LISA's POV
Papunta ako sa ice cream store ngayon, nagcrave lang kasi ako bigla ng ice cream eh.
Lumabas ako na nakasuot ng pajama at hoodie. I looked at my watch.
11:20pm. Gosh. Ba't ko ba binalak lumabas ng gantong oras? Hays. Bahala na nga.
Habang naglalakad ako, may nadaanan akong grupo ng mga lasing na lalake.
"Hey miss, wanna join us?" tanong nung lalake nang lumapit siya sa'kin.
'Ang baho ng hininga mo, subukan mo kayang mag toothbrush?!' sigaw ng isip ko.
I shook my head no at nagmadaling umalis palayo sa kanya.
Nakarinig ako ng footsteps sa likod ko. Maya-maya nalang ay may bigla humila sa'kin at hinawakan at dalawa kong kamay.
"Where do you think you're going? Com'on join us babe, we'll make your night awesome." sabi niya. Lumapit pa yung tatlo niyang kasama.
Sa sobrang baho ng hininga ng lalakeng 'to di ako makahinga, este, sa sobrang takot ko ay hindi ako makahinga at makapagsalita.
"Let's go dude. Bring her with you." sabi naman nung lalakeng naka-cap sabay bukas ng pinto ng kanilang sasakyan.
"Let me go!" I managed to speak.
"Nah, we're not letting you go. We should enjoy first. Right?" sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
Yucks. Bitawan mo'ko please. Lord, please, tulongan niyo po ako. Ice cream lang naman kailangan ko, eh ba't ganito.
"Hop in." utos sa akin nung lalake.
"Ayoko." sabi ko.
"What did you say?" tanong nung naka-cap.
"Sabi ko ayoko." sabi ko raising my voice.
"Will you speak in English? We don't understand you. Are you a Filipino? Speak English babe." sabi nung lalake.
"English mo mukha mo!" sigaw ko sabay sipa sa "where-it-hurts-the-most". Napatumba naman yung lalake. Agad akong tumakbo bago pa ako mahuli ng kasama niya.
"Ugh! G-get her!" sigaw nung lalake. Sumunod naman sa direksyon ko yung tatlong lalake. Binilisan ko pa ang takbo ko habang naghahanap ng pwedeng mapagtaguan.
Jusko po, saan ba ako pwedeng magtago? Wala na masyadong tao sa daan eh. Wala akong pwede paghingian ng tulong.
Lumingon ako sa likod, nakasunod parin yung mga lalake.
Halos mangiyak-iyak na ako. Paano kung mahuli nila ako? Katapusan ko na ba? Hindi ko na ba ulit makikita ang mga kaibigan ko? Hindi ko ba matatagpuan ang Prince charm-
Bigla akong nakaramdam ng pagtama sa isang poste.
"Aray ko."
Tinignan ko yung nabunggo ko, akala ko poste pero lalake pala.
At hindi lang siya basta-bastang lalake, siya yung nakita ko sa airport! Thank God.
"Watch where you're going." sabi niya. Hindi niya pa yata narealize na ako 'to. Umalis na siya. Pipigilan ko yata siya pero pag lingon ko sa likod wala na siya.
Jusko. Saan ka na ba?
May biglang tumakip sa bunganga ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Gotcha"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong lalake.
Sht. No please.
Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya pero ang lakas niya.