1

160 9 8
                                    

Chapter 1

“Punyeta ka Ryason!”

Nakakaputol ng litid ‘tong lalaking kaharap ko ngayon, bakit naman hindi? Eh wala ng ginawa kundi tumawa ng tumawa pagkatapos akong pagtripan.

Oo, ‘yan lang ang palagi niyang ginagawa sa tuwing pumupunta siya ditto sa Shop namin, ang mambuwisit. Ang saya no? Tss.

“Eto naman, sobra kang highblood,” singit ni Elvis na best friend niya. Sanggang balikat iyang mga yan eh.

“Letse ka! Isa ka rin, magsilayas nga kayo dito. Panira kayo ng negosyo eh!” pangangalit ko sakaniya, samantalang ‘yung isa naman. Halos mamatay na sa kakatawa, tangnamaylo naman oh. Pinagtitinginan na rin ako ng iba pa naming kostumer. Buwisit talaga!

“Eh kasi – hahahaha – ay p*ta! Ang lapad ng noo mo, hahahaha.” Mas lalo pa niyang nilakasan ang tawa niya na animo’y wala ng bukas.

Nagngitngit na ang mga ngipin ko, nakuyom ko ang palad ko at handa na akong manapak.

“Oh oh! Wag mo ng lakihan ang butas ng ilong mo, nakikita ang mga kaderderan mo eh, hahaha!” sabi niya habang pinupunasan niya ang luhang nangilid sa kaniyang mata sa sobrang tawa. Inirapan ko lang siya na halos maputol na ang mga thin vessels ko sa mata sa sobrang inis.

Nakakabuwisit talaga, yung tipong gusto mo nang ibato lahat ng pwedeng ibato? Yung gusto mo siyang balatan ng buhay at paliguan ng buo-buong asin o kaya itapon sa dagat? Yun yung mga naiisip ko habang pinapanood ko siya na nageenjoy sa pang-aasar sakin.

“Isang salita mo, lalabas ka ditto na hindi dumadaan sa pintuang ‘yan,” nanggigil at pigil na pigil kong banta sakaniya.

Sa isang iglap, tumigil na siya sa kahibangan niya. Natakot ba? Huh.

“Eto naman, binibiro ka lang eh. Tara na nga Elvis, napipikon na si Mahal eh – sige Mahal de Murang pandak, kita nalang tayo sa Antipolo ah, hahahaha.”

Lumabas na sila ng shop at nagsimula ulit sa pagtawa, nakakalagot talaga ng pasensiya! Ang kapal talaga ng mukha, grrr.

He's Annoying!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon