"Huh?" Uh-oh.
"Ay.. h-hindi.. Ibig kong sabihin.. clash! Oo, tama. Clash. Mala-clash kasi yung buhok ko," umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Feeling ko tuloy ang nasusunog na ang mukha ko sa init.
Tumawa siya ng mahina, pero kinilig ako. My Gosh, kinikilig din pala ako? Oh no!
"Anong nangyari sayo Pamela, bakit ganiyan ang buhok mo?" nakalimutan ko, nasa harap ko din pala itong babaeng ito.
"H-ha?" hindi ko na maintindihan kung anong expression ang mayroon ang mukha ko. "A-ano.. kasi.."
"Naniwala ka ba kay Ryason kanina na may.."
"HINDI NO!" ngumiti ulit siya, shock. Bakit ang gwapo gwapo ng lalaking to? Pinsan ba talaga to ni Ryason? Dahil kung oo, hindi halata.
"So narinig mo kami kanina na nag-uusap?" tanong niya. Tss, pag sinabi kong oo. Baka sabihin niyang tsismosa ako. Pag hindi naman ang sagot ko, eh anong nakikita niya ngayon? May suyod sa buhaghag kong buhok.
"Hmm.. slight lang." Napakamot ako sa ulo.
Napansin kong para siyang na-tense, o baka naman assuming lang ako.
"Hoy babae, mag-ayos ka nga muna bago ka.." tumingin siya kay Marlowe saka tumingin rin sa akin ng nakakaloko.
"Tumigil ka nga," inirapan ko siya. "Saglit lang ah," paalam ko sakanilang dalawa at saka pumasok sa kwarto.
Napasandal ako sa pintuan at huminga ng malalim.
Kinikilig ako!
Paglabas ko ng kwarto, nabungaran ko kaagad si Dian at Marlowe na nagkukuwentuhan sa sala, nalaman ko ang pangalan niya dahil din naman kay Ryason. Alam niyo naman yun, madaldal. Tsk.
"Oh, yan na pala si Pam--"
"Tara na!" ano daw?
"S-san?" aba kahit crush ko to, hindi naman ako sasama agad-agad no, baka mamaya reypin pa ako.
"Huwag kang mag-alala, pinapasundo ka lang ni ate Reina, naipagpaalam na kita kay Dian at sa mama mo," ngumiti ulit siya, nakita ko nanaman tuloy ang magaganda niyang mga teeth. HAHAHA.
"Si ate Reina?!" ngayon lang nag-sink in eh, alam niyo naman ako. Slow.
"O-oo, bakit?"
"Wala naman, nakauwe na pala siya."
"Oh oh, alis na. Dali! Huwag pag-antayin ang mga monster," bruha talaga 'tong si Dian. Napansin ko naman ang expression ni my labbs este Marlowe, napapangisi lang ang loko. May alam ba 'to?
"Sus! Dumating lang ang mortal enem--"
"PAMELA!" oh see? Magkaaway kasi yang si Sister sa ate ni Ryason. Ewan ko ba kung bakit, eh ang bait bait naman ni ate Reina.
"Oh-kayyy, bye sistaah!" nginitian ko siya ng nakakaloko, aba! tinitigan niya ako ng humanda-ka-sakin-bruha. Hahaha! Asar talo kasi.
Habang naglalakad kami ni my labs- este ni Marlowe, hindi ko mapigilan ang ang ngiti sa aking labi. Teka, parang sa komersyal lang 'yon ah. Hahaha. Pero hindi, hindi ko man lang makuhang sumimangot sa mga oras na 'to. Kinikilig kasi ako.
Shet!
"Oh!" bigla akong hinila ni Marlowe papunta sakaniya, biglang bumilis ang tibok ni heart. Nag lakas na ng dugdugan sa loob, parang nagkakaroon ng banda nagkokonsyerto. Bakit niya ba ako hinila? Gusto niya rin ba akong mayakap katulad ng pagkasabik kong mayakap ka?
Triple kilig!
Habang yakap yakap ko siya ang sinusulit ang lambot at bango ng kaniyang katawan..
BINABASA MO ANG
He's Annoying!
Roman pour AdolescentsThey started to become a corporeal rival, always combating and never skips every single day that they didn't squabble.. What if one day.. They will feel these uncertain feelings they didn't feel before. How they can express it in a pleasant way...