Chapter 6

25 3 2
                                    

Sabaw ito, e. Kaya pagtiisan muna. 😂

Si Hevn as in V not B, iyong nasa multimedia.

____

Cia's POV

Matapos kong kalmahin ang sarili ko ay linibot ko ang tingin ko sa paligid. What the hell! Para saan ang mga putok na iyon? Anong nangyayari? It is clear na sa loob lang ng University nanggaling ang mga putok na 'yon. Hays. Ano ba itong napasukan kong paaralan?

"Hi Ciacity Antonio," excited na sabi nang babaeng kikay na katabi ko kanina na grabe kung makasigaw. She's too giddy. Looking at her, malalaman mong nanggaling siya sa marangyang pamilya. Her outfit's telling it. Her black boots and black leather bag na may tatak na CC. Kumunot ang noo ko kung bakit alam niya ang pangalan ko. Tila nakuha naman niya ang nais kong iparating.

"Your identification card." Sabi niya at nginitian niya ako ng pagkalaki-laki. Kitang-kita ang magaganda at mapuputi niyang mga ngipin. Oo nga pala. Hay nako, Cia. Ang tanga tanga mo.

"By the way, Mila Elleanor Reegan is my name," magiliw na sabi niya. Tumabi siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko. "And that was Ridge Morgan." Tinuro niya iyong lalaking singkit kanina na mukhang nasa state of shock parin ata sa nangyari. "Mag-iingat ka diyan. Mabilis ang mga kamay niyan. Kawatan iyan. Bolero. Maingay." Seryosong sabi niya pagkatapos ay sumimangot siya. Okay, noted? Pero pansin ko lang na inis na inis itong si Mila Elleanor kay Ridge. Love life na ba ito? Tumingin ulit ako doon sa Ridge na iyon, God! Ang cute niya. Para siyang isang chibi.

"That guy over there..." turo ulit ni Mila Elleanor sa isang lalaking nakaupo sa bench. "Iyon si Save Foster. Mukhang patay, 'no? Humihinga pa 'yan, don't worry." Napangiti ako sa nakikita ko.

Kinukulit ata nung babae si Save. Samantalang siya, dead cold ang tingin sa baso niyang hawak. "Lastly, si Hevn Jules. Hevn, as in V not B." Sabi niya at saka nag-roll eyes pa siya. Ano daw?

"Maldita. Snobera. Bratinela. Pero best friend ko iyan." She chuckled. "Oy, Langit!" Malakas na tawag niya sa babaeng kasama nung Save. Dahan-dahan naman na tumingin sa direksiyon namin iyong si Hevn. At saka tiningnan niya ng masama si Mila Elleanor. What the fuck!? Siya 'yong kanina. Siya iyong kanina!

"What the fuck manok!" Malamig na sabi niya pero mahihimigan ang awtoridad sa boses niya. Goodness gracious! Siya nga iyong nasa cafeteria kanina. Iyong babaeng napagtanungan ko. Tinitigan ko siya ng mabuti. God, kahit pala sa malayuan maganda siya. Bakit may ganyang klaseng tao? Iyong sila ata mismo ang pinasabog noong umulan ng kagandahan. Mukha siyang artista slash model. Ang ganda niya! I'm so envious, but in a good way.

At halla! Bakit ganoon? Bakit lahat ng mga nag-aaral dito, may itsura, may ipagmamalaki? Si Mila, Ridge, Save at Hevn, mga patunay.

"Calling names again, e." maarteng sabi ni Mila kay Hevn saka ito umirap. Gusto kong matawa sa kanila. Kung mag-best friend sila, bakit ganyan sila makasta sa isa't isa? Magkaiba pa sila ng ugali. I guess, opposites do attract talaga. Yumuko ako nang kaunti para maitago ang kumakawalang ngiti sa labi ko. They're cute.

"Tabi," Napatigil ako sa pag-iisip tungkol sa magkaibigan nang may malamig at maawtoridad na boses akong narinig. Nag-angat ako ng tingin at noong makita ko kung sino ito ay halos maputol ko na ata ang paghinga ko.

"What are you looking at, dimwit? I said move aside." Sa pangalawang pagkakataon ay tinitigan ko lamang siya. Damn that pair of cold brown eyes.

Sheeeeee..ttt...

Bakit ang gwapo niya? Idagdag mo pa iyong naka-kunot na noo niya kaya mas lalo siyang gumagwapo.

"Halla! Ang tanga! Tabi kaya ang sinabi mo kanina at hindi move aside! Oh, ano? Mas bobo ka kaya!" Malakas na sabi ni Hevn habang naglalakad papalapit sa amin. The way she walks, damn, she's stunning. Inirapan niya pa si Save bago pa siya tuluyang naglakad palapit sa pintuan. Tumingin ako sa mga kasama ko dito ngayon at kagaya ko din sila, sinusundan ng tingin ang papalayong Hevn.

"Haaaa! That brat!" Malakas na singhal ni Save bago umalis.

"Ciacity are you okay? Pasensya kana sa dalawang iyon ha? Kulang sila sa pitong buwan bago ipinanganak. Maliliit mga utak e," sabi ni Mila sa akin patungkol niya kila Hevn at Save.

"Ano sila?" Tanong ko kay Mila. Kumunot naman ang noo niya. Halatang hindi alam kung ano ang sinasabi ko.

"Malamang tao. Nakikita mo ba silang hayop, ha? Pati ata ikaw e, nakulangan ng pitong buwan. Pati mata may deperensiya. Ang labo." Singhal nung Ridge ang pangalan bago nakapamulsang naglakad papalayo sa amin. Ano bang nangyayari sa paligid ko?

"Pasensya ka na ha? Ako nalang ang matino sa aming apat. Pero teka, ano bang ano sila? Tama naman iyong miyembro ng kawatan na iyon, tao sila. Ikaw ba'y may deperensiya sa mata? Ano tingin mo sa akin ngayon? Puno? Isda? Ay, huwag pala. Unicorn nalang pala para cute." Ngumisi siya sa akin at nagtatalon-talon pa. Nagsabi pa siya ng matino siya e, mas malala pa ata siya kesa sa tatlo.

Napailing nalang ako. "Ang ibig kong sabihin, anong score between them? I'm talking about Hevn and Save. Are they friends? Lovers? Relatives?" Tanong ko sa kanya. Kumunot ulit ang noo niya.

"Bago ka pala dito, ano? Pati iyong dalawang iyon, bago din. Sabay silang pumasok. Sabay umuuwi. Sabay kumakain and so on and so forth. Pero hindi sila friends or lovers, neither relatives," Sabi niya at ngumiti siya sa akin. Ako naman itong kumunot ang noo. Ano? Labo!

"But they have this strong bond and strings na nagco-connect sa kanilang dalawa. Obvious sa face mo na attracted ka kay Save." Mahinahon na sabi niya habang titig na titig siya sa mukha ko. Napalunok ako. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Believe me, dear, hindi mo gugustuhing magustahan si Save." Sabi niya ulit na mas lalong kinagulat ko. Gusto kong tanungin kung bakit. "...because someone's out there." Turo niya sa may pinto. Teka, ang gulo niya! Tumingin ako sa may pinto at mukhang may papasok nga.

Bumukas ang pinto at inuluwa nito ang magandang si Hevn. "She's here." Mahinang sabi niya at gumuhit sa labi niya ang isang ngiti.

"Nakalimutan ko iyong bag ko, may pizza doon, e. Usap na kayo ulit, alis na ako." Malamig na sabi niya at iniwan na naman kaming nakasunod sa kanya ang tingin.

"Oh well, I have to go too, Ciacity. May pagkain si Hevn e, hindi pwedeng hindi ko matikman. Nice meeting you." Sabi niya sa akin habang nakangiti. Tumalikod na siya pero bago iyon, "Diba tinatanong mo kung ano sila? It's for you too found out. And oh, one more fact, hindi sila pwedeng maghiwalay. And dear, defy that feeling. I warned you, hindi mo magugustuhan. Huwag ka na dapat lumampas doon." Mahinahon na sabi niya habang nakatalikod sa akin. Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Ang gulo ng paligid ko! Unang araw ko palang dito sa Holt pero magulo na. At anong pinagsasabi nung Mila na iyon? Nagwapuhan lang naman ako kay Save e. Hays. Magulo. Wala akong naiintindihan.

Chased AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon