3

109 8 13
                                    

Hay buti nalang wala si Teacher De Guzman kaninang umaga. Sobra-sobra kasi akong kinakabahan sa guro na iyon, pagsama-samahin mo na ang taglay na katarayan ng kaniyang mukha, nakakangilabot na boses at napakasungit na ugali, ang damot pa sa grades sa AP.

"Bakit kaba kasi wala kanina umaga best?" 

Kanina pa ako kinukulit ni Adel kung bakit hindi ako pumasok kanina, naalala ko nanaman ang kahayupang ginawa sakin ni --.

"Wag mong sabihin na dahil nanaman sa Ryason na yun? *insert glare* Naku naku! Mapapatay ko talaga iyong bakulaw na yun." 

Gigil na gigil na sabi ni Adel, ang bestfriend ko mula Grade School. Mula kasi noong lumipat kami ng bahay sa impyerno este sa Central East ay nagulo na ang nanahimik kong mundo sa lalaking iyon. Dati kaming magkapit bahay ng Bestfriend ko kaya ko siya naging kaibigan. Ah basta, mahabang story.

"Naku, wag mo na ngang ipaalala sakin iyang halimaw na yan, mas lalo lang akong nabubuwisit!"

Ang ganda ng tawag namin kay Ryason no? Masiyado kasi siyang bully sakin. Sa akin lang naman! Kay best, hindi naman niya inaaway. Sabagay, sa tapang ba naman ng bestfriend ko baka masapak niya ng wala sa oras ang mangbully sakaniya.

"Bakit kasi hindi mo jombagin kapag inaaway ka niya. Sumosobra na siya eh!" 

"Alam mo namang hindi ko magagawa iyang suggestion mo, eh alam mo naman ang kapit non sa magulang ko? Edi nagsumbong iyon kapag sinapak ko." 

Nakaasar lang kasi, noong una kong nasapak si Ryason, bigla nalang siyang nagsumbong sa magulang ko at ako ang lumabas na masama. Hindi daw gawain ng babae ang sumapak, at isa pa, ang magulang ni Ryason ang isa sa pinakarerespeto dito sa Bayan namin. 

"Tss, Kung ako iyan! Matagal na iyang may black eye sakin!" nanlalaki ang ilong ni Adel habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Wag kang mag-alala best! May tamang oras din ang lalaking --"

"BOO!"

"-- AY KALABAW!" napatayo ako sa sobrang gulat. Inirapan ko lang siya. Nandito nanaman ang pinakasusuklaman kong tao sa balat ng lupa.

"Bakit hindi ka pumasok kanina? NagCUTTING KA NO?" pang-aasar niya. Hindi nalang ako umimik at tinignan ko si Best ng makabuluhan, naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya sabay kaming tumayo at aalis na..SANA.

"Uyyy, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Nagcutting ka no? Susumbong kita kay kuya Enzo!" 

Iyong mukha niyang nakakaloko at pananakot niya na isusumbong ako?!

"EDI MAGSUMBONG KA! KIBER NAMAN SILA SAYO?!" hayan, nahighblood nanaman ako.

"Wag kang sumigaw." nagulat nalang ako nung bigla niya akong buhatin ng parang sako ng bigas at itinakbo sa napakahabang hallway.

"ARRRRRRRRGGGHH! IBABA MO KO! IBABA MO AKO! BUWISIT KA! BUWISIT KA!" pinagpapalo ko siya sa hanggang sa napagod ako at wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Nakita ko naman si Best na nakikipagbakbakan kay Elvin. Nakita ko rin ang ibang estudyante na nakatingin samin at nagbubulungan. Nakakastress talaga.

"Ang ingay mo naman." sabi niya pagkatapos niya akong ibaba dito sa mini-park. Naku buti nalang walang tao dito. Nakahiya talaga.

"EH BUWISIT KA KASE!!" napaupo nalang ako sa sobrang errr - inis, galit, frustrate, hiya sa sarili.

"Eto naman, hindi kasi kita maasar doon sa harap ng pangit mo ng kaibigan."

"Wag mong tatawaging pangit ang kaibigan ko dahil mas mukhang mukha pa ang paa niya sa pagmumukha mo!" badtrip to, pati si Adel na nanahimik idinadamay. Letse talaga!

Tumayo ako sa damuhan at pinagpag ang pang-upo ko.

"Oh san ka pupunta??" sinamaan ko lang siya ng tingin at lumakad na ulit. Hindi ko matatagalan tong lalaking to. Buti nalang at hindi kami magkaklase. Laking pasasalamat ko talaga.

"T-teka, iiwan mo ako dito pagkatapos kitang buhatin? Ano yun? Nagpapagod lang ako?" napasapo ako sa mukha ko, hindi ko na talaga alam kung anong meron sa lalaking 'to. 

"TARANTADO KA PALA EH! UNANG - UNA WALA AKONG SINABI SAYO NA BUHATIN MO AKO, PANGALAWA HINDI KO RIN SINABI SAYO NA DALHIN MO AKO DITO, PANGATLO - bakit hindi mo nalang ako patahimikin? Nagtataka nga ako eh, bakit sakin ka lang ganiyan? May nagawa ba ako sayo na masama ha? Galit ka ba SAKIN??!" tuloy-tuloy kong sigaw sakaniya, hindi ko rin alam pero naiyak na rin ako. Nagsasawa na ako eh, sa araw-araw nalang na binigay ng Diyos sa buhay ko. Palagi siyang nadiyan.. para buwisitin ako. 

Nakakasawa na.

Nakapagod na rin.

"Gusto mo ba talagang malaman?" nakangiti niyang tanong, ngiti na ngayon ko lang nakita magmula noong nagkakilala kami.

Hindi ako sumagot o tumango. Silence means yes kasi ang peg ko.

"Edi.. HABULIN MO MUNA AKO! Hahaha!" tumakbo na siya papalayo habang tawa ng tawa.

Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin, "LETSE KA TALAGA!!!!!!!" hinabol ko rin siya dahil gustung-gusto ko na talaga siyang sapakin. 

Pagkatapos kong umiyak sa harapan niya dahil sa kaniya na palagi nalang akong inaasar. Pagkatapos kong tanungin siya kung bakit.. tapos ngayon? PAHAHABULIN NIYA AKO?

NAKAKAINIS!!

-

Another UPDATE! :))

09:40pm

January 15 2014

 Pamela Rose on the right side..

He's Annoying!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon