Chapter 1

518 16 2
                                    

Chapter 1

Mabilis lumipas ang mga araw, at eto ngayon... First day an as an official Freshie ng kolehiyong pinapasukan ko. Syempre kasama ko ang ulirang best friend ko na si Katkat. Accountancy kinuha nya, samantalang ako Business Ad. Magkaiba kami ng course pero since halos puro G.E. subjects lang naman ay nagawan ng paraan ng mga kuya ko na maging magkaklase kami ni Katkat.

Yup. Mga Kuya ko. Si Kuya Gabe at Kuya Sean. Sila kasi ang nag-enroll sa akin. Kasama naman ako, pero sila halos lahat umasikaso. Sinabay nila sa pag-enroll nila.

Same school and same course kami ng mga kuya ko. Si Kuya Sean ay anim na taon ang tanda sa akin, pero nagmamasteral siya ngayon habang pinag-aaralan ang pasikot sikot ng kumpanya namin, samantalang si Kuya Gabe naman ay tatlong taon ang tanda sakin. Graduating na siya this year.

Pero kahit na mga busy yan sa kanikanilang buhay, lagi pa rin silang may time for me. Tulad ngayon, hinahatid nila ako. At hindi lang basta hatid sa school. Hatid sa classroom. Kaya etong si Katkat, kanina pa naiimbyerna.

"Di naman sa nagrereklamo akong may dalawang gwapo naghahatid satin papuntang classroom. Pero, sis, di na tayo gradeschool para ihatid ng mga kuya mo." Pabulong na reklamo nito sa akin.

"Eh, kilala mo naman yang dalawa. Napaka-overprotective sakin." Pagrarason ko.

"Oo nga. Kaya di ka matuto-tuto. Laging nakabuntot yang mga kuya mo!" Inis na saad nito.

Bago pa man ako makasalita ule ay tumigil na sa paglalakad mga kuya ko at lumingon sa amin.

"Dito na yung first subject nyo. History 1. May klase na ako ng 9, tapos si Kuya Sean punta na sa office kaya di na namin kayo maihahatid sa mga susunod nyong klase. Kayo ng bahala. Pakabait okay?" Paliwanag ni Kuya Gabe.

Tumango ako at humalik sa pisngi ng mga kuya ko. Samantalang si Katkat at tinanguan ang dalawa kong kuya. Ganun rin ang ginawa ni Kuya Gabe, samantalang si Kuya Sean ay ginulo ang buhok ni Katkat. Di ko mapigilan matawa sa sama ng itsura ni Katkat matapos ang ginawa ni Kuya.

"How dare him touch my hair?! Di ba nya alam kung gaano katagal ko ito inayos?!" And the rant about her hair went on hanggang sa makahanap kami ng mauupuan.

Naupo kami sa may bandang gitna, ako sa tabi ng bintana, samantalang siya sa tabi ko. Patuloy pa rin siya sa pagrant, ng biglang may babaeng sumingit.

"Close kayo kela Gabe at Sean Gonzales? Kaano ano nyo sila?" Maarteng tanong nung babae.

"Mga kuya ko sila," simpleng sagot ko.

"Oh, ako nga pala si Michelle Soriano. Second year, Marketing. You can call me Mich. We should hang out some time." Pagpapakilala nito.

Magpapakilala na rin sana ako, pero biglang nagsalita si Katkat.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon