Chapter 10

324 23 3
                                    

Chapter Ten

Kinabukasan, nagising ako ng maaga at ng may kakaibang sigla. Bumungad sa akin si Bear-Laki. Di ko maiwasang di mapangiti. Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Good morning, Bear-Laki! Ang bango-bango mo naman!" parang batang kong kinausap ang stuffed toy na teddy bear at inamoy-amoy ito. 

Agad akong naghanda para sa isa na namang bagong araw sa Univ. Alam kong marami akong kailangan habulin dahil halos tatlong araw rin akong nawala. Ewan ko kung bakit masaya pakiramdam ko, pero dahil na rin siguro okay na pakiramdam ko. Matapos makapaghanda ay agad ko sinalubong ang mga kuya ko ng masayang bati.

"Good morning mga gwapo kong mga Kuyas!" 

"Ganda ng gising natin, Baby Girl ah." bati ni Kuya Gabe. 

"Naman! It's a new day. It's a new beginning." makahulugang sambit ko.

"Wow! Baby Girl, inspired ka?" Pang-aasar ni Kuya Sean, pero bago ako makareact eh agad niya ito dinugtungan. "C'mon, let's have breakfast."

Matapos kumain ay sumabay ako kay Kuya Gabe. Dahil Friday ngayon, unang bumungad sa araw ko pagdating sa Univ ay ang gwapong Mokong na nakahalukipkip sa may gate na mukhang may inaantay.

"Good morning, Baby Girl!" Bati nito at binati ko rin naman ng "Good morning rin!" Nagbatian rin sila ni Kuya Gabe.

Ang bilis kumilos ng Mokong at agad na nyang nahablot ang mga gamit na hawak ko. "Tara?" saad nito sabay hila sa kamay ko papasok ng Univ. 

Napatingin naman ako kay Kuya Gabe na tumango lang at ngumiti sa akin habang palayo ako.

Pagdating sa classroom ay tumahimik ang lahat at sa amin lahat nakatingin. Awkward. Pilit kong hinigit ang kamay ko, ngunit mahigpit ang pagkakahawak nung Mokong sa kamay ko. 

"Huy, pinagtitinginan tayo." bulong ko.

Kumunoot ang noo niya. "I don't care." saad nito.

Napabuntong hininga na lang ako at nagpahila patungong upuan namin. Nadaanan namin si Mich na masama ang tingin sa magkahawak na kamay namin. Di ko maintindihan pero tila nagvivictory dance ang mga alaga ko sa tiyan. 

Tsk. Tsk. Bad alagas!

Matapos namin makaupo, binitawan na rin ni Ralph ang kamay ko pero kung makatitig naman... Natutunaw akooooooo!

"Psst. Ba't ganyan ka makatitig?" Di makatiis na tanong ko. "Huwag mong sabihin dahil cute ako!" Dagdag ko ng maalala ang sagot niya dati sa parehong tanong ko noon.

Napangisi naman ito. "Eh kasi ang ganda mo." 

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon