4 - Sakit sa ulo!

93 8 19
                                        

Nagbabasa ako ng Wattpad dito sa IPod ko nung magsipasukan ang mga damuho sa buhay ko.

You know?

The BL and Friends.

"Hay BABY!" ang pinakaSWEET na endearment na narinig ko. Note the Sarcasm.

Inirapan ko lang siya hanggang sa makarating na siya dito sa counter ko. Naamoy ko alak mula sa hininga niya.

"Kamusta Baby? Tulog kana ah?!" tapos nagtawanan sila ng mga katropa niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba 'to o ewan. Para sakin, nabubuwisit ako.

"Huy Ryan, tara na matulog ka na." aya sakaniya ng isa niyang tropa. Mukha silang nakainom pero si Ryan talaga ang pinakalasing.

"Teka lang - hik pare, wala -hik namang bastusan ng -hik syota." namumula ang mga mata niya at nalalanghap ko talaga ang amoy alak mula sa bibig niya. 

Nagtawanan lang sila, isama mo na rin ako dahil wala namang masama magbiro diba? Biro lang yun, walang something serious.

"Tangina mo Ryason! Tigilan mo na iyan, hindi ka naman pasado diyan kay Pamela eh." sabat ng isa pa niyang tropa, hindi ko kasi masiyadong memryado ang mga pangalan nila except kay elvin at sa BL na to.

"-Hik Basta Baby ko to. -hik Baby." hindi ko alam pero habang binabanggit niya ang 'Baby' eww, mas lalo akong naiinis. Ilang beses niyang subukang hawakan ang pisngi ko pero ilang beses ko ring hinawi. Wala akong ganang makipagsigawan hindi katulad ng nakaraan. Dahil kung makikipagbabakan lang ako dito sa lasing na to ay mas lalo siyang mangulit at baka hindi niya ako tigilan.

"Eto naman! -hik parang hindi kita baby ah?" Grabe, sumasakit na ang ulo ko at gusto ko ng masuka dahil amoy na nalalanghap ko magmula sakaniya. Isang ruler lang kasi ang pagitan namin at hindi ako yung tipong tao na lalayo. Feelin ko kasi, bumababa ang dignity ko kapag ako yung umaatras sa kaniya. 

Pilit pa niyang pinipisil ang pisngi ko, alam ko naman cute ako (hehe) pero nakakasira kaya ng mukha pag pinaggigilan ang mukha mo.

"Punyeta Ryason, isa pa sasapakin na kita." I said in a greeted teeth. Wala nga kasi akong ganang sumigaw.

Taena masakit yun ah! Pinanggigilan niya ng todo ang malashopao kong pisngi!

"BUWISIT KA RYAN! MASAKIT SABI EH!" ang sakit kaya. >//<

"Aray naman Mahal -hik bakit mo ako binato ng salamin mo?" Hindi ko namalayan, naibato ko pala sakaniya yung hawak-hawak ko, buti nalang malakas ang kapit ko sa IPod ko, kung hindi baka ito ang naihampas ko sa BL na ito.

"Tigilan mo na ako, baa hindi lang iyan ang maibato ko sayo." seryoso ako, hindi ako sumisigaw, hindi rin ako bumubulong.

"Uyy Ryan, umuwe kana kasi." 

"Ang alak hindi sa FEELING linalagay!"

"-Kundi sa TIYAN!"

"Mga pare -hik nagbibiro lang -hik naman ako eh -hik." hindi na siya nagsalita at umalis na rin.

Ang sakit na ng ulo ko. Dahil ba to sa kababasa ko sa Wattpad o dahil sakaniya. Nakonsensiya yata ako sa pagbato ko ng salamin. Naiinis na kasi ako at wala akong gana. Hay nakuuu!

--

Anyways it's already 1100pm (January 16 2014)

Goodbye! 

He's Annoying!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon