CHAPTER THREE

16 3 0
                                    

LISA's POV

Pagbaba namin sa cab nag check in na agad kami. Napatingin ako sa hotel, may malaking chandelier sa taas. It looks amazing. Nag lakad lakad ako, may nakita akong portaits na nakasabit sa dingding.

"Lisa! Tara na." sigaw ni Eadlyn.

"Coming!"

Habang naglalakad ako papunta sa kanila may nakita akong dalawang lalake papasok sa hotel, nanlaki ang mata ko nung maaninag ko yung mukha ng isang lalake.

No. No. No. Hindi 'to pwede.

Tumalikod na ako at nagmadaling sumunod kina Violet. Dumiretso ang dalawang lalake sa direksyon ko. Di kaya sinusundan nila ako? What if irereport ako nung lalake? Sana hindi.

Binilisan ko pa lakad ko. Di pa ba kami nakarating sa unit namin?

Lumingon ako sa likod, sumusunod parin sila. Jusko wag naman sana ngayon.

"Andito na tayo." sambit ni Violet.

Yes!

"Oh bilisan mo na Vi! Buksan mo na bilis." utos ko. Malapit na yung mga lalake.

"Teka lang, naiwan ko yata yung susi. Gosh" sabi ni Eadlyn.

"Ano? Diba binigay yun sayo nung babae?" tanong ni Violet.

"Eh may nag text kasi sa'kin. Nilagay ko yung susi sa table or ano ba tawag dun." sabi ni Eadlyn. Gosh, not now.

"Psh. Hurry up and get it. I'm getting tired." sabi ni Jam.

Omaygad. Omaygad. Malapit na talaga yung lalake. Huminga ako ng malalim. 'Harapin mo sila Lisa, wag mong ipakita na natatakot ka' bulong ko sa sarili ko.

"Hoy Lalisa, para kang tanga, sino ba kausap mo?" tanong ni Violet.

"Wala" tipid na sagot ko sabay lingon sa likod. Tamang-tama kaharap ko na yung lalake. So sinusundan talaga nila kami? Psh. Akala niya matatakot ako sa kanya? Kaya ko 'to.

"Hoy! Ba't moko sinusundan ha?!" bungad ko sa kanya.

Mukhang nagulat naman yung lalake. He gave me a confused look.

"Oh hindi ka makapagsalita? Akala mo siguro natatakot ako sayo? Hala sige, isumbong mo ako na pumasok ako sa maleta mo na may mga buy one take one mong brief. Di ako natatakot sayo. May pa sunod-sunod ka pa sa akin. Hay nako! Ikaw yata itong mukhang magnanakaw. Siguro gusto mo ko noh? Siguro balak mong kunin yung phone number ko. Nanakawin mo puso? Psh. Lumang style na 'yan!"

"Haha. Nagpapatawa ka ba? Ako? May gusto sayo? Psh. Asa. At ba't ko naman kukunin yung number mo? Eh ni hindi nga ako naging interesado sayo." sagot niya giving me a smirk.

Aray. Sakit magsalita ng lalaking 'to. Tsk.

"Lisa? Magkakilala kayo?" tanong ni Jamaica.

"Ha? Hindi. Wala akong kilalang endorser ng brief!" sabi ko.

"Really huh? Ano yung sinasabi mong pumasok ka sa maleta niya? Psh. We have a lot to talk about." sabi ni Violet.

Bago pa ako makapagsalita biglang dumating si Eadlyn. Thanks God! Savior!

"Sorry medyo natagal- Sino sila?" tanong niya sa amin sabay turo sa dalawang lalake.

"Woah. It looks like magkatabi tayo ng room." sabi nung asungot habang nakangiti. Di niya pinansin yung tanong ni Eadlyn. "Well, see yah later babe." dagdag niya. Kinindatan pa talaga niya ako. Feeling gwapo! Sarap sapakin neto. "And by the way, my name's Arq." sabi niya.

Arq? Ang ikli lang ng name ah.

"Teka lang. Tama ba yung narinig ko Lisa? Babe? Tinawag ka ng nilalang na yun ng babe? Am I hearing it right?" tanong ni Eadlyn.

LOVE AT FIRST FLIGHT [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon