Chapter 4

400 21 9
                                    

Chapter Four

Hindi ko na siya nasagot dahil biglang tumigil ang sasakyan. At laking gulat ko na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Gentleman rin naman pala 'tong loko. Inabot nya ang bag ko at inalahad ang kamay niya upang umalalay. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko o hindi. Pero what the hell, hayaan na nga.

Hinayaan ko siya alalayan ako papasok ng bahay namin. May kung anong nagtatalon sa tyan ko. Di kaya may palaka sa tyan ko? Tsss.

Pagpasok sa loob ay sinalubong kami ni Yaya Luisa.

"Good apternun, Bebe Gurl. Good apternun Bebe Boy!" Masayang bati ni Yaya. "Nasa garden po sila."

Baby Boy?!

Lalo akong naguluhan. Hindi ko na nabati si Yaya at diretso kaming naglakad papuntang garden. Doon nakita ko ang dalawa kong kuya at si Mommy na seryosong nag-uusap.

"Oh, andito na pala kayo." Bati ni Mommy. Humalik siya sa akin at kay Ralph. Sila kuya naman ay nakipag-high five sa mokong.

Okay... What the hell is happening?!

"Teka, teka, teka!" Hindi ako nakatiis at nagsimula na kong magtanong. "Paano nyo po kilala si Ralph?!"

"Ralph?!" Tanong ni Mommy. Tinuro ko si Ralph. "Ahh. Si Andre ba kamo iha? Hindi mo na siya natatandaan?"

Umiling ako. Tsss. Hindi naman ako magtatanong kung natatandaan ko diba? Bakit ang labo ng mga tao ngayon? Tsk.

"Si Andre ay kababata mo, baby girl. Lagi mo siyang kalaro. Halos di na nga kayo maghiwalay noon. Pati sa pagligo, ayaw nyo rin maghiwalay noon. Don't you remember?" Paliwanag ni Mommy na nagpatawa sa dalawa kong kapatid.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa samantalang ng dumapo ang tingin ko kay Ralph or Andre or whatever, tila nanlamig ako sa tingin nya sa akin. Ang cold masyaso!

"Hindi ko po talaga maalala eh.."

"Ang bata mo pa iha, malilimutin ka na agad!" puna ni Mommy.

Eh sa di ko talaga maalala. Tssss. Pinakita sa akin nila Mommy ang childhood pictures namin together. Pilit ko man alalahanin, di ko maalala. Siguro dahil masyado pa akong bata? Kung titingnan ang mga pictures, mga 3-4 years old pa lang ako. Tsss..

Ayon sa kwento pa ni Mommy, 6 years old kami ng pumunta siya ng LA, California dahil andun ang Daddy nya. Doon na rin daw siya nagpatuloy mag-aral. Nag-advance classes siya kaya mas nauna siya sakin ng isang taon. Bumalik siya dito para mag-college.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon