"Pangit na nga, bobo pa. And as expected, wala talaga akong maasahan sa'yo." Sabi niya at umiling-iling pa. Napatigil naman ako sa pag-inom sa kape ko at tumingin sa kanya ng mariin. Baka sakaling bawiin niya 'yung sinabi niya.
"My consistent winnings of beauty and brain pageants and my summa cum laude degree are always begs to disagree, Mr. Foster." pangsupalpal ko sa kanya. I also smirked at him. At ayan na naman siya sa tingin niya with half-open ang bibig.
"Bro, inaaway mo ba ang future girlfriend ko? Alam nating pareho na magkaibigan na tayo simula noong mga bata pa. Magkasundo nga tayo sa lahat ng bagay eh. Sabay nga din tayo minsan. Sabay maligo, kumain and so on. Sabay pa nga tayong nagpatuli diba? Iyak ka nga noon ng iyak kahit wala pa silang nauumpisahan. Naaalala ko rin na mahilig ka sa Pucc-- bro! Saan ka pupunta? Hoy!" Napakamot sa ulo si Ridge nang umalis si Save na nakasimangot at nagdadabog-dabog pa. Napaka-isip bata.
"Future girlfriend ko, galit ba si bro? Hate na ba ako ni bro?" Inosenteng tanong sa akin ni Ridge. Napailing naman ako at ngumiti sa kanya.
"Galit and hate are such a big words, Morgan. Maaaring naiinis o naaasar lang siya pero hindi siya galit neither hate you." Sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya at nagkamot ulit ng ulo.
"Future girlfriend ko, saan siya naiinis o naaasar sa akin? Sa sinabi ko bang sabay kaming maligo o sa sinabi kong hilig niya ang Pucca? At saka, hindi ko naman sinabi na nakita ko na putotoy niya ah. At saka maliit pa iyon noon. Syempre ang laki na ni bro edi malaki na rin si putotoy niya. Labo naman niya." Inosenteng sabi niya at hindi niya ata alam na ang kausap at kaharap niya ngayon ay babae. Napakamot ako sa ulo at napailing nalang. Aatakihin ata ako sa puso sa mga sinasabi niya.
Ano bang klaseng magkaibigan ang dalawang 'to? Kung hindi lang patay na patay sa akin si Morgan, naks! Yabang! Pero seryoso, kung hindi lang ganito ang trato ni Morgan sa akin, iisipin kong may namamagitan sa kanila. Bahala na sila kung sinong tatayong babae, may dodo naman sila pareho. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa akin at kailangan niya daw i-bati ang 'bro' niya. Mga isip bata!
Nawalan na rin ako ng gana dahil sa mga pinagsasabi ni Ridge kaya tumayo na ako para isauli ang tray sa counter.
"Miss, nasaan ang Dean's Office dito?" Tanong nang isang babae na nakayuko sa harap ko. Tumingin ako sa paligid ko at nanigurado kung ako ba ang kausap ne'to. At ako nga. Kailangan mo munang manigurado syempre, baka mamaya masupalpal, edi sayang beauty. Hays.
"Ito," at binigay ko sa kanya ang tray na hawak ko. Kinuha niya naman ito. Hindi nagtagal ay inangat niya ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo niya. Mukhang naguguluhan. "Aba! Malay ko! Mukha ba akong mapa ni Dora? Kunin mo iyang tray at isauli mo sa counter, doon ka magtanong." Seryosong sabi ko at iniwan siyang naka-nganga sa harap ko. Napa-nganga ba siya dahil sa beauty ko o sa sinabi ko? I think it's even.
Pagkatapos kong umalis sa cafeteria ay naglakad ako papunta sa rooftop ng building namin, Business Management. Tumaas ang naka-pluck kong kilay nang makita kong may nakahiga sa bench na ninakaw ko pa sa storage room noong isang araw. Wala sa wisyo ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. Ang ulaga. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba kasama niya si pabibo? Hays. Tulog ata. Tulog ba 'to o nagtutulog-tulugan? Nakapatong ang kaliwang kamay niya sa noo niya. Nakita kong nasa dibdib niya ang librong binabasa niya kanina.
Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya para suriin ito. Sa sobrang lapit ay tumatama na ang bawat paghinga niya sa mukha ko. Mabigat ang bawat paghinga niya. Halatang may bigat na dinadala. Napangiti ako dahil sa amo ng mukha niya. Nakakainis! Kung ganito lang din sana siya kung gising. Hindi iyong nakakunot lagi ang noo niya o hindi naman ay iyong nakangisi nga siya pero alam mo naman na may hindi siya gagawin na maganda.
Ang ganda ng features ng mukha ni Save. Ang kapal ng kilay niya tapos masyadong matangos ang ilong niya. Iyong labi niya, pinkish pa. Talo pa niya ako na kailangan mag-lipgloss para maging pinkish ang lips. Plus, ang ganda ng katawan niya. Isama mo na rin iyong eight pack abs niya. Oo, nakita ko na. Ikaw ba naman ang may makasamang laging naka-topless sa loob ng apartment? Akala mo ay walang nalalabhan na pantaas na damit niya.
Napatawa ako ng mahina ng mag-sink-in sa utak ko na naka-uniform si Save. Unang araw palang namin noon sa pagpasok pero kating-kati na siyang magpalit. Hindi niya daw 'style'. Mga alam niya sa buhay, oo. Sa totoo lang, bukod sa maganda kay Save ang uniform namin ay nakaka-intimidate din siya kapag suot niya ito. Nasa aura niya din na may maipagya-yabang siya. Hays. Nasa gano'n akong posisyon nang ma-realize ko ang katangahan na ginagawa ko. Agad akong napalayo sa kanya at gusto kong sampalin ang sarili ko. Ano ba itong mga pinagsasabi ko?
"Anong ginawa mo?" Seryosong boses na tanong niya.
Bago pa ako tuluyang mahimatay ay may dumating na laki kong pasasalamat. Si Mila at si Ridge. Kumunot naman ang noo ko nang muli pang bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng nagtanong sa akin kanina. Anong ginagawa niya dito? Tumingin ako kay Ridge at Mila pero abala sila sa pagtitig sa babaeng bagong dating.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Nakarinig kami ng isang putok ng baril kaya agad kaming naalarma. Tumabi sa akin si Save na nakapamulsa pa. Ba't ang cool niya parin while ang ibang kasama namin ay sobrang nagpa-panic. Mga grabe kung makasigaw. Nagtagpo ang tingin namin.
"Save, anong nangyari?" Seryosong tanong ko. He gestured me too keep quiet. Tumingin ako sa paligid at balak ko sanang hanapin kung saan nagmula ang putok.
"Damn!" He cursed. The next thing I know was bigla nalang akong niyakap ni Save at inihiga sa sahig. Pakiramdam ko, ang sakit ng likod ko sa ginawa niya. Mabuti nalang nakaalalay ang mga kamay niya sa likod ko. Pareho kaming nagulat at napatigil when we heard a loud gun shot again. Damn! What's happening?
"Why?" Nakangiwing tanong ko sa kanya. Matamang tinitigan niya ako at pilit na ngumiti. Ang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa pisngi ko.
"Nasaktan ka ba?" Seryosong tanong niya. Marahan akong napailing. He sighed. Tumayo siya at agad din niya akong inalalayang bumangon.
Nagtaka ako nang seryosong lumingon siya sa bench kung saan siya nakahiga kanina. May kutsilyo na doon. Teka, papaano? Paanong nangyari iyon? Wala pa iyon kanina ah! Sabay kaming lumapit sa bench at agad niyang kinuha ang kutsilyo. Hindi ko napansin na may maliit na papel ang nakatali doon sa kutsilyo, binuklat niya iyon. Seryoso siya habang nakatingin sa papel. Sisilipin ko sana pero iniiwas niya para hindi ko makita.
Agad niyang itinupi ang papel at inilagay sa bulsa niya. Naglakad siya papunta sa table, na ninakaw ko rin kasama ang bench. Kinuha niya ang isang baso ng tubig doon at tinitigan lang. Lumapit ako sa kanya at kinulit siya kung ano iyong papel pero sinusuklian niya lang ako ng isang masamang tingin.
Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
Chased Away
General Fiction"Death walks among us." Join Hevn and Save on their journey to Holt. Join them in their journey in facing their trials in life, overcoming the shadows of their pasts, and finally finding love and happiness.