Chapter 8

291 22 5
                                    

Chapter Eight

Pumasok pa rin ako kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko. Hinatid ako ni Kuya Sean sa klase. Noong una, akala ko kaya ko dahil okay naman. Ngunit habang tumatagal, tila lalong sumasama ang pakiramdam ko.

Naisipan kong pumunta ng C.R. dahil feeling ko nasusuka ako. Damn it! There's something wrong with stomach! I just know it! Kaya siguro laging nagkakagulo mga alaga ko sa tiyan. I better get this checked.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam ako ng hilo. Shemay! Umupo muna ako sa may bench sa di kalayuan at naisipan kong magpahinga.

Di kaya buntis ako???

Nabuntis kaya ako dahil di na virgin ang eyes ko?! Waaaaaah! Darn it! I'm feeling like hell pero naiisip ko na naman yung body on fire nya! Sh*t! What am I even saying?! Para akong bata na walang alam sa process of reproduction.

Arghhh! I feel awful... I think I want to sleep... Hmmm.. Tumagilid ako at ipinatong ko ang kamay ko sa sandalan ng bench at saka ko ipinatong ang ulo ko. Di ko na talaga kaya. Haaaay.

Halos makatulog na ako ng marinig ang nakakagimbal na tili ng magaling kong best friend. Great! I feel worse.

"Sis!" Sigaw nito at naramdaman ko itong lumapit sa tabi ko. Napaangat ang tingin ko at nakita ko siya. "What's wrong?" Alalang tanong nito.

Hindi na ako makasagot dahil tila may anong bumabara sa lalamunan ko. Sinara ko nalang muli ang mga mata ko.

"OMG! You're burning up!" Sigaw nito. Damn! Hindi siya nakakatulong! "Asan phone mo?" Tanong nito at nanghihina kong itinuro ang bulsa ko.

Agad niyang kinuha ito at di ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na mga nangyari. Ang sama talaga ng pakiramdam ko at gusto ko lang matulog.

"Sh*t! Cannot be reached si Gabe!" Sigaw nito. Gusto kong sumigaw na tumahimik siya dahil lalong sumasakit ang ulo ko pero masyado akong nanghihina para makipag-away.

Mariing pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal na sana tumahimik nalang yung bestfriend ko para makatulog na ako. Pero nabigo pa rin ako.

"P_+@^9!^@ niya, 9@9o siya! Sabihin mo yan sa boss mo! Dahil di man lang niya tiningnan kung okay kapatid niya nung hinatid nya to! F*ck! Binabaan ako ng phone ng secretary ni Sean! Can you believe that?! Arghhh! Lagot yung 9@9ong yun sa kin!" Pagsisigaw nito.

Kahit nakapikit ang mga mata ko, ramdam ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa paghihysterical nitong si Katkat. Kung may sapat na lakas lang ako, kanina ko pa 'to binatukan. Buti nalang ilang sandali ay mukhang kumalma na ito.

"Hello, Andy... Si Andie kasi.." Saad muli nito.

Napamulat ako ng mga mata at parang bigla akong nagkaroon ng lakas. Tiningnan ko ng masama si Katkat na busy pa rin sa pakikipag-usap.

Oh no, no, no, no. Not him. Why'd she call him? Arghhh! Sh*t Katkat! I hate you right now. Ayoko makita yung Mokong ngayon. Lalong sasama ang pakiramdam ko. Damn it!

Gusto kong hablutin sa kanya yung telepono ko pero imbis na mahablot ang telepono ay lalo bigla akong nawalan ng balanse. Napapikit ako dahil alam ko mag-face to face kami ng semento. Pero, nagulat ako na walang sementong sumalubong sa akin, kundi isang mas malambot at mas mabango na kung ano.

Hmmm... Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang malapad na dibdib. Di ko alam kung bakit pilit na kumakawala ng mga alaga ko pero wapakels muna.. All I know is that this is comfy.

"Oh, andyan ka na pala." Rinig ko si Katkat pero medyo malabo. May sinabi siya tungkol sa bag. Di ko alam. Basta gumaan ng konti ang pakiramdam ko pero di pa rin nawawala ang antok.

Rinig ko ang tibok ng puso niya. Mabilis ito at malakas. Di ko maintindihan pero parang naging musika ito sa pandinig ko. It's comforting. Pakiramdam ko pinaghehele ako.

Ramdam kong inayos niya ako sa pagkaupo. Inihiga niya ako, medyo malambot sa ulunan. Pero di ko maiwasang mapakunot ang noo ko.

Gusto kong magprotesta dahil nawala yung MP3 player ko! Pero nakalimutan ko ang lahat ng maramdamang may humaplos sa aking mga pisngi.

"Shhh. I'm here, Baby Girl." Bulong nito na nagpakalma sa akin.

Patuloy ang ginagawang paghaplos sa pisngi ko, na minsa'y sa noo naman. Matapos noon ay unti-unti akong nakatulog.

Nagising ako at naramdamang gumagalaw ako. Para akong nakalutang, at naramdaman ko na naman ang MP3 player kong dumadagundong sa tenga ko. Naamoy ko rin ang pamilyar na mabangong amoy. Di ko napigilan sumiksik dito at tuluyan muli akong nawalan ng malay.

Naalimpungatan akong ulit ng bigla akong makaramdam ng ginaw. Nawala rin ung MP3 player ko at yung mabango. Parang gusto ko tuloy umiyak pero di rin nagtagal naamoy ko na naman siya. Sinubukan ko itong kapain at ng makaramdam ng init ay agad ko itong hinablot. Naramdaman kong nawala ang ginaw at lalo akong sumiksik sa may unan kong mabango.

Ayun! Yung MP3 player ko... Hmmmm... Hinigpitan ko ang kapit sa kumot/unan ko. Ayos to! Multi-purpose!

Haaaaay! Ang sarap naman! Comfy!

Tuluyan na sana akong makakatulog nang maramdamang mainit at malambot na dumampi sa may noo ko.

"I'm sorry, Baby Girl... I'll make it up to you..." Narinig kong bulong sa may tenga ko na nagbigay ng kaunting kiliti.

Hmmm... Sweet!

Everywhere in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon