Chapter 12

347 24 2
                                    

Chapter Twelve

Ang biyahe pauwi sa bahay ay ang pinakamatagal na dalawampung minuto sa buhay ko. Sinubukan ko muling magsimula ng konbersasyon ngunit nabigo ako. Tahimik pa rin siyang nakatutok sa kalsada at seryosong nagmamaneho.

Pilit kong iniisip kung ano ang nangyari.

Hindi ba dapat ako ang nagagalit dahil first kiss ko dapat yung muntik na niyang kunin? Pero bakit siya nagagalit? Anong dinadrama nitong Mokong na to?

Bigla kong naisip ang almost first kiss ko.

Sh*t!

Napapikit ako at nanginig.

Sh*t!

Erase! Erase! Erase dapat!

Napansin ko naman hininaan ni Ralph ang aircon. Akala ata gininaw ako. Pero... Uyyy. Concerned pa rin kahit nagiinarte sya. Di ko mapigilan mapangisi.

Di rin naman nagtagal ay tumigil na ang sasakyan, hudyat na nasa bahay na kami. Nagtanggal na siya ng seatbelt at aakmang baba ngunit hinawakan ko ang braso nya. Kaya naman napatigil siya.

"Huy, ano bang drama mo?" Tanong ko ngunit di pa rin sya umimik. Tinusok-tusok ko tagiliran nya. "Uuy. Tatawa na yan." Pagpatuloy ko sa pagkiliti.

Nakita kong napangiti ito ng bahagya pero agad binawi.

Asus! Ang arte!

Inulit ko ang pagtusok tusok sa tagiliran nya, ngunit umiwas siya at yumuko.

Ang drama talaga!!!

Hinawakan ko ang mukha niya upang iangat ito. "Hoy, wag ka na nga magdrama, hindi naman bagay sa'yo lalo kang pumapanget sige." Asar ko dito na lalong nagpasimangot rito.

"Tsss. Oo na panget na, at di ka na naattract sakin!" Inis na sigaw nito bago inalis ang kamay ko at tuluyang bumaba ng sasakyan.

Ayun... Lumabas din ang dinadrama nung Mokong. Hindi ko alam kung matatawa ako o maasar. Hindi ko alam na naiinsecure rin ang Mokong na yun. Tao rin naman pala siya.

Hmmm... Kung alam niya, kung ano epekto niya sa akin... Pero siyempre di ako aamin, baka lumakas ang hangin, dagdag super powers na naman sa kanya.

Tsss...

Agad akong bumaba at sinundan siya sa loob ng bahay namin.

Yup. Bahay namin.

Simula ng naging close kami, halos tumira na rin siya sa amin. Di rin naman kasi nalalayo bahay nila at madalas wala yung mommy niya dahil sa mga inaasikasong business nila. Eh dahil na rin naging malapit siya sa mga kuya ko at sa mga magulang ko ay parati siyang welcome sa bahay. Kaya ayun. Nagdirediretso na siya sa loob at iniwan ako sa sasakyan mag-isa.

"Gud apternun Bebe Gurl, baket bad baybs se Bebe Boy?" Tanong sa akin ni Yaya Luisa nang makasalubong ko papasok ng bahay.

"Nagdradrama lang po yun, Yaya." sagot ko dito.

"Owww... El Kyo kayu ni Bebe Boy?" tanong naman ni Yaya.

"Ano pong El Kyo, Yaya?" Takang tanong ko.

"El Kyo lang Bebe Gurl, hende mu alam? Ginoo! Labers Kwarel yun Bebe Gurl!" Sagot naman ni Yaya.

"Ahhh. LQ po?" Napailing ako sa kakulitan ni Yaya. "Kayo po talaga kung ano-ano nalalaman niyo." Natatawa kong saad.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon