ni Ridge?

Fine! Bukod sa maganda ako ay hindi ako marunong magsinungaling. Ridge is a cute guy with chinky eyes. Nakikipagsabayan ang gwapo na nilalang na ito sa pagmumukha ni Save. Ridge is a noisy-type of guy. He's too perky. Bagay na bagay sila ni Mila. Speaking of Mila, mabuti at wala iyon ngayon. Kung sakaling meron siya... Diyos ko! Magsisimba na talaga ako, araw araw pa.

"Bro!" Malakas na sabi niya nang tuluyan na kaming makapasok sa cafeteria. Naagaw niya lahat ng atensyon. "What? Kayo ba ang bro ko? Ha? Kayo ba? Why are you looking me like that na akala niyo ay kayo ang tinawag? As far as I know, Save is my only bro. Shooooo! Mga 'to, akala mo sila tinawag. Kaya kayo nasasaktan eh. Sinasalo niyo kahit hindi para sa inyo." Walang emosyong sabi niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pang-iirap niya sa mga taong nakatingin parin sa kanya. Napailing nalang ako sa ginawa niya. Goodness gracious! Bakit nga ba nakakalimutan kong si Ridge Morgan ang kasama ko?

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na hinihila na niya pala ako papalapit sa table nang 'bro' niya. After the incident, hindi ko na siya nakausap pa. Nagku-krus ang mga landas namin sa apartment pero hindi kami nagpapansinan. Parang hindi siya nag-e-exist sa paningin ko. And I guess the feeling is mutual.

"Wow! Binabasa mo 'yang The A.B.C Murderers, bro?" Tanong niya. Binaba ni Save ang librong binabasa niya at tiningnan niya ng mariin si Ridge.

"Hindi, kinakain ko," seryoso niyang sagot at ibinalik niya ulit ang atensyon niya sa libro.

"Nagta-try ka bang magbiro, Save?" Seryoso ring tanong ni Ridge.

"Hindi. I'm just knocking some common sense into you, Ridge. Mukha kasing nawalan ka na nun. Hindi ko rin inaasahan na dadalhin mo siya rito," wika ni Save na pinatutungkulan ako. Alam kong unwelcome ako. It's just because of Ridge. Maybe he's really losing his mind or I should say he lost it already.

Napairap ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita. Bastos na batang ito. Binaling ko ang tingin ko sa katabi ko at napansin kong ngiting-ngiti siya. Kita pa gilagid. 'Nangyari dito?

"Pabibo, kunan mo ako ng makakain. Bilis! Hindi pa ako kumain eh." Utos ko sa katabi ko. Tumingin sa akin si Save na naka-half open pa ang bibig. Isa pa 'to. Anong ngina-nganga niya diyan? Pasukan ko ng helicopter bibig niya eh.

"Future girlfriend ko naman! Alam kong binubusog kita sa pagmamahal ko sayo pero hindi mo padin dapat ginugutom 'yang tiyan mo. Paano kung magkasakit ka niyan? Paano kung maospital ka? Alam mo bang ang hirap kumita ng pera ngayon? Tumataas na rin ang mga bilihin kaya dapat alagaan mo sarili mo--" Napakamot ako sa ulo dahil sa mga sinasabi niya habang palayo siya sa amin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa mga estudyanteng pumipila para makakuha ng pagkain nila at ang pabibo, nagta-tantrums. Isama mo pa 'yung mga paa niyang pinapadyak-padyak pa niya. Grabe!

Itinuon ko ang pansin ko sa kaharap ko na nakatingin din kay Ridge ngayon habang naka-half open parin ang bibig niya. Infairness, gwapo talaga ang Save. Maldito nga lang. Mismo atang mga acnes ang nahiya sa mukha ni Save. Ang kinis eh!

Ilang segundo pa ang nakalipas nang biglang nagtama ang mga paningin namin. Nagkatitigan kami nang ilang segundo. Damn! His brown eyes. Diyos ko, naloloka ako! Tumawag kaya ako sa Meralco at sabihing kailangan namin ng sparks?

Hindi nagtagal ay nag-iwas na rin siya ng tingin. "Kung tatanungin mo ako tungkol sa nakaraang nangyari, 'yong kay Noe--" Hindi niya natapos ang sinasabi niya.

"Pero bago ang lahat, may kape ka ba? Para masarap ang kwentuhan natin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Sinimangutan niya ako. Tumayo siya at nagdadabog na pumunta sa kabilang table na katabi din namin. Natigilan naman ang mga babaeng nakaupo sa table na iyon pero mas natigilan ako nang umupo siya doon at kinausap ang mga babae. Todo ngiti pa ang ulaga. Kainis! Napakabastos na bata! Kinakausap ko pa eh! Isa pa, gutom na gutom na ako. Ang tagal naman ni Pabibo! Sa Maynila pa ata nag-order. Napa-irap nalang ako sa kawalan. Ano bang nangyayari sa paligid ko?

"Oh!" Nagulat ako sa pagbagsak ng isang bagay sa harapan ko. Tiningnan ko ito and I found out na isa itong cappuccino at may tatak pa kung saan nanggaling. Starbucks. Hindi pa ito nabubuksan. Kabibili lang ata. Sosyal naman.

Tumingin ako kay Save na nakasimangot parin sa akin. Kanina nakangiti lang ito ah! Mukhang galing din sa mga babae itong kape. Ang bastos talaga! I rolled my eyes heavenward but he just smirked.

"Sana lang mahipan ang mata mo para ma-stuck 'yung itim sa taas." He said seriously. Tiningnan ko naman ng mariin ang ulaga. Kung bakit kasi wala akong makitang pwedeng ipang-saksak sa lalamunan nito. Ang tabil ng dila. Ang sama sama talaga ng ugali niya! "Oh, there! May kape na. Can we start now? And please, inumin mo lahat iyan. Dapat walang matira kahit isang patak. Pinaghirapan kong kunin iyan." At nginisian niya na naman ako. Pinaghirapan his ass!

"Hindi ko alam kung konektado ba sa mga pangyayari sa labas ng Holt University 'yung nangyari kay Noe. Pero ang kailangan natin ngayon ay makahanap ng pagkakataon para maka-usap si Noe at kumuha ng mga impormasyon." He calmly said. Tumango-tango naman ako. Tumingin siya sa ibang direksyon at kumunot ang noo niya.

"Yesterday, pumunta ako sa police station. I asked kung lately ba ay maraming nagaganap na krimen dito pero kumunot ang noo nila sa tanong ko," seryosong sabi niya. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Ano bang pino-point out niya?

"Hijo, ang tagal ko na rito pero kung lately ba kamo? Nagbibiro ka ba? As far as I know, Holt is a peaceful place eh. Hindi uso ang mga krimen dito. Mga reklamo lang ang meron at hindi naman iyon mga very serious na crime." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Iyan ang exactly na sinabi nila sa akin. Damn! Dahil sa hindi ako naniniwala sa sinasabi nila, guess what? That night, pinasok ko ang Police Station and tiningnan ang records nila. And what a surprise, they are telling the truth! Walang mga patayan o ano pang seryosong krimen, wala ring illegal businesses dito." Mariin na sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin ngayon?" Tanong ko. Kinurap-kurap niya ang mga mata niya at tiningnan niya ako na para bang nagtatanong kung nababaliw na ba ako. What's that kind of look?

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon