Prologue

836 18 3
                                    

Prologue

What is Love?

Hmmm... Love?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Love?

It's such a big word at parang ang hirap naman i-explain. 

Sinubukan kong magmasid-masid, baka sakaling may makita akong kasagutan sa katanungang kanina pa bumabagabag sa 'kin.

Tumingin ako sa kanan at may nakita isang lalaki at babae, kumakain ng ice cream habang magkatabi sa isang bench. Ang sweet! Nagsusubuan pa sila. Hmmm... eto ba yung Love? Pero, pwede naman sigurong maglandian kahit walang nararamdamang love, diba?

Lumingon naman ako sa gawing kanan ko. May isang babae na may kasamang baby. Nilalaro nya ito at tuwang tuwa naman ang baby. Hmmm... ganito ba ang love? Masaya?

Bago pa man ako tuluyang makagawa ng conclusion ay umagaw ng pansin ko ang dalawang babae na nag-aaway sa di kalayuan. Bigla naman may isang lalaking sumulpot na biglang sinampal ng dalawang babae. Tsk. Ganito ba ang naidudulot ng love? Pain.

So ano ba talaga ang love?

Haaaay. Ang kumplikado!

Tumayo ako sa bench na kinakaupuan ko at inilagay ang lahat ng gamit ko. Makauwi na nga! Saka ko nalang iisipin yang love na yan!

  

Paalis na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Miss.."

Sa gulat ko ay nahampas ko ng bag ko ang sa kanya. Bullseye! Sa mukha ng lalaki tumama!

"Ouch!" Sigaw ng mama sa harap ko.

"Sorry!" Pagpaumanhin ko at lumapit sa lalaki. "Pasensya na Kuya. Nagulat kasi ako."

"Okay lang, its my fault anyway. I shouldn't have grabbed you." Saad nito sabay ngiti.

Wow. Nose bleed. Pinagmasdan ko ang lalaki. Hmmm... Mukhang di naman nagkakalayo ang edad namin. Mestizo at may katangkaran, mukhang may lahi kaya siguro english spokening. Nakafitted shirt siya kaya halata ang matipunong hubog ng katawan ni kuya. In short: Papabol. Hmmm... Pwede...

"Miss?"

"I said, your handkerchief fell. That's why I grabbed you. So that I can give this to you." Sabi nito sabay abot ng panyo.. "Did you understand? O kailangan ko pa Tagalugin?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nyang yun. Gwapo nga, antipatiko naman. Tsk! Kinuha ko na ang panyo ko sabay martsa palayo.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon