Dalawang araw na magmula noong hindi pumupunta dito si Ryason. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Dahil ba yun sa pagbabato ko sakaniya noong isang araw? Masiyado ba niyang dinibdib yun? Yung kaibigan naman niyang si Elvin, minsan ko lang din makita pero hindi niya ako kinakausap.
What on earth is going on? Bakit hindi yata ako sanay na walang maingay at nanggugulo sakin araw-araw? Bakit parang walang tumatawag sakin ng mahal, nangaasar sakin, at kung anu-ano pang pwedeng ikasira ng araw ko.
at BAKIT BA HINAHANAP KO SIYA?!
Nyeta lang.
Naglalakad ako papuntang school pero ang lakad ko parang papuntang moon. ANG BAGAL! MAY HINAHANTAY BA AKO? Wala naman eh, feeling ko lang hindi yata kumpleto ang araw ko ngayon. Parang may kulang.
Badtrip naman oh!
"Shit! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" si Ryason. Biglang nabuhay ang natutulog kong diwa. Naglighten up lahat ng cells ko sa katawan. Napangiti ako at babatiin ko sana siya kaso,
"Mukha kang tanga, tabi nga!" tapos tinabig niya ako at lumakad na papalayo.
Aray! Parang sinaksak ng maraming beses ang dibdib ko.
Anong nangyayari sakin? Masakit ang mga sinabi niya sakin. Joke lang ba yun? Pero bakit ang seryoso ng mukha niya. Para siyang may malaking problema.
Naiiyak ako habang pinapanood ko siyang papalayo, hindi ako sanay na sinusungitan niya ako. Mas sanay ako na palagi niya akong inaasar. Diba dapat matuwa ako kasi sa wakas tinigilan niya na ako?
Pero bakit ganon? Nasasaktan ako!
Masakit! </3
Gusto ko siyang habulin pero ayaw gumalaw ng paa ko. Gusto ko sumigaw pero wala akong mailabas na boses kahit kaunti. Nanunuyo ang buong lalamunan ko.
Nakarating na ako dito sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Baba nalang ako sa Shop mamayang 5pm para palitan si Dian.
Ang bigat talaga ng pakiramdam ko, pakiramdam ko may buhat buhat akong mabigat na bagay. Humiga ako sa kama at inisip ulit for the 10th time ang nangyari sa 'bungguan' namin ni -- Ryanson. Never in my life na ganoon ang reaction niya. Punong-puno ng galit ang mga mata niya, hindi siya ngumiti o kahit ngumisi man lamang. Hindi talaga ako sanay.
Namimiss ko ba siya?
Pero hindi pwede!!
Dapat nga magdiwang ako dahil natapos na ang malagim na pangaasar sakin ng lalaking iyon. Pinikit ko ang dalaw kong mata at huminga ng malalim.
I shouldn't be affected. Hindi ka lang nasanay! Masasanay karin.
The heck what am I talking about?
Kakainis! Bakit ba ako nagiging ganito! T.T
--
Happy fiesta Sto. Nino!
January 18 2014
0945pm
BINABASA MO ANG
He's Annoying!
Teen FictionThey started to become a corporeal rival, always combating and never skips every single day that they didn't squabble.. What if one day.. They will feel these uncertain feelings they didn't feel before. How they can express it in a pleasant way...
