Chapter 10

37 3 2
                                    


"Ayoko ngang pumasok Save!" I hissed.

"That's your problem, Hevn, not mine. Well, saan ka ba papasok? Diba ako dapat ang papasok?" he grinned.

"Fine! Same goes with your problem with sex, right? It's not my problem anymore, it's yours." I smiled widely.

"It's not actually a problem to me, babe." He smirked. "I will never let my guards down so I guess, mauna kang magmakaawa. Asan na ba iyong pinapakuha ko?"

I groaned. "Look Save, same as me. Tingnan nalang natin kung sino ang unang susuko." Sabi ko sa kanya at padabog na naglakad papunta sa kusina. Nakaka-stress siyang kausap, sa totoo lang. Napaka-manyak niya! Kung ano ang pinagsasabi...

Grabe! Napaka-sarap mag-umpisa ng araw! Note the sarcasm please. Lunes na lunes at buwisit na buwisit na ako. Diyos ko. I guess hanggang mag-weekend, mabubwisit ako.

Kumuha nalang ako ng juice for the two of us. Oo! May lason itong juice ni Save para mawala na siya dito sa mundong ibabaw.

Naglakad ako palapit sa kanya at iniabot sa kanya ang juice na kanina pa niya hinihingi. Bwisit! Tinitigan niya muna ang basong hawak ko. Iniisip niya din atang lalasunin ko siya. Ilang sandali ay kinuha niya rin ito. Arte!

"Ano pang tinayo-tayo mo diyan, Hevn? May pasok. Mag-ayos ka na! Male-late na tayo. Sinasabi ko, iiwan kita." Sabi niya pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama.

"But Save..." I pout.

He sighed and stared at me. "Hindi mo bagay. Mukha kang pato. Alis na!"

I rolled my eyes. Napaka talaga ng lalaking ito. Akala mo walang kapintasan ang katawan. Nakakainis talaga! Ang sarap minsan pasukan iyong bunganga niya ng helicopter. Tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Bahala ka diyan, bwisit ka!

Humiga ako sa kama ko at kinuha ang phone ko. Mabuti nalang may mga na-download akong games, isama mo pa ang social medias ko. Sinaksak ko sa tenga ko ang earphones ko at nag-play ng music, para hindi na ako makarinig pa ng ano mang reklamo mula sa lalaking iyon. Mag-aaksaya ako ng oras dito kaya bahala siya. Pumasok siya kung gusto niya. Hindi iyong ako ang iniistorbo niya.

Pagkalipas ng ilang oras ay binaba ko na cellphone ko. Malapit na din itong ma-low batt. Sumasakit na din ang mata ko. Hays. I wonder kung umalis na si Save. Sana nga.

I need a new environment. Sawang-sawa na akong makita, mahawakan, maamoy na may Save sa paligid ko.

Bumangon ako at chinarge ko ang cellphone ko.  Pagkatapos, pumunta ako sa closet ko at naghanap ng maisusuot. Hindi pwedeng hindi ako maganda. Kinuha ko ang high-waisted paperbag pants at sleeveless crop top ko at saka ko ito isinuot. Isinuot ko na rin Christian Louboutin Louis Junior white shoes ko. Of course, last but not the least, ang floppy hat ko. Perfect!

Slowly, naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam. Mukhang wala na si Save.

I opened my door widely. Halos mapatalon ako sa gulat ng may makita akong Save na prenteng nakaupo sa couch at nanonood. Puca, as expected. Pero mas lalo akong nagulat ng tiningnan niya ako at nginisian. Oh my God! Oh my God! Instead of naka-uniform, naka-get up wear siya. With his camel-coloured trousers, white tee na pinatungan niya ng denim jacket at ASOS white shoes niya.

"What? What are you looking at?" He grinned. Gago! Sarap sapakan nghelicopter iyang bunganga mo!

Tumayo siya at pinatay niya ang TV gamit ang remote. "Let's go?"

"Anong let's go? Saan ka ba pupunta?" Halata sa boses ko ang iritasyon. Ang ulaga, ngumisi na naman sa akin. Nakakainis!

"I'll take you somewhere. Gusto mong gumala diba? Ano? Tara?" He sighed heavily. Tumalikod siya sa akin at nag-umpisa ng maglakad. Ako naman, sumunod nalang sa kanya.

Walang imikan ang naganap hanggang sa makarating kami sa harap ng isang Ford Mustang. Medyo napanga-nga ako sa nakikita ko. Medyo lang naman.

Pumasok siya at umupo sa driver's seat. Sa kanya ito!? Hindi nga!? Ibinaba niya ang bintana sa may passenger's seat at sumenyas siya na pumasok ako. I rolled my eyes bago padabog na pumasok sa loob. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang makina ng kotse.

Maya maya pa ay nakita ko ang hindi kalakihan pero elegante na simbahan dito sa Holt. Pumikit ako at nag-Sign of the Cross. Kahapon, kasama si Tita Emme, nag-simba kami doon. Marami akong pinagdasal at inihingi ng tawad, syempre. Katulad na lamang ng malalandi naming kaluluwa ni Save. To be honest.

"Save..." Mahinang tawag ko sa kanya. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin saglit pagkatapos ay ininalik niya rin ang tingin niya sa daan. "About sa gun shot noon? Tingin mo kasama din ito sa project na sinasabi sa atin ni Head?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Oo, mahinahon. Nadadaan siya doon.

"Hevn, napag-usapan na natin ito, hindi ba? Look, matagal na iyon. Kung kabilang man ito, sunod-sunod na sana, diba? Sunod-sunod na sana ang mga pangyayaring masama. Maghintay lang muna tayo." Mahinahon rin na sagot niya sa akin habang nakatingin pa rin siya sa daan.

Masyado lang siguro akong paranoid. Masyado ko lang siguro itong iniisip kaya ganoon. Nakakainis naman kasi! Ngayong kailangan namin si Head, saka siya nawawala. Wala tuloy nasasagot sa mga katanungan na tumatakbo sa isip ko.

"You're spacing out again, Hevn. We're here..." Sabi nito bago siya lumabas. Kita mo. Masyado talagang akong nag-iisip. Hindi ko tuloy namalayan na nandito na pala kami. Teka, nasaan ba kami?

Binuksan ko ang pinto at lumabas. Ilinibot ko ang paningin ko sa buong paligid. I heaved a sigh. Nasa isang park kami. Walang masyadong tao dahil weekday naman. Meron namang iilan, katulad na lamang ng isang pamilya na pinagtutuunan ko ng pansin ngayon. A father, a mother and their five or six years old daughter. Jeez. I'm flattered.

Hinanap ng mata ko si Save kaya agad kong linibot ang tingin ko. Nakita ko siya sa ilalim ng punong acacia na prenteng naka-upo at may binabasa na naman. Bookworm. Linapitan ko siya at humiga sa tabi niya. Ipinatong ko ang likod ng kamay ko sa noo ko at tahimik na tinitingnan ang langit.

This is life...

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon