EADLYN'S POV
Pagkaalis ni Jamaica, nanood lang kami ng kung anu-ano ni Lisa. Mga cartoons, comedy show at iba pa. Maya-maya, napagdesisyonan naming pag-usapan ang away nina Violet at Jamaica.
"Ano gagawin natin? Di ako papayag na mag away-away sila. Dapat makahanap tayo ng paraan para magkabati sila." seryosong wika ni Lisa. Pagsinabi kong seryoso, seryoso talaga siya. We're just the same, we don't like the situation.
"Pasyal nalang ulit tayo bukas. Then let's leave the two of them so that they have time to talk alone." I suggest. I don't think it's the best idea, pero as long as makapag-usap silang dalawa ayos na yun.
"Hmm." bahagyan namang napaisip si Lisa. I can see that she's really worried about ger friends. Di ako sana na ganito siya kaseryoso, siguro kung walang nangyari kanina pa 'to nagsheshare ng kung anu-ano.
Magsasalita na sana siya nang bigla kaming nakarinig ng footsteps sa hagdan. Paglingon namin, nakita namin ang kawawang Violet. Her eyes were red and puffy. Halatang galing ito sa pag-iyak.
"Di pa nakauwi si Jamaica?" tanong neto.
"Di pa siya umuwi eh, siguro nag-eenjoy dun sa bagong niyang kaibigan." sabi ni Lisa. Tumayo ito at pumunta sa kusina. Nagtaka naman ako.
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Magluluto, alam kong gutom na kayo. Lalo kana Vi." sabi neto. Siya? Magluluto? Good luck.
"Sigurado ka bang hindi hilaw o pagod 'yang ipapakain mo sa amin?" tanong ni Violet sa kanya. Here she goes. Yung Violet na topakin.
"Vi naman eh! Ganun na ba ako kasama para pakainin kayo ng hilaw o pagod?" nakakunot ang mukha neto habang tinatanong si Violet. Pinanood ko lang sila.
"Ganun na nga, ano pa ba?"
"Maghahain ako ng masarap ng pagkain. Humanda kayo!" sabi neto at nagsimula nang magluto.
"Omg excited na ako." sarcastic na wika ni Violet sabay irap.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Nang inihain na niya ang so-called "special dish" niya agad niyang tinext si Jamaica para sabay na kaming kumain. I think her dish is not that bad.
"Ano sabi niya?" tanong ko sa kanya. Malungkot naman itong nakaharap sa amin. Mukhang di yata maganda.
"Doon na daw siya kakain." sabi niya at naupo.
Tahimik lang kami habang kumakain, di kami nagsalita ni Lisa since alam namin ang nararamdaman ni Violet. I think it's better to talk to her, right? But I don't think its the time. I mean, di namin kayang makipagplastikan at magkunwaring walang nangyari.
I kept glancing on Lisa, wishing that she would talk about non sense things, but nothing came on her mouth. This is too awkward if you ask me.
"Ba't ang tahimik niyo?" napadako ang tingin ko sa nagsalita. Thank God! Akala ko mabibingi na ako sa sobrang tahimik.
Nag shrug lang si Lisa at tila ba wala itong ganang magsalita. Ano ba problema ng babaeng 'to?
"Uh.. Ano kasi, nagugutom lang ako haha. Oo, gutom ako." nautal na sagot ko. Damn it Ead, act like normal.
"Gutom? Eh halos maubos niyo nga yung pagkaing binili natin eh. Oh, isa ka pa Lisa, ba't ang tahimik mo? Magsalita ka naman. Hello." sabi neto at winagayway ang kamay sa harap ni Lisa.
Magsasalita na sana si Lisa nang biglang tumunod ang doorbell. May doorbell pala kami?
"That must be Jamaica!" masayang wika ni Lisa at agad na tumakbo papunta sa pinto. Nagkatinginan naman kami ni Violet.
