Masaya at nageenjoy ako sa pakikinig ngayon dito Miley Cyrus songs sa IPod ko, hindi yung the Wrecking churva ah, yung mga old songs niya ang pinapakinggan ko.
Nakaupo ako dito sa terrace habang nakasalpak ang headset ko sa magkabilang tenga ko at nagbabasa ng Wattpad Stories nang may lumapit sa likod ko.
Nanigas ako sa kinauupuan ko nung nilingon ko ang lalaki sa likod ko.
Si Crush.
"Anong Title niyan?" tinatanong niya siguro ang binabasa ko. Hindi ako sumagot o lumingon man lang. Hindi ko alam pero hindi ko maigalaw ang bibig ko para magsalita.
The goosebumps on me attacked.
"Uyy, ang dami mo palang kuto?" boses ng nakakapang-insulto. Si Ryason. Hindi siya tumatawa, basta seryoso siya sa nakikita ko sa screen ng loptop na katabi ko.
Ano daw?
Kuto?
Sa Ulo ko?
Nanlamig buong katawan ko pati ang mukha at tenga ko hanggang sa bunbunan ko. Shet. Nakakahiya. Nakita niya ba yung mga Dinasaurs ko sa ulo? I mean siya - si crush.
No. It can't be!
"Wala naman eh," narinig kong bulong ni crush.
"Ayun o gumagapang, kyumad ba ang tawag dun?" bulong din ni BL. Ayokong magreak dahil mas lalong nakakahiya, ang mga alaga ko which nahawaan lang naman ako ng pinsan kong nakitulog sa amin. Nakakahiya shet.
"Wag kang maingay baka magalit," naiiyak na ako.
Bakit kailangan akong ipahiya ni Ryason sa.. sa harap ng crush ko. Siya na nga alng kaisa-isang crush ko dito sa Barangay namin at ngayon na nga lang siya nagtanong sa akin o nakipagusap.
Bakit kailangan niyang ipahiya ako?
Narinig kong tinatawag ni BL si Crush paalis sa kinakaroonan ko. Akala ko tapos na talaga ang pang-aasar niya sakin, ilang araw na din na hindi ko siya nakakaencounter pero bakit.. bakit ngayon pa? Mas malala pa nga ngayon eh.
Shit. Pahiya ako eh.
Noong marinig kong naka-alis na sila, saka ako tumayo sa terrace at tumakbo paakyat sa kwarto ko at hinanap ko kaagad ang suyod. Tinanggal ko muna ang braid na ginawa sakin ni Dian. Ang hirap, takti!
Sinuklay ko muna ang buhok ko na halos makalbo na sa hirap paghiwalay-hiwalayin dahil sa tirintas. Noong matapos na iyon ay isinuyod ko na ang suyos sa makapal kong buhok. Grabe ang sakit na ng anit ko sa kakasuyod pero - wala naman akong makuha! The hell.
Habang naghahunting ako ng mga dinasaurs eh may kumaok sa pintuan ng kwarto ko.
"Saglit!" sigaw ko habang pinipilit kong ibaba ang suyod sa dulo ng buhok ko.
"Pamela!" nyeta, hindi makapaghintay si Dian.
No choice kundi buksan ang pintuan habang nakabuhaghag at magulo ang buhok ko.
Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang lalaki sa harapan ng frame ng pinto ko.
"CRUSH?" bulalas ng bibig ko.
"Crush?" sabay nilang tanong ni Dian.
Uh-Oh
You made this Freakin' day of my life Ryason! Kung hindi dahil sayo hindi ako iintrigahin ni Dian mamaya at hindi maiilang si Cru - err Marlowe sakin ngayon.
--
Good night!
12:00am
January 23 2014
Dedicated to her, she's so cute na kahit Fc ang dating! Haha joke. Basta ang kulet mo.

BINABASA MO ANG
He's Annoying!
Novela JuvenilThey started to become a corporeal rival, always combating and never skips every single day that they didn't squabble.. What if one day.. They will feel these uncertain feelings they didn't feel before. How they can express it in a pleasant way...