8

125 8 5
                                    

Hmmmm, ano 'yung naamoy ko? Ang bango ha, amoy rugby.

Rugby?

Napabalikwas ako sa kama, isusuot ko na sana ang pambahay kong tsinelas ng bigla akong mahilo.

Buwisit naman..

Bumalik ako sa pagkakahiga at naramdaman ko nanaman ang lamig ng kama ko, napayakap ako ng mahigpit sa malambot kong unan. Hanggang.. sa.. an.. tu.. kin..

"PAMELA! Bumangon ka na diyan, tanghali na," si mama. Sigaw niya mula sa labas ng kwarto.

Anu ba 'yan, bakasyon naman bakit ang aga aga manggising ni mudra.

"Pam!" sigaw niya ulit pero ngayon may kasama ng malakas na kalabog sa pintuan ng kwarto ko.

"Gising na 'ko!" sigaw ko pabalik, tinignan ko ang oras sa cellphone ko dahil wala naman akong wallclock o deskclock. Hindi uso sa akin 'yun.

Shemay, bakit ang hirap bumangon? Bakit ang lamig at ang hirap umalis sa kama? Gusto ko pang matulog eh, kasi naman si mama.

Bumalik ako sa kama and for the second time.. inaantok nanama--

"Pamela Rose Milliares, kapag di kapa bumangon diyan. Sisirain ko 'tong pintuan mo," tama ba 'yung narinig ko? Hindi naman siguro ako nanaginip dahil kahit tulog ako, buhay ang dugo ko. Pero.. pati ba naman sa panaginip..

Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niyang kataga kahapon. Masakit 'yun, mas masakit pa sa mga panglalait na natatanggap ko mula rin sakaniya.

Napahigpit ang yakap ko sa unan, nanggigil ako. Hindi ko nanaman namalayan na tumulo na pala ang mga butil ng luha sa mukha ko.

Flashback..

"A-Ano?" hindi parin pasink-in ang sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nung inulit niya ulit ang mga salitang 'yun.

Isang malakas na sampal ang binigay ng nanginginig kong kamay sa kaniyang mukha. Hindi man lang siya natinag sa sampal ko. Ang kapal talaga.

Hindi ako makapagsalita, lahat ng gusto ko ipangdepensa sa sarili ko, naglaho nalang na parang bula. Inisip ko lahat ng pangyayaring pwedeng sabihin na malandi nga ako, pero iisa lang ang naisip ko.

Kung yun ay nung nakita niya kaming magkayakap ni Marlowe. Hindi naman ako may kagagawan nun ah, pero nafeel ko din kasi.

"Bakit? Hindi ba totoo?" seryosong aniya niya ulit.

Muntikan na siyang mabuwal nung binigyan ko siya ng pinakapalakas kong suntok.

"Aray--"

"Wala kang karapatang sabihan ako ng malandi, dahil kahit sa pagiging kaibigan. HIndi kita tinatanggap," I said it with a greeted teeth.

"Ang tagal -- Anong nangyayari dito?" gulat na gulat na sambit ni ate Reina, kitang kita niya kung paano muntikang mabuwal si Ryason. Tumulo rin ang dugo mula sa labi niya.

Maski ako, bumalik sa katinuan kaya nagulat din ako sa nagawa ko pero agad agad ding 'yun nawala.

"Oh my God! Ryason, you're bleeding," agad na pinuntahan niya ang hayop na 'to para tingnan ngunit hinawi niya lang ang kaniyang ate. Umalis siya sa harap namin.

"A-Anong nagyari P-Pam.."

"Uwe muna ako ate, hindi naman po ako nagugutom," matagal na hindi sumagot si Reina ngunit kalaunan ay tumango rin siya, naiintindihan niya siguro kung anong gustong iparating ng mga titig ko. Gusto ng kumawala ng mga luha ko pero ayokong umiyak dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Annoying!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon