2

117 9 13
                                    

"Hi Mahal!" the super ultra mega annoying face again.

"Tsk," inirapan ko lang siya, ang aga-aga nambubuwisit nanaman.

"Uyy Mahal! Sabay na tayo," papasok na kasi ako ng school at parehas kami ng papasukan. 

"Pwede ba? Hindi naman kita boyfriend kaya wag na wag mo akong tatawagin sa ganiyang endearment!." Nakakatakot kasi baka mamaya may makarinig sa amin, mas lalo na yung mga chismuckers sa lugar na to? Naku, asahan mo. Makakarating kaagad iyan sa kabilang barangay.

"Bakit? Buti nga tinatawag kitang Mahal eh, choosy kapa! Diba mga pare?" nagsing-ayunan naman ang mga kaibigan niyang kanina pa nagtutulakan at nagtatawanan.

Wala na, talo nanaman ako! Nakakainis, bakit ba kasi nakakayamot tong mga to. Ang dapat talaga sa mga to pinapakain sa mga piranha.

"Oh oh, wag ka ng maasar, tara na sabay na tayo. Aarte kapa?" Nagpantig ang tenga ko sa huling sinabi niya.

"SINO BA KASING MAYSABI NA SUMABAY KA SAKIN??!!" nag-apoy nanaman ang buo kong katawan, sumiklab mula sa ilong ko ang apoy na kanina ko pa kinikimkim. 

Tumahimik naman sila ng - sandali at NAGTAWANAN ULIT!

Alingawngaw ng halakhak ang maririnig ko habang papaalis ako sa lugar na yon. Nagbuga ako ng hangin sa sobrang strees. Sumakit pati ang ulo ko kakaisip kung paano sila patitigilin sa pang-aasar nila sakin. Iminasahe ko nalang ang daliri sa temple ko.

Hindi ko nga alam kung sila ba iyong may sayad sa utak para asarin araw-araw o ako lang iyon na kulang sa pasensiya.

Lahat ng pasensiya ginawa ko na, minsan nga hindi ko na sila pinapansin para matahimik ang buhay ko pero sa kasamaan palad, hindi parin sila sumusuko.

Nagbuga ako ng isang napakalaking buntong-hininga at umupo sa ilalim ng waiting shed para maghintay ng jeep na dadaan - at si hindi inaasaahan or should I say SPEAKING OF THE DEVIL, rumagasa sila sa harapan ko at nagsitalsikan ang mga putik at tubig na naipon doon dahil sa ulan.

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nung makita ko ang sarili ko na napaliguan sa mabahong putik. 

Nanlalaki nanaman ang butas ng ilong ko at, "WALANG HIYA KA TALAGA RYASON! HUMANDA KA SAKING BL KA! BUWISIT!!!" narinig ko lang silang humahagalpak sa tawa habang papalayo gamit ang motor niya. Napaiyak na din ako sa sobrang galit. Grabe talaga, hindi na ako makakapasok sa first class ko. May report pa naman ako ngayon sa AP. Nakabadtrip, nakakainis.

He is REALLY REALLY ANNOYING! FROM THE DEPTH OF MY HEART.

HUMANDA KA SAKIN.

-

Dahil Magaalas dose na! Tutulog na ako. Baboy este babay! :)))

Time check: 11:40 pm - January 14 2014

Pamela Rose on the right side ^^

 

He's Annoying!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon