Chapter 11

276 19 3
                                    

Chapter Eleven

Maraming araw ang lumipas at halos patapos na ang unang sem ng unang taon ko sa kolehiyo. Di ko na rin naman namalayan ang paglipas ng mga araw dahil na rin siguro sa sobrang nag-eenjoy ako.

Hindi ko naman masasabi na perpekto ang mga araw ko sa loob ng tatlong buwan na pananatili ko sa kolehiyo. Syempre di naman din maiwasan ang mga kamalasan sa college life... At syempre may mga araw na toxic rin dahil sa maraming kailangan gawin... Pero lahat naman ng yun ay nalagpasan ko rin kasama ang mga Kuya ko, si Katkat at si Ralph.

Yep. Si Ralph.

Naging isa sa mga taong regular na nakakahalubilo ko si Ralph. Hindi lang tuwing Biyernes, kundi halos araw-araw pag break time ay lagi namin kasalo ni Katkat sila Ralph at ang barkada nya. Naging malapit na rin ako kahit paano sa grupo nya at naging kumportable sa kanila.

Maliban sa Univ, lagi ko rin nakakasama si Ralph tuwing Sabado. Madalas silang pumunta ni Katkat sa bahay upang tumambay, kundi man ay nag-aaya sila lumabas. Pumupunta kami sa mall, nagshoshopping, si Ralph syempre taga-bitbit o kaya natambay sa arcade o nanonood ng movies. Minsan naman sa park, pinapanood namin sila Kuya at Ralph magbasketball.

May pagkakataon rin na kami lang ni Ralph lumalabas lalo pag busy si Katkat. Ewan ko ba dun sa babaeng yun, ganoon ba kabusy ang Accounting?

Pag kami lang ni Ralph lumalabas, madalas naglalakad-lakad kami sa park kasama yung aso nyang si Jacob. Minsan naman, tinuturuan nya ako magbike o kaya magbasketball. Minsan sa bahay lang rin naglalaro ng Xbox o nagmomovie marathon o kaya gumagawa ng homework at projects.

Ewan ko, pero ang dami na rin namin nagawa nung Mokong sa loob ng tatlong buwan. Syempre di rin nawawala ang FroYo bonding namin at ang madalas na pag-uusap namin sa telepono, at pagpapalitan ng text. Well, more on asaran at kulitan. Pero habang tumatagal, mas nakikilala namin ang isa't isa.

Halos wala na akong hihilingin pa dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko araw-araw. Kahit anong bad vibes ang dumating parang napapawi rin. Ewan ko ba. Hmmm.. Parang wala ng kulang...

Ay meron pa pala... Lovelife... Hahaha!

Kelan ko nga kaya mararamdaman ang mainlove? Kasi naman.... Etong si Vincent biglang missing in action lately.

Ewan ko dun, nagkikita naman kami paminsan. Kaso pag nagkikita kami wala pang one minute nagpapaalam na siya. Parang laging may hinahabol. Well, baka nga busy rin naman talaga yung tao.

Hmmmm. Speaking of...

Ayun siya!

Naglalakad siyang mag-isa...

Perfect!

Mag-isa rin ako ngayon dahil free cut kami sa pangalawang klase namin. Friday ngayon kaya may klase pa rin sila Katkat at Ralph. Inaantay ko yung Mokong kaya naisip kong tumambay sa garden ng Univ.

Agad kong tinawag si Vincent at kinawayan. Nilingon naman ako at ngumiti ito ng maluwag.

Ayeeeeee!

Cute talaga nitong si Vincent... Sarap kurutin ng pisngi. Nilapitan ko ito at sinimulan ko itong kausapin.

"Hi, Vincent! Kamusta?" Bati ko rito.

"Ayos lang naman.. Ah eh... Andie, sige uhm, may kai-" sinubukan na naman niya magpaalam, pero agad ko itong pinigilan.

"Kailangan mo na naman umalis? Hmf! Ikaw ahhh.. Iniiwasan mo ba ako?" Pagkukunwaring tampo ko rito. Nanlaki naman ang mata nito.

"Ah..ehhh."

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon