Chapter 3

351 17 6
                                    

Chapter 3

After ng second class ko, which is also my last class for the day, nagpasya ako na pumunta sa may garden ng University habang naghihintay ng sundo. Aminin ko, disappointed ako kasi walang Ralph akong nakita.

Yup, i decided to call him Ralph. Ayokong Andy dahil Andie rin pangalan ko. Nakakalito! Ayaw ko naman Gordie, dahil last name niya yun. Kahit na I dont like the person, may respeto pa rin ako sa tao. Kaya naisip kong tawagin na lang sya by his first name: Ralph.

Anyway, dumiretso ako sa garden para makapagisip, at burahin sa sistema ko yung gwapong mokong.

I just met him, yet ang laki na ng epekto sa sistema ko. He's stirring up my emotions, and that means Danger Zone to me. And i dont like it.

He spells trouble and ayaw ko ng complications. I need to put everything in control again.

Di pwedeng ganito kami. Di pwedeng naguguluhan ako ng dahil sa kanya. He's just a stranger that I have nothing to do with. Siguro nga inutusan siya ng mga kuya ko na bantayan ako, but that doesn't mean we have to socialize diba?

Napabuntong hininga ako ng malakas.

This is stupid. I should not think about him anyway.

"Ang lalim naman nun." Saad ng boses.

"Ay palaka!" Gulat kong sigaw at napalingon ako sa pinagmulan ng boses. "Vincent." Di ko maiwasang mapangiti.

Hmmm. Si Prince Charming!

Ngumiti sya ng pagkalapad-lapad. "Glad you still remember me. Anyway, napansin ko kasi na nag-iisa ka, kaya ako lumapit. Hope okay lang sa'yo."

Tumango naman ako. "Okay lang naman. Nagpapahangin lang, and a good company wouldn't hurt." Ngumiti ako.

"Cool! So, how's your first week so far?" Tanong nya.

"Ayos naman, I guess." Nakangiti kong sabi sa kanya. "I survived it, didn't I?" Pabirong sabi ko na nagpatawa sa kanya.

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin at natutuwa ako sa kanya. From what I've learned, he's into extreme sports as well like my Kuya Sean, and he's part of the student council kaya kilala rin siya ng mga Kuya ko. He was actually surprised to know na isa akong Gonzales.

Sa sobrang enjoy ko kasama siya nakalimutan ko na ang oras, kaya nagulat ako ng mag-ring ang phone ko. Nag-excuse ako saglit at sinagot ang phone ko.

"Where the hell are you Andrea?!" Bungad sakin ni Kuya Gabe sa kabilang telepono.

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon